TLLBD #4

3.3K 91 4
                                    

*Blue Pov*

Pagkarating ko sa amin ay pumasok agad ako dun. Pagkapasok ko ay napansin kong tahimik ang bahay. At isa lang ang ibig sabihin nun, wala pa dito si Tatay.

Dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko at nilapag ko ang bag ko sa isang maliit na lamesita doon na siyang ginagawa kong study table. Pagkalapag ko doon ng gamit ko ay kumuha naman ako ng damit na pinampalit ko dito sa suot ko. Pagkatapos kong magbihis ay sunod kong ginawa ay ang tapusin ang assignments na binigay sa'min ng prof.

Ilang oras din ang tinagal ko sa kakagawa ko sa assignment ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniwan ko muna doon ang mga gamit ko saka ako lumabas ng kwarto.

Doon ko nakita si Tatay na halatang pagod. Tinatanggal nito ang suot na sapatos at para hindi na ito magtatatayo pa ay ako na ang nag-abot ng tsinelas dito.

"Salamat 'nak, teka.. Kanina ka pa dito?" Tanong ni Tatay.

Tumango naman ako saka ko kinuha ang sapatos ni Tatay at nilagay iyon sa tamang lalagyan.

"Ba't po kayo natagalan?" Tanong ko dito.

"Nagpalit na kasi ng boss sa construction site na pinagtratrabahuan ko. Mabuti nga at hindi kami pinaalis. Mabait din naman ang humahawak sa'min ngayon." Paliwanag nito kaya naman ay tumango tango ako dito.

"Teka kumain ka na ba?" Tanong nito.

Umiling naman ako. Eh sa totoo naman kasi. Hindi pa. Tatayo na sana ito nang pigilan ko ito.

"Saan ka po pupunta 'tay?" Takang tanong ko dito.

"Maghahanda ng makakain." Sagot ni Tatay kaya naman ay ako naman ang napatayo.

Saka ko pinaupo ulit si Tatay. Pinagpilitan ko pa talaga.

"Ako na muna ang maghahanda ng makakain natin. Magpahinga na po muna kayo diyan. Mabilis lang naman po ito." Saad ko at hindi ko na pinansin ang pagprotesta ni Tatay at agad akong dumiretso sa kusina at naghanda ng makakain namin.

Nagsaing ako ng kanin at habang hinihintay kong maluto ang kanin ay nagluto naman ako ng sinigang na alam kong paborito ni Tatay. Nang matapos ko ng maluto ang ulam ay inasikaso ko naman ang kanin na malapit na ring maluto. Nang pareho ng naluto ang pagkain ay hinanda ko na iyon sa mesa. Matapos kong maihanda ang mga pagkain at ang plato ay pinuntahan ko na si Tatay.

"Tay, kakain na po." Sambit ko.

Tumayo naman na si Tatay saka kami pumuntang kusina at kumain doon.

"Kanusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong ni Tatay.

"Okey lang naman po." Sagot ko.

Tumango si Tatay at nanatili nalang kaming tahimik habang kumakain. Mabuti nalang at 'di napansin ni Tatay ang sugat ko sa braso. Baka kung ano pa ang mangyari.

Matapos naming kumain ay ako na ang nag presintang maghugas ng kinainan namin. Magpupumilit pa sana si Tatay pero sumuko nalang din ito nang hindi ako nito napilit. Dumiretso nalang si Tatay sa kwarto nito na siyang ikinatuwa ko. Kailangan kasi ni Tatay ng pahinga lalo na't pansin ko ang sobrang pagod nito. Matapos kong malinisan ang kinainan namin ay inayos ko na ito sa lagayan nito bago ko sinara ang pintuan namin at ang mga bintana. Nang masiguro kong naka lock na lahat ay pumasok na ako sa kwarto ko.

Saka ko lang naalala ang hindi ko pa natapos na assignment kaya naman ay pinagpatuloy ko ang ginagawa kong assignment. Ilang oras lang din ay natapos ko na rin ito kaya naman ay inayos ko na ito sa bag ko saka ako umakyat sa higaan ko at natulog doon.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now