TLLBD #48

3.1K 90 18
                                    

Hoy Trick!! Tulungan niyo ako dito!" Sigaw ko at 'di na ako nag-abala pang humarap, alam ko namang narinig nila ang sigaw ko. Ang lakas kaya ng boses ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang buhatin na nila ito mula sa pagkakasandal sa'kin. Akala ko mababali na 'yong mga buto ko.

"What are we going to do with Vince?" Tanong ni Kuya Art at tumingin pa do'n sa lalaki. So, Vince pala ang pangalan ng g*go.
"Dalhin natin siya sa malapit na hospital." Suhestiyon ni Trick na sinang-ayunan namin. Hindi naman pwedeng dalhin namin sa mansiyon.

Dinala nila si Vince sa kotse ni Trick at nagsisakay na rin kami sa mga sasakyan namin. Naunang umalis sina Trick at sumunod lang kami. At dahil hindi naman malayo ang hospital na tinutukoy ni Trick ay mabilis kaming nakarating do'n.

Bumaba na ako ng motor bike ko at sumunod kina Trick na ngayon ay dala sa Vince sa loob. Agad din naman kaming nilapitan ng mga nurses at doctor na naka standby. Saka dinala ng mga ito sa ER (Emergency Room). 'Yon kasi ang narinig ko mula sa isang doctor.

Saka kami pumunta sa counter kung saan may nurse at nagtanong do'n tungkol sa pasyente. Ako naman ay naupo na muna sa bench na nakita ko. Tumabi naman si Kuya Arc sa'kin.

"You should go back home and rest. Kami na ang bahala dito." Saad ni Kuya Arc habang nakatingin sa'kin. Pero umiling lang ako at tumingin kay Kuya.

"Okey lang ako. Sabay-sabay na tayong umuwi." Saad ko dito. Tumitig ito sa'kin at bumuntong hininga din kalaunan.

"Fine. Mapilit ka talaga." Usal ni Kuya at ginulo pa ang buhok ko dahilan para mapabusangot ako. Natawa naman ito sa naging reaksiyon ko.

Napatingin kami kina Kuya Art at Trick na naglalakad palapit sa'min. Tumayo kami ni Kuya Arc para salubungin ang dalawa.

"We already pay the bill. At nasa room 501 si Vince, 4th floor." Saad ni Trick. Then we decided to check on him. Baka gising na ang g*go. Sumakay kami sa elevator at naghintay na makarating sa 4th floor.

Nang makarating kami sa 4th floor ay agad naming hinanap ang room 501. Nang makita namin iyon ay tumingin kami sa glass window at nakita naming may doctor pang nando'n. Maya-maya pa ay lumabas na rin ang doctor. Agad naman kaming lumapit dito.

"Doc. Kamusta po si Vince." Panimula ni Kuya Art. Tumingin muna ang Doctor sa'min bago ito sumagot.

"He has bone fracture on his right leg, and a broken rib. We still need to run some test on him. For now, all he need to do is to rest ara mabawi nito ang nawalang lakas ng katawan nito." Saad ng Doctor.

"Pwede po ba kaming pumasok, Doc?" Paghingi ng permiso ni Trick.

"Yes you can. I'll be going now." Paalam nito at nagpasalamat na rin kami dito at tuluyan na itong umalis.

Kami naman ay pumasok na rin sa loob. Dumapo ang paningin ko sa lalaking nakahiga ngayon sa hospital bed. May benda ang ibang parte ng katawan. Napailing nalang ako dahil sa kalagayan nito. He looks horrible. Umupo ako sa sofa na nando'n at tinignan si Vince na nakahiga do'n.

"So what are we going to do now?" Tanong ni Kuya Arc habang tinitignan ang mga sugat nito.

"Ngayong okey naman na siya, anong gagawin natin?" Tanong ni Trick habang tumitingin sa'min.

"Kailangan na nating umuwi. Pwede tayong bumalik dito bukas ng umaga. For now, we need to rest." Saad ni Kuya Arc. Pumayag na rin kami kasi kailangan naming matulog. At isa pa may pasok pa bukas. Linggo ngayon at babalik na ako bukas sa paaralan.

Pagkauwi sa bahay ay mabilis akong nag-ayos at nagpalit ng pantulog saka ako sumalampak sa higaan ko. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog.

------

"KRRIINNGG!! KRRIINNGG!!"

Napaupo ako nang marinig ko ang malakas na pagtunog ng alarm clock ko. Kunot ang noong pinatay ko ito saka ako bumalik sa paghiga pero hindi na ako bumalik sa pagtulog.

