TLLBD #19

2.7K 66 2
                                    

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa Royal High Academy. Pinark ni Damian ang kotse bago ito lumabas. Lalabas na sana ako nang pagbuksan ako nito ng pinto. At alam kong napansin iyon ng mga estudyante lalo na't rinig iyon sa mga bulungan nila.

Napailing nalang ako at tuluyan ng lumabas at nagsabay kaming pumasok dun. Agad namang sumalubong sa'min ang mga kaibigan ni Damian at si Dianne na mukhang kanina pa naghihintay.

Pagkalapit ni Dianne ay mabilis itong kumapit sa braso ko habang nakangiti ng sobra.

"Good morning Blue! Kamusta ang weekend?" Nakangiting tanong nito.

"Hmm, okey lang." Simpleng sagot ko dito.

Ngumiti naman ito ng malawak.

"Thank you din sa pag-aalaga kay Kuya nung saturday." Ngiting sambit nito. Pero pansin ko lang hah! Parang may diin dun sa salitang "pag-aalaga."

Pero hindi ko nalang iyon pinansin at ngumiti din dito.

"Wala yun noh. Maliit na bagay." Saad ko.

Magsasalita na sana ulit si Dianne nang biglang pumagitna sa'min si Flynn at inakbayan pa ako nito.

"Hep hep, ano itong narinig kong inalagaan mo raw si Boss? Ibig bang sabihin nito pumunta ka sa kanila?" Pagtatanong nito at tumingin pa sa'kin habang nakangisi.

Tumango naman ako. Wala naman kasing kailangang itago tungkol dun. Pero siyempre, wala akong balak sabihin tungkol dun sa paghalik sakin ng loko-loko.

"Hmm, nilagnat kasi yang boss niyo at daming arte sa katawan." Saad ko dahilan para matawa si Flynn.

Kahit si Dianne ay natawa na rin.

Magsasalita na sana si Flynn nang bigla nalang may humila sakin palayo kay Flynn at tinignan ko kung sino ito.

It was Damian at ang sama pa ng tingin sa kaibigan pero mukhang hindi naman nito alintana. Parang nang-aasar pa nga eh.

"You can talk to her without touching her dimwit!" Malamig na usal nito habang nakakapit pa rin sa braso ko.

Tinawanan lang siya ni Flynn at tinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko habang nakangisi.

"Chill bro, hindi ko naman siya aagawin. Easy lang." Natatawang sambit nito pero masama pa rin ang tingin ni Damian dito.

Napailing naman sina Zach at saka binatukan si Flynn.

"Tigilan mo na nga yang pang-aasar kay Damian. Ikaw talaga!" Usal ni Zach habang umiiling iling pa.

Ako naman ay napatingin lang kay Damian nang may mapansin ako. Tumingin din ito sakin nang mapansin nitong nakatingin ako dito.

"What?" Pagtataray nito kaya napaikot ang mga mata ko. Sungit talaga.

"Oh ano, wala ka bang balak na bumitaw diyan." Sambit ko. Kanina pa kasi ito nakakapit sa'kin.

Inirapan pa ako nito pero bumitaw na rin kalaunan. Tumango ako dito.

Naisipan naming ituloy nalang ang kwentuhan mamayang lunch kasi may pasok pa at baka ma late pa kami.

Habang naglalakad ay napatigil kami nang biglang sumulpot ang taong inaasahan kong lalayuan ko.

Tsk.

"Damian! I miss you!" Tiling sambit nito at yumakap pa ako.

Umiwas ako dito nang tingin habang nakangiwi dahil sa boses nitong napakatinis.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now