TLLBD #25

2.7K 70 1
                                    

Hindi agad ako nakagalaw nang makalapit na ito sakin. Pinagmasdan nito ang mukha ko hanggang sa braso ko. Pansin ko ang pag igting ng panga nito nang mapansin ang mga pasa at sugat sa mukha ko.

"A-Ano----" naputol ang gusto kong sabihin nang bigla ako nitong kabigin at niyakap.

Para akong tuod at 'di ko magawang makapagsalita dahil sa biglaang pagyakap sa'kin ni Damian.

"D*mn! Do you know how worried I am?! You didn't even bother to call me! Tapos makikita ko nalang na ganito na ang lagay mo!" Sambit nito habang nakayakap pa rin sakin.

"S-Sorry, nasira kasi ang cp ko. At hindi ko na natawagan pa si Tatay pati kayo..." Mahinang sagot ko dito.

Haaisst!! Ba't ba ako kinakabahan. At teka nga...

Agad ko itong tinulak at dahil hindi nito inaasahan ang pagtulak ko ay napabitaw ito mula sa pagkakayakap ko. Nang tumingin ako sa mga barkada ko ay nakangisi ang mga ito at paniguradong aasarin nanaman ako ng mga ito.

"*ehem* Blue, naglilihim ka na sa'min ngayon huh! Ni hindi mo man lang sinabing may boyfriend ka na pala!" Nakangusong usal ni Jasmin pero halata ang pang-aasar sa boses nito.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito? Anong boyfriend at sino nagsabing boyfriend ko ang lalaking ito! Ba't parang hindi yata ako na inform.

Nang tumingin ako kay Damian ay nakangisi ito.

Bago pa ako makapagpaliwanag ay nakalapit na sila sa'min at hinila ng mga barkada kong lalaki si Damian at hinila naman ako nina Rikka.

Tumingin ako kay Damian na ngayon ay nakikipag-usap sa mga barkada ko.

"Hoy Blue! Ba't di mo sinabi sa'ming may boyfriend ka na pala! At grabe! Ang guwapo!! Ihhh!" Kinikilig nitong sabi at sinundot sundot pa ang tagiliran ko kaya di ko mapigilang mapaigtad.

"Grabe Blue, lakas talaga ng kamandag niyang ganda mo!" Nakangising sambit ni Aya.

"Tumigil na nga kayo sa pang-aasar sa'kin!" Bulyaw ko sa mga ito pero hindi man lang natakot. Pinagtawanan pa ako.

Wow lang ha!! Ang sama ng mga kaibigan kong ito.

Ipinagkwento ako nito kung paano ko nakilala si Damian at kung ano-ano pa. Halos maubos na nga ang laway ko dahil sa haba ng kwentuhan namin hanggang sa lumapit na sa'min ang mga barkada kong lalaki.

"Can I talk to Blue?" Sambit ni Damian habang nakatitig sakin.

Tumayo kami at humarap naman ako kay Damian habang nakakunot ang noo.

"Oh, iwan na muna namin kayo." Kinikilig na sambit ni Micah at sinundot pa ang tagiliran ko.

Sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan lang ako nito. Bago sila umalis hanggang sa kaming dalawa nalang ni Damian ang naiwan dito sa loob ng bahay. Napansin ko kasing nagsilabasan sina Edoy at talagang iniwan lang kaming dalawa dito.

Nang mag-angat ako ng tingin ay napansin kong nakatitig sa'kin si Damian. Magtatamong na sana ako nang bigla itong magtanong.

"Are you okey?" Pagtatanong nito.

"Okey lang ako. Bakit?" Pagtatanong ko dito pabalik. Nagtataka pa ako dahil sa biglaan nitong pagtatanong.

"Are you sure? Hindi ba nananakit ang mga sugat mo?" Paninigurado nito.

So ang mga sugat ko pala ang inaalala nito.

"Hindi na masyado. Nung una oo pero naiinda ko naman ang sakit." Sagot ko.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now