TLLBD #27

2.6K 74 3
                                    

Nandito na kami ngayon sa bilihan ko ng pulutan. Ito lang naman talaga ang sadya ko dito.

"Ano iyang binibili mo?" Pagtatanong nitong kasama ko matapos ang ilanginutong ding pananahimik nito.

Sumulyap ako sa kaniya sandali bago ko siya sinagot.

"Pulutan. Alam ko kasing magkakaroon ng inuman dun sa cottage kaya bumili na ako." Sagot ko sa tanong nito.

Pansin ko ang pagkunot ng noo nito.

"And you'll drink?" Pagtatanong nito.

Tinignan ko naman ito.

"Oo naman! Madalas nanaming ginagawa ito nung nandito pa ako nag-aaral." Sambit ko.

Matapos balutin ang mga pinamili ko ay binayaran ko na ito at nagsimula nanaman kaming maglakad.

Tahimik lang kami pareho habang naglalakad papunta sa cottage. Paniguradong kanina pa kami hinihintay nung mga barkada ko. Sana lang talaga at hindi sila mag isip ng kung ano-ano. Loko loko pa naman ang mga iyon.

Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa cottage. At nandun na nga sila at tulad namin ay nakabihis na ang mga ito at tuyo na. May nakahanda na ring inumin sa ibabaw ng mesa. Talagang pinaghandaan.

Nang makalapit kami ay saka ko nilagay ang pinamili namin sa ibabaw ng mesa at saka kami pumwesto.

"Ang tagal niyo Blue! Kanina pa kami naghihintay dito!" Sambit ni Wendel.

Mapanukso namang tumingin sa'min yung iba.

"Anong ginawa niyo huh? At ang tagal niyo?" Nanunuksong pagtatanong naman ni Seph.

"Tumigil nga kayo! Wala kaming ginagawa!" Sambit ko sa kanila at pinandilatan ko pa ng mata.

Nagtawanan naman sila dahil sa pang-aasar nila. Ito namang kasama ko, ni hindi man lang pinigilan ang mga kaibigan ko sa pang-aasar sa'kin.

"Uy tigil na, mag inuman na tayo. Galit na si Blue oh! Hahaha!" Pang-aasar pa ni Darryl na sinabayan pa ng tawa.

Gago talaga.

At tulad ng suhestiyon ni Darryl ay nagsimula na kaming mag-inuman habang nagkukwentuhan. Kinukwento nila ang mga nangyari dito habang wala ako at ang tungkol sa pag-aaral nila. Nagkukwento din naman ako tungkol sa mga ginagawa ko nung nasa manila pa ako. Pati nga ang pagtratrabaho ko sa isang resto bar ay naikwento ko na rin.

"You're working on a resto bar?" Nakakunot ang noo na tanong nitong katabi ko.

Kinunutan ko naman ito ng noo.

"Resto bar, at oo dun ako nagtratrabaho tuwing gabi." Pagsasagot ko saka ako uminom ulit ng alak mula sa baso ko.

"Hindi ba dun delikado? It was a bar at paniguradong maraming lalaki ang pumupunta dun." Sambit nito na para bang hindi nito nagustuhan ang bagay na yun.

Napairap naman ako sa tinuran nito.

"Malamang maraming lalaki dun. Pero ano ka ba! Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko okey? Hindi ako lampa! Sus, takot lang nila sa'kin!" Pagyayabang ko.

Napailing naman ito dahil sa ainabi ko.

"Ang yabang mo talaga!" Sambit nito bago nito nilagok ang alak.

Inabot ko ang bote ng alak at sinalinan ang baso niya at ganun din ang ginawa ko sa baso ko.

Nagpatuloy pa ang pagkukwentuhan namin at ang pang-aasar ng mga kaibigan ko sa'min. Iniilingan ko nalang ito habang itong katabi ko ay ngingiti lang saka susulyap sa'kin. Napapakunot pa ang noo ko sa tuwing sumusulyap ito sa'kin at kapag naabutan kong nakatingin ito sa'kin ay tinatawanan lang ako nito. Baliw.

