TLLBD #12

3K 79 3
                                    

Tahimik lang kami pareho ni Damian habang hinahatid ako nito sa bahay. Wala naman akong sasabihin dito, at hindi rin naman ako makapagsimula ng usapan kasi nga, hindi naman kami close nitong kolokoy na ito.

"Diyan mo nalang ako ibaba." Turo ko dun kung saan madalas tumigil ang bus na naghahatid sakin.

Agad naman nitong tinigil ang kotse dun. Tinanggal ko ang seatbelt saka ako tumingin kay Damian.

"Salamat sa paghatid sakin." Pasasalamat ko dito at aalis na sana ako nang bigla itong magsalita.

"I'll fetch you tomorrow." Sambit ni Damian.

"Ah, Haha wag na. Okey lang." Saad ko at umiling pa.

"No I insist. I'll fetch you tomorrow. And no buts." Saad nito.

Hindi nalang ako nakipagtalo pa dito at tumango nalang ako saka ako bumaba na. Pagkababa ko ay hinintay ko muna itong umalis bago ako naglakad papunta sa bahay namin. Pagkarating ko dun ay tahimik lang ang bahay. Ibig sabihin, wala pa si Tatay dito.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at saka ko nilapag ang bag ko at nagbihis na. Matapos kong magbihis ay inayos ko muna ang mga gamit ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay may napansin akong kulay ginto na card at saka ko lang naalalang bigay ito ni Trick.

Saka ko pinagmasdan ang card. Gusto ko sanang puntahan pero may trabaho ako. Hindi naman ako pwedeng um-absent. Mas kailangan ko ang trabahong ito. Saka nalang ako pupunta kung magkaroon na ako ng pagkakataon. At isa pa, hindi naman ako makakapunta sa lugar na ito sa umaga.

Tinago ko ang card na iyon at saka ko pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko. Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso agad ako sa kusina para magsaing. Umupo lang muna ako sa silya habang hinihintay kong maluto ang kanin. Nang maluto na ang kanin ay sunod kong niluto ang ulam namin ngayong gabi. Ilang minuto lang at nailuto ko din ang pagkain namin. Itinago ko lang muna ang ulam namin habang hinihintay ko si Tatay. Magsasabay nalang kaming kumain.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Tatay kaya lumapit agad ako dito at nagmano. Napatingin pa ito sa mukha ko saka ito umiling.

"Kamusta ang mga sugat mo?" Tanong ni Tatay nang makaupo na ito sa sofa habang hinuhubad nito ang sapatos.

"Okey naman Tay. Nagamot na rin naman dun sa infirmary." Sagot ko saka ko inabot dito ang tsinelas ni Tatay. Nagpasalamat naman ito.

Saka ko na ito inayang kumain. At sabay kaming pumuntang kusina para ihanda ang kakainin namin. Maya-maya ay nagsimula na rin kaming kumain at habang kumakain kami ay panay ang tanong ni Tatay tungkol sa Intrams na naganap sa paaralan na agad ko namang sinasagot at siyempre nagyabang pa ako tungkol sa mga ginawa ko na tinawanan lang ni Tatay saka ito iiling. Ako naman ay napapangiti nalang sa tuwing tumatawa si Tatay.

Maya-maya pa ay natapos na rin si Tatay kaya naman ay inayos ko na ang kinainan namin. Si Tatay naman ay dumiretso na sa kaniyang kwarto para siguro magpahinga na sinang-ayunan ko naman agad. Ayoko din naman kasing mapagod pa si Tatay lalo na at may trabaho pa ito bukas at alam ko kasing pagod ito kaya mabuti na ditong magpahinga na muna. Kaya ko namang tapusin ang trabaho dito sa bahay. Hindi rin naman mabigat ang mga trabaho dito kaya, kayang kaya ko na ng mag-isa.

Matapos kong magligpit ay pumasok na ako sa kwarto at nagbihis na ako ng damit na susuotin ko papunta sa trabaho. Naisipan kong dito nalang magbihis para pagdating ko dun ay hindi na ako magbihis pa at ng makapagtrabaho agad ako. Siyempre, nagpaalam muna ako kay boss tungkol dito na hindi naman niya tinutulan kaya okey lang. Wala namang masama at mas pabor pa nga sa kaniya iyon para hindi rin masayang ang oras.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now