TLLBD #16

2.8K 77 14
                                    

Ngayon ay sabado kaya walang pasok at nandito lang ako sa loob ng bahay namin. Wala naman akong gagawin. Nung nasa probinsiya pa ako, tuwing sabado parati akong nasa dalampasigan kasama sina Edoy.

Teka, oo nga pala, hindi ko pa natatawagan sina Edoy.

Agad akong lumapit sa cellphone ko na naka charge ngayon saka ko iyon kinuha at tinawagan sina Edoy. Makailang ring lang ay may sumagot na.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Hello si Blue 'to, andiyan ba si Edoy?" Saad ko.

"Waahh!! Blue!! Kamusta ka na?! Si Rikka to! Uy kamusta ka na diyan!" Sambit ng kausap ko.

Nang makilala ko na ito ay napangiti ako. Sila pa rin pala talaga hanggang ngayon.

"Eto okey lang. Kayo diyan? Kamusta na kayo?" Tanong ko saka ako umayos ng upo at sumandal sa inuupuan ko.

"Okey lang, na mi-miss ka na nga namin eh. Hindi na rin kasi kami makapag bonding lalo na at wala ka dito, Blue! Bumalik ka nalang kaya dito!" Saad nito dahilan para matawa ako.

Kahit naman ako na m-miss ko na rin sila pero hindi kasi pwde lalo na't dito na ako nag-aaral. At ayoko ding iwan mag-isa si Tatay dito.

"Kung pwede lang sana eh, kaso may pasok ako dito. Hindi naman kasi ako pwedeng um-absent." Saad ko.

"Oo nga eh, pero Blue! Malapit na ang birthday ni seph, hindi ka man lang ba pupunta dito?" Saad ni Rikka.

Saka ko lang naalala na malapit na nga talaga ang birthday ng isa sa kolokoy.

"Ewan ko, pero titignan ko kung makakadalo ako." Saad ko.

Wala naman sigurong masama kung subukan ko 'di ba?

"Sige, Oh siya, papatayin ko na Blue, may gagawin pa kasi ako." Saad ni Rikka.

"Sige, pakikamusta nalang ako sa mga kaibigan ko. Pati na rin kina Aya." Saad ko.

"Sige, sige.. Ingat ka diyan. Balitaan mo kami kung may boylet ka na! Yiieehh!!" Panunukso nito na tinawanan ko lang saka ako nagpaalam na at pinatay na ang tawag.

Matapos kong makausap si Rikka ay binalik ko ang pagkaka charge ng cp ko at dahil wala naman akong ginagawa dito ay naisipan kong maglinis nalang ng bahay. Ako lang kasi ang nandito sa bahay kasi may trabaho si Tatay. Kinuha ang lahat ng gamit na kakailanganin ko bago ako nagsimulang maglinis ng buong bahay. At dahil hindi naman ganun kalaki ang bahay na tinutuluyan namin ay mabilis kong natapos ang paglilinis ko. Pinagpawisan din ako dahil dito pero okey lang. Hindi pa naman ako naliligo.

Binalik ko na ang mga ginamit ko sa panlinis sa bahay bago ako pumasok sa kwarto ko. Didiretso na sana ako sa cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit ko nang marinig ko ang pag ring ng cp ko. Nilapitan ko iyon at saka ko tinignan ang taong tumatawag. Nang makitang si Dianne iyon ay agad ko iyong sinagot.

"Hello Dianne? Napatawag ka?" Bungad ko saka ako umupo muna para makausap ko ng maayos si Dianne.

"Hello Blue, naistorbo ba kita?" Tanong ko at pansin kong natataranta ito.

"Hindi naman. Teka, okey ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko dito.

"O-Oo okey lang ako. Ano, may favor sana ako pero baka may iba ka pang ginagawa." Nag aalangan na saad nito.

"Hindi okey lang, ano ba yun?" Tanong ko.

Pansin ko talagang may problema ito. Wala naman iyon sakin kung sabihin niya, baka sakaling makatulong ako dito. At isa pa, magkaibigan na kami kaya kung ano man ang problema niya ay gagawa ako ng paraan para makatulong dito.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now