TLLBD #51

2.8K 71 3
                                    


Pagkarating ko sa Academy ay napansin kong wala ng estudyante sa labas. Mukhang late na nga talaga ako. Hayaan na nga! Sa next class nalang ako papasok ulit. Naisipan kong pumunta nalang muna sa field at doon tumambay.

Pagkarating ko do'n ay pumwesto ako sa ilalim ng puno. Mabuti nalang at hindi maulan kaya okay lang na tumambay dito. Humiga ako at ginawang unan ang dalawa kong braso habang nakatingala sa itaas ng puno.

Habang nakatingin ako sa mga nagbabagsakang dahon ay iniisip ko ang naging buhay ko nitong nagdaang araw. Hindi ko talaga inaasahang masasanay agad ako sa ganitong buhay. Siguro, dahil sanay na ako? At kilala ng katawang ito ang ganitong buhay kaya hindi na ako nahihirapang mag adjust pa. Pero si Tatay, kamusta na kaya? Okay lang kaya siya? Matawagan nga mamaya.

"Blue!!" Rinig  kong sigaw ng kung sino. Lumingon ako sa taong tumawag sa'kin na ngayon ay naglalakad na palapit sa'kin. Tumayo ako habang nakakunot ang noong  nakatingin dito.

Nang makalapit ito sa'kin ay saka ko lang napansin ang  pinagpapawisan nitong mukha. At bago pa man ako nakapagtanong dito ay bigla nalang itong nagtanong.

"Who is that man? And you even bought food for him huh." Inis na usal nito. Nakakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Teka nga! Ano bang pinagsasabi mo hah?! Susugod ka dito tapos ganiyan ka pa kung magtanong!" Inis na usal ko dito. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito.

"Now you're denying it!" Nagngingit sa galit na usal nito. Sumama lalo ang pagkakatitig ko dito. Wow hah!

"Ano ba talaga iyang pinagsasabi mo!?" Naiinis na tanong ko dito. Huminga ito ng malalim na para bang kinakalma nito ang sarili.

"I'm talking about the guy you meet at the hospital!" Galit na usal nito sa'kin. Si Vincent ba ang tinutukoy nito? Pero paano niya nalaman na pumunta akong hispital? Maliban nalang kung....

Tinitigan ko ito habang nakakunot ang noo ko saka ako nagtanong dito.

"Sinundan mo ba ako?" Nanghihinalang tanong ko dito. Tumahimik naman ito pero sumagot din kalaunan.

"Yes. I did follow you." Seryosong usal nito. Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa sinabi nito.

"Nababaliw ka na." Singhal ko dito at saka ko ito tinalikuran pero bago pa man ako tuluyang makalayo dito ay bigla nitong hinablot ang braso ko at bigla nalang ako nitong sinandal sa puno dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Ano bang problema mo?!" Naiinis na sigaw ko dito habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito pero hindi ako makaalis sa pagkakahawak nito.

"Oo! Tama ka, nababaliw na ako! I'm f*ckin' insane to the point that I will follow you like a f*ckin' psycho!!" Frustrated na usal nito dahilan para mapatigil ako sa pagpupumiglas. Hindi ko magawang magsalita dahil sa sinabi nito.

Sinandal nito ang ulo sa balikat ko at akala ko mananahimik lang ito pero nagulat ako nang magsalita ito.

"Blue, why are you doing this? Sa tingin mo ba talaga hindi ko alam ang pag-iwas mo sa'kin huh? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako. You know my feelings about you but you still tried to stay away from me. Ang sakit lang. Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?" Usal nito at ramdam ko ang sakit sa boses nito habang sinasabi nito ang mga katagang iyon.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa mga sinabi nito. Hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman nito. Pero hindi ko naman talaga sinasadyang iwasan ito. Ayoko lang na magkagulo kami. Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Zandiah para kay Damian at ayokong masaktan ito. Pero mali ba talaga ako? Ako ba talaga ang may mali dito?

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now