TLLBD #49

3.2K 106 22
                                    

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa Academy. Ipinarke ko ang big bike ko at hindi ko pinansin ang tingin ng mga estudyante. Nang maiparke ko iyon ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa dumapo iyon kay Dianne na mukhang kanina pa ako hinihintay.

Nakangiti kong tinanggal ang helmet ko at nilagay iyon sa bigbike ko at saka ako naglakad palapit dito. Hindi pa ako nito napapansin dahil nakatalikod ito sa'kin.

Pagkalapit ko ay kinalabit ko ito dahilan para mapatingin ito sa'kin. Ngumiti ako dito at pansin ko ang panlalaki ng mata nito dahil sa gulat dahilan para matawa ako.

"Kyaahh!! Blue!! Andito ka na!!" Tumitiling usal nito at bigla akong dinamba ng yakap. Natatawa naman akong yumakap din dito pabalik.

"Hahaha 'musta na Dianne." Nakangiting usal ko. Ngumiti naman ito ng malawak pero ngumuso din ito agad.

"Mabuti naman at bumalik ka na! Alam mo bang miss na miss na kita?!" Nakangusong usal nito. Ngumiti naman ako dito at nagsimula na kaming maglakad.

"Andito na ako at hindi na ako aalis pa." Nakangiting usal ko. Hindi ko na sila hahayaang tapak-tapakan lang ng mga iyon.

Habang naglalakad ay patuloy ang pagkukwento ni Dianne. Hindi talaga siya nauubusan ng kwento. And dami na rin pala ng nangyari simula ng umalis ako.

Habang naglalakad kami ay biglang tumigil si Dianne dahilan para mapatigil din ako sa paglalakad. Saka ako tumingin sa kung saan ito nakatingin. Saka tumingin sa'kin si Dianne habang nakangiti.

"Tara Blue, ando'n sina Kuya." Nakangiting usal nito at bago pa ako makakontra ay hinila na ako nito palapit dito. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito.

Napatingin naman sila sa'min nang makarating kami sa harap nila. Nagulat pa sila ng makita ako pero ngumiti din naman sila.

"Uy Blue! Musta na!! Ang tagal mo ring nawala ah!!" Nakangiting saad ni Flynn. Ngumisi naman ako dito saka ako nagbiro.

"Na miss mo ako 'no?" Biro ko at tinaas baba ko pa ang dalawang kilay ko. Tumawa naman ito ng malakas sak ito lumapit sa'kin. Pagkalapit nito ay saka nito tinapik-tapik ang balikat ko.

"Hahaha hindi ka pa rin nagbabago!" Tumatawang usal nito. Ngumiti naman ako ng malawak.

"Hindi ko naman kasi kailangang magbago." Saad ko dito. Tumango-tango naman ito. Tumingin ako kina Zach at sumaludo dito.

"Yow!" Bati ko dahilan para matawa ito ng konti.

"How are you?" Nakangiting tanong nito. Nakapamulsa naman akong sinagot ang tanong nito.

"Eto, tao pa rin." Biro ko dahilan para matawa sila. Nakakamiss din pala ang ganitong kulitan namin.

"You know what Blue, parang mas lalo kang gumanda. Paniguradong maraming nanligaw sa'yo 'no?" Nakangising usal ni Trace. Nakarinig naman kami ng tikhim dahilan para mapatingin kami dito.

"Classes will start soon. We better get going." Saad nito at nauna na itong umalis. Nagkatinginan naman sila at ako naman ay nagkibit balikat nalang at naglakad na rin.

"Ang kj talaga ni Boss." Rinig kong komento ni Flynn pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa loob ng classroom. Pagpasok namin ay napatingin sa'min ang mga estudyante at saka ang mga ito nagbulungan habang nakatingin sa'kin. Hindi ko nalang ito pinansin at pumunta ako sa upuan ko.

Haay, now that I'm back, sana nama ay wala ng mangyaring hindi maganda. Ayoko na ng kung ano mang kadramahan.

Tumabi na rin sa'kin si Dianne at hinintay nalang namin na dumating ang guro namin.

"Blue, ayaw mo bang tumabi kay Kuya?" Nanunuksong tanong nito at pasimpleng tinuro ang kuya nito. Sumulyap naman ako kay Damian na ngayon ay nakatitig pala sa'kin.

Agad kong inalis ang tingin dito at saka ako tumingin kay Dianne.

"Hindi naman na kailangan. Andiyan naman si Zandiah eh. Hindi ko na kailangang tumabi do'n." Saad ko dito. Tumitig naman ito sa'kin na para bang ayaw maniwala sa sinabi ko. Hindi ko nalang ito pinansin at hinintay nalang ang pagdating ng guro namin.

"Blue, ayaw mo ba talaga?" Tanong ulit ni Dianne. Tumingin ako dito at inalis ko din ang tingin dito saka ko sinagot ang tanong nito.

"Hindi. Wag kang makulit." Pabirong usal ko at ngumisi pa. Nang tumingin ako dito ay umiiling-iling lang ako.

"Hay, paniguradong bad mood nanaman iyon.." Mahinang usal nito pero narinig ko naman. Hindi ko nalang pinansin at nakangiti lang ako na nakatingin sa harapan.

Maya-maya ay nagsiayos na rin ang lahat nang pumasok na ang guro. At ang kaninang tahimik na mga estudyante ay biglang nag-ingay nang may pumasok do'n na estudyante. At halos mabilaukan ako ng sarili kong laway nang makilala ko kung sino iyon.

T*ngina, anong ginagawa ng mokong na 'to dito?!

Napailing nalang ako saka ako tumingin dito na ngayon ay nakatitig na rin sa'kin habang nakangiti. Wala gana naman akong tumingin dito.

"Class, quiet down." Suway ng professor namin na agad din namang sinunod ng mga estudyante. Saka ito tumingin kay Hunter. Yup, si Hunter ang mokong na tinutukoy ko.

"Please kindly introduce yourself infront and tell us why did you choose to study here." Saad ng Professor. Psh. May pa gano'n pa talaga? Hindi ba pwedeng pakilala lang? Ang dami pang alam eh.

"Hi! I'm Hunter Drake Carter. 19 years old. I study abroad before. You can call me Hunt. And the reason why I decided to study here is because the girl that I like is studying here too." Nakangiting usal nito habang nakatitig sa'kin. Ano nanaman ang trip ng isang 'to?

Iniwas ko ang tingin dito nang maramdaman ko ang pagsiko ni Dianne saka ako tumingin dito. Palihim itong nakaturo sa likuran nito. Pasimple naman akong tumingin do'n at pansin ko ang nagdidilim na paningin ni Damian na ano mang oras ay para itong papatay.

Agad kong inalis ang tingin dito at saka ko binalik ang tingin sa harapan. Maya-maya ay pumunta na sa magiging upuan ni Hunter. Sa likuran din ito, hindi malayo sa upuan ko at sa upuan ni Damian.

Pansin ko ang pagbubulungan ng mga estudyante tungkol do'n sa sinabi ni Hunt pero imbis na pansinin iyon ay binalewala ko nalang. Ano namang mapapala ko kung papansinin ko pa iyon? Wala naman 'di ba? Psh.

Eto namang si Hunter, kung ano-ano ang sinasabi. Ayan tuloy, kung ano-ano ang naiisip ng mga estudyante.

Nakinig na ako sa guro namin nang magsimula na itong magturo. Ilang oras pa ay natapos na rin ang klase namin dito at pumunta na kami sa sