TLLBD #32

2.8K 82 6
                                    

Pagkauwi sa'min ay iniisip ko pa rin ang text na iyon. Hanggang ngayon kasi nababagabag pa rin ako.

Gusto Kong balewalain ang text na 'yon pero bigla kong naaalala si Tatay.

May alam kaya dito si Tatay?

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay 'di ko namalayang nakarating na pala ako sa tap at ng bahay namin.

Tumigil ako sa paglalakad bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob.

Itatanong ko ba si Tatay tungkol dito?

Bumuntong hininga ako saka ako pumasok. Inaasahan kong wala doon si Tatay at ako ang mauunang makauwi dito kasi maaga pa naman. Pero nagulat nalang ako nang makita si Tatay na nakaupo sa sala habang nakatulala lang sa kawalan.

Kumunot ang noo ko at 'di ko mapigilang mag-alala dito kaya agad kong lumapit dito.

"Tay, okey lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko dito.

Napaangat naman ng tingin si Tatay na halatang gulat na gulat. Pansin ko rin ang pagkabalisa ng mukha nito na ngayon ko lang nakita.

"Tay!" Tawag ko ulit dito.

Napakurap-kurap naman ito bago ito yumuko at pinatong ang ulo sa kamay.

Lumuhod ako sa harap nito at saka ko siya hinawakan sa braso.

"Tay, sabihin niyo naman sa'kin ang problema kung meron man po. Nag-aalala na po ako sa inyo." Nag-aalalang usal ko.

Nag-angat ito ng tingin saka tumitig sa'kin. Habang nakatitig ito sa'kin ay may dumaang takot sa mga mata nito pero agad din iyong nawala saka ngumiti sa'kin si Tatay pero kita ko ang pagod sa mukha nito.

"Wag mo na akong alalahanin pa 'nak. Okey lang ako. Napagod lang ako at nahilo sa trabaho." Dahilan ni Tatay.

Tumahimik nalang ako at hindi na ito kinulit pa. Alam kong may iba pang dahilan pero Hindi ko nalang sisiyasatin pa.

Gusto kong si Tatay mismo ang magsabi sa'kin ng problema.

Tumayo ako at ngumiti dito.

"Kailangan ninyo pong magpahinga 'Tay, makakasama sa inyo ang patratrabaho ng sobra. Tara po, ihahatid ko na po kayo sa kwarto mo." Saad ko.

Agad ko itong tinulungan si Tatay papunta sa kwarto nito. Pagkarating do'n ay inalalayan ko ito hanggang sa makahiga na ito. Inangat ko naman ang kumot nito hanggang sa matakpan nito ang ibabang katawan hanggang sa dibdib na parts nito.

"Magpahinga na po kayo. Andito lang ako sa tabi niyo." Sabi ko dito.

Pinikit na rin nito ang mga mata. Ako naman ay naupo lang sa tabi nito.

Pinagmasdan ko lang si Tatay habang natutulog ito.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now