TLLBD #1

5K 103 6
                                    

*Blue Pov*

"Blue... Blue.." Nagising ako dahil sa tawag na yun. Saka ko naramdaman ang pagtapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata, si Tatay lang pala.

Saka ko lang naalala na andito pa pala kami sa Bus. At mukhang napasarap ang tulog ko. Umayos ako ng upo saka ako tumingin kay Tatay na ngayon ay dala na ang lahat ng gamit namin. Kaya naman ay tumayo na rin ako at sumunod na kay Tatay na ngayon ay nauna na sakin pababa. At para hindi ako mawala ay kumapit ako kay tatay at kinuha ko ang mga gamit ko sa kaniya. Siyempre, ayoko namang mapagod si tatay kakabuhat ng mga gamit ko kung kaya ko namang dalhin.

Naglakad kami papunta sa isang waiting shed kung saan may ibang tao din na naghihintay.

"Saan na po tayo pupunta 'tay?" Tanong ko dito habang nagtitingin sa mga sasakyang paparito paparoon.

Ang lawak nga talaga ng maynila, mas marami din ang malalaking gusali kaysa sa maliliit na mga gusali. Masyado naman yatang maunlad dito pero mas maunlad pa rin talaga sa ibang bansa kase dun, halos lahat ng makikita mo sa siyudad y puro naglalakihang gusali na.

"Pupunta tayo sa inupahan ko ng bahay." Sagot ni tatay.

Mukhang hinanda na talaga ni tatay ang pagdating namin dito.

"Sasakay ulit tayo ng bus?" Tanong ko naman.

"Hindi na, mag je-jeep nalang tayo." Sagot ni Tatay kaya tumango na lang ako.

Ilang minuto lang ay may humintong jeep sa tapat namin kaya naman ay sumakay na kami dun ni Tatay. At dahil siksikan ay umusog ako ng konti papalapit kay tatay para naman hindi ako masyadong maipit.

Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa alikabok na nagkakalat sa kalsada, masyadong maalikabok dito at ang dumi pa ng hangin hindi katulad sa probinsiya na maaliwalas ang hangin. At isa pa, hindi naman maraming malalaking sasakyan ang dumadaan doon.

Ilang minuto lang ay pumara na si Tatay kaya naman ay nagbayad na ito saka kami bumaba. Nilibot ko ang tingin sa kung saan kami bumaba.

Maraming magpapamilya na nakatambay lang sa labas ng kani-kanilang bahay at may iba't ibang ginagawa.

"Nak tara na." Saad ni Tatay at nauna na itong maglakad.

Agad naman akong sumunod dito at habang naglalakad kami ay panay ang tingin samin ng mga tao dun. Hindi ko nalang pinapansin kahit na naasiwa ako sa paraan ng pagtitig nila. Lalo na ang mga tambay na mukha namang mga shokoy. Psh. Ang aangas ng mga 'to.

Umiling nalang ako at mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nahuhuli na kasi ako, ang bilis naman kasing maglakad ni Tatay.

Tumigil si tatay sa tapat ng isang maliit na bahay pero sapat na para sa'ming dalawa. Pagsilip ko sa unahan ay saka ko lang napansing may kausap pala si Tatay. Eto yata ang nagpapaupa ng bahay.

"Aling Martha, ang anak ko pala si Blue." Saka ako tinuro ni Tatay.

Ngumiti naman ito sakin kaya ngumiti din ako dito.

"Magandang umaga po aling Martha." Bati ko dito.

"Magandang umaga din. Ang ganda mo naman." Nakangiting usal nito.

Ngumiti nalang ako dito kahit na naiilang ako. Eh sino ba ang hindi maiilang kung sasabihan ka ng maganda. At isa pa, si Tatay lang naman ang nagsasabi sakin na maganda ako. Kahit nga mga kabarkada ko hindi ako sinasabihan nun.

"Oh siya, maiwan ko na muna kayo. Kung may problema man, pwede niyo kong lapitan. Magkatabi lang naman tayo ng titirhan mula ngayon." At tuluyan ng umalis si Aling Martha.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now