TLLBD #18

2.8K 74 11
                                    

Hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa mansion nina Dianne. Mabuti nalang at nakapagpaalam ako kay tatay na baka gabihin na ako sa pag-uwi, panigurado kasing mag-aalala iyon kung hindi man lang ako nakapag paaalam sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa dining area kasalo ang pamilyang Montecarlo. Nandito rin si Damian at talagang tumabi pa talaga sakin. Pero hindi ko nalang pinapansin pero sadyang makulit ang isang ito.

Sinamaan ko ito ng tingin nang tadyakan nanaman nito ang paa ko mula sa ilalim pero nginisihan lang ako nito na para bang natutuwa pa ito sa nakikitang reaksiyon mula sa mukha ko.

Gago din ang isang ito eh no. Kitang nanahimik, eto at ginugulo ako.

Hindi ko na sana ito papansinin nang ulitin nanaman nito ang ginawa. At dahil sa inis ko ay inapakan ko ang paa nito na may halong gigil. Napasigaw naman ito at napamura dahil sa ginawa ko. At dahil sa pagmumura nito ay napagalitan ito ni Tito Redrickk kaya napangisi ako.

Hah! Akala niya huh!

Nang bumaling ang tingin nito sakin ay nginisihan ko ito kahit na masama na ang tingin nito sakin.

Maya-maya ay naging maayos na rin naman ang pagkain namin. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila. At kahit papaano ay sinasama din nila ako sa kuwentuhan.

Matapos kumain dun ay nagkwentuhan pa kami bago ko naisipang magpaalam na dito. Gabi na rin kasi at kailangan ko ng umuwi. Baka kung ano na ang isipin ni Tatay kung magtagal pa ako dito.

"Blue, ipapahatid ka nalang namin sa driver namin. Delikado na kasi sa daan." Sambit ni Dianne pero tumanggi lang ako.

"Ah hindi na Dianne. Okey lang, may taxi pa naman siguro ngayon sa labas." Saad ko dito.

Ayoko rin naman kasing makaabala pa dito. Pinakain na nga ako dito tapos ihahatid pa ako. Kapal muks na ako nun.

"Pwede bang tanggapin mo nalang ang alok namin. It's for your own safety." Inis na usal ni Damian.

Nag request kasi ito kanina na siya na ang maghahatid sakin pero hindi ako pumayag lalo na't hindi pa ito tuluyang magaling at kahit na anong pilit nito ay hindi talaga ako pumayag. Kaya wala rin itong nagawa kaya eto siya ngayon ay sinusungitan ako. Psh.

Tinaasan ko naman ito ng kilay.

"Baka nakakalimutan mo, bumabali ako ng buto ng mga loko-loko kaya walang panama sakin yang mga tambay na makakasalubong ko." Pagmamayabang ko dito dahilan para irapan ako nito.

"I don't care about them. Kung ayaw mong magpahatud sa driver namin ay ako mismo ang maghahatid sayo." Sambit nito kaya napabuga nalang ako ng hangin.

Talagang makulit ang isang ito.

Huminga ako ng malalim saka akp tumingin kay Dianne.

"Oo na, sige na. Magpapahatid na." Sambit ko dito dahilan para mapangiti si Dianne at tumango naman si Damian.

Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na at sumakay na ako sa kotse na maghahatid sakin sa amin. Bago tuluyang umandar ang kotse ay kumaway muna ako kay Dianne bago kami tuluyang makalayo.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa amin. Nagpaalam na ako sa driver at humingi na rin ng pasensiya dahil sa pang iistorbo dito. Ngumiti lang ito at umalis na rin.

Hinintay kong makaalis muna ang kotse bago ako naglakad papunta sa bahay namin.

Pero tumigil muna ako nang makita ko sina Noel na nag-iinuman.

Madalas ko talaga sila makitang mag-inuman. Nag-aaral pa kaya ang mga ito?

Lumapit ako sa mga ito na mukhang nagkakatuwaan.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now