Ilang oras din ang tinagal namin hanggang sa abutan na kami ng dilim dun at patuloy pa rin ang pag iinuman namin. Ni hindi ko na mabilang ang bote ng alak na naubos namin. At mukhang wala namang pakialam si Damian dun. Patuloy pa rin ang pag inom nito habang nagkukwento ang mga kaibigan ko, tatawa ito sa tuwing may naririnig na joke mula sa mga ito. Ako naman ay paminsan minsang nakikipag kwentuhan sa mga babae.

Ilang oras pa ang inabot namin hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang mga babae at tuluyan ng nalasing ang mga lalaki pero nakakapaglakad pa naman sila.

Nang tignan ko ang mga bote ng alak ay nagulat ako nang makitang naubos namin ang laman ng lahat ng iyon. Grabe! Sobrang dami na pala ng nainom namin.

Lasing na ako pero buhay pa rin naman ang katawang tao ko. Sumusuray nga lang akong gumalaw dahil sa mga nainom ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Damian sa'kin habang nakatingin sa'kin.

"Are you okey?" Nag-aalalang pagtatanong nito.

"H-Hmm, Nahihilo lang ako pero... Okey pa." Sambit ko at umayos ng tayo.

Saka ako tumingin dun sa mga kaibigan ko.

"E-Edoy, Ikaw na ang bahala sa mga iyan." Utos ko dito.

Nag thumbs up lang ito na mukhang hindi na magawang makapagsalita dahil sa kalasingan. Mabuti nalang at hindi agad ako nalalasing ng sobra-sobra.

Naglakad na kami ni Damian papunta sa bahay namin habang pasuray-suray akong naglalakad. Inaalalayan din naman ako minsan ni Damian. Mabuti nalang at may ilaw ang mga street lights dito kaya nakikita pa rin namin ang daan papunta sa bahay.

Maya-maya pa ay narating na rin namin ang bahay. Dahil sa pasuray-suray ang lakad ko ay sinamahan pa ako ni Damian hanggang sa kwarto ko. Pagkarating dun ay agad akong nahiga.

"Aren't you going to change your clothes?" Pagtatanong nito.

Sinulyapan ko ito bago ko sinagot.

"Hindi na.. Inaantok na ako. Ikaw, sa kwarto ka nalang muna ni Tatay matulog. Hindi naman iyon magagalit." Sambit ko dito habang nilalabanan ko ang antok ko.

Siguro napansin nito ang mukha ko kaya nagpaalam na agad ito at siguro pumunta na sa kwarto ni Tatay.

Umayos ako sa paghiga at tuluyan ko ng pinikit ang mga mata ko. Ilang minuto lang ay nakatulog na rin agad ako.

*Someone Point of View*

Nakaupo ako ngayon dito sa swivel chair sa office ko sa company. While I'm doing the paperworks, I got interrupted by someone knocking on my door.

"Come in." I seriously said.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kanina ko pa hinihintay.

Nang makapasok ito ay tumingin ako dito ng seryoso. And I'm hoping that he have a good news.

"How's the investigation?" I coldly asked.

"I have a good news sir. I already got the information about your long lost daughter. And I confirmed it that it was really her." Sambit ng Private investigator na binayaran niya.

Biglang kumabog ang dibdib niya sa narinig. Hindi niya mapigilang makaramdam ng saya lalo na't makikita at makakasama na nila ito sa wakas.

"Tell me everything about her." Utos niya dito na agad naman nitong sinagot.

Habang nakikinig ay 'di niya mapigilang maluha para dito. It was really her daughter. Lalo na't may bagay ito na ang anak lang nila ang mayroon.

"Don't worry princess, we'll see each other again." Bulong niya sa hangin habang nakangiti.

****

©All Rights Reserved. 2020. Jixxie_Joe
PLAGIARISM IS A CRIME

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now