"Knock! Knock! Knock!" Napatingin ako sa pinto nang may kumatok do'n saka ako tumayo at humihikab pang naglakad palapit do'n saka ko ito binuksan.

"Princess, we'll going to visit Vince now. Sasabay ka ba?" Pagtatanong ni Kuya Art at nanlaki naman ang mga mata ko nang maalala kong dadalawin pa pala namin si Vince. Mabilis kong sinara ang pinto ng kwarto ko at mabilis na nag-ayos. Ilang minuto lang ay nakapag-ayos na ako. Kinuha ko ang bag ko saka ako tumakbo pababa.

"Amber! Didn't I told you before not to run when you go downstairs!" Nakataas ang kilay na saad ni Kuya Alex nang makita nito ang ginawa ko. Oh sh*t!! I'm doomed.

Nag peace sign naman ako dito at saka ako tumakbo papunta sa kusina. Saka ko naabutan do'n sina Kuya Art na nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko naman sila ng tingin pero natawa lang sila lalo. Lagot sila sa'kin.

Umupo ako saka ko tinadyakan mula sa ilalim ang paa ni Kuya Art dahilan para mapasigaw ito sa sakit. Natawa naman ako ng mahina dahil sa reaksiyon nito.

"Oh sh*t!" Mura nito at dahil sa malakas ang pagkakamura nito ay narinig iyon ni Kuya Alex dahilan para makatanggap ito ng masamang tingin mula dito. Pfft.

Palihim akong tumingin dito pero ang mokong masama pa ang pagkakatitig sa'kin na para bang ako ang may kasalanan. Aba't! Hindi ko kasalanan iyon uy! Sino ba sa'min ang nagmura habang nakaharap sa pagkain, siya 'di ba? Psh. Alam naman niyang ayaw na ayaw ni Kuya Alex na nagmumura kami kapag nakaharap kami sa pagkain tapos nagmura pa siya. Karma niya yan! Tawanan ba naman ako.

Pinagpatuloy nanamin ang pagkain. Nang matapos na kami ay nagpaalam na kami kay Kuya Alex. Mabilis akong lumapit sa bigbike ko at pinaandar iyon papuntang hospital kung saan naka confine si Vince. Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa hospital. Agad kong pinarke ang bigbike ko at hinintay na maiparke ni Kuya ang kotse nito.

Sabay kaming pumasok sa loob ng hospital. Pagkarating namin sa kwarto kung nasaan si Vince ay nakita namin itong nakaupo sa higaan nito. Binuksan ni Kuya Art ang pinto ng kwarto dahilan para mapatingin sa direksiyon namin si Vince. At dahil nasa likuran ako ay hindi pa ako nakikita nito.

"Who are you?" Seryosong tanong nito habang nakatitig sa dalawa kong Kuya. Hindi pa nga talaga ako nito napapansin.

"We're the one who brings you here. As per request of our sister." Saad ni Kuya Arc saka nito nilapag ang dala nitong pagkain. Kumunot naman ang noo ni Vince at bago pa man ito magsalita ay lumabas na ako mula sa dito sa pwesto ko sa likuran nina Kuya. Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa'kin si Vince.

Nanlaki naman ang mga mata nito nang makita ako. Saka nito ibubuka ang bibig nito na para bang may gusto itong sabihin pero isasara din naman agad ang bibig.

"Kumain ka na. Babalik nalang ako mamayang tanghali para dalhan ka ng makakain. May pasok pa kami." Saad ko dito saka ko hinawakan sa braso sina Kuya at hinila na palabas ng kwarto pero bago pa kami tuluyang makalabas ay tinawag pa ako nito.

"Wait! Are... You really going back here?" Naiilang na tanong nito. Kasasabi ko lang eh. Uulitin ko nanaman.

"Babalik ako." Saad ko at lumabas na ng kwartong iyon. Nakasunod naman sina Kuya sa'kin. Pagkalabas namin ng hospital ay tumigil ako sa paglalakad at humarap kina Kuya.

"Kuya, mauuna na ako. Didiretso na ako sa paaralan." Saad ko sa mga ito. Tumango naman ang mga ito kaya nagsisakay na kami sa mga sasakyan namin. Pinaharurot ko naman agad ang bigbike ko. Baka ma late pa ako.

©All Rights Reserved. 2020. Jixxie_Joe
PLAGIARISM IS A CRIME

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now