TLLBD #31

2.8K 61 13
                                    

Matapos ang klase namin para sa umaga at nag bell na para sa lunch break. Naglalakad kami ngayon ni Dianne papunta sa cafeteria.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa cafeteria. Pagkapasok do'n ay hinanap namin sina Zach.

Nauna kaming nakita nila kasi no'ng makita namin ito ay kumakaway ang mga ito sa'min.

Mabilis kaming lumapit dito. Pagkalapit at nando'n na sina Damian at si Zandiah.

"Blue, tara umupo na kayo dito." Aya ni Trace.

Umupo naman ako sa tabi nito na kaharap lang ng upuan ni Damian. Tumabi naman si Dianne kay Zach.

Saka lang nag-angat ng tingin si Damian bang tuluyan na kaming makaupo. Busy kasi sa katabi.
"Oh, um-order na tayo." Saad ni Chase at tumayo.

Tumingin si Damian kay Zandiah.

"What do you want to eat? I'll order it for you." Saad ni Damian.

"Kahit ano nalang." Nakangiting usal nito.

"Ikaw Blue, among gusto mo? My treat." Saad ni Zach dahilan para mapatingin ako sa kan'ya.

"Ikaw na ang pumili. Kumakain naman ako ng kahit ano." Nakangiting usal ko dito.

Ang galante naman kasi nito at talagang naisipan pa akong bilhan. Hehe.

"Al'right." Nakangiting usal nito at tinanong din si Dianne. Galante nga.

Nagsitayo na sila at kami nina Zandiah at Dianne ang naiwan dito sa table. Nanatili lang kaming tahimik. Ang awkward din naman kasi. Maya-maya ay nagsalita na si Dianne.

"Ah Zan, siya nga pala si Blue. Best friend ko. Blue, si Zandiah. Kapatid nina Kuya Light." Pakilala ni Dianne sa'min.

Ngumiti naman ito sa'kin kaya ngumiti din ako dito pabalik. Ewan ko ba, pakiramdam ko napaka komportable niyang kasama. Magaan din ang loob ko dito.

"It's nice to meet you." Malumanay na usal nito.

"Same din. Okey lang naman sigurong nandito ako. Hindi ka naman siguro naiilang." Saad ko dito.

Umiling naman ito.

"Okey lang at isa pa, sila naman ang mga kaibigan mo kaya okey lang na nandito ka. And don't worry about me." Nakangiting usal nito.

Ngumiti naman ako dito. She's really nice and not fake.

Nagkwentuhan pa kami. Paminsan-minsan ako ang nagkukwento. Maya-maya pa ay dumating na ang boys dala ang mga pinamili nilang pagkain.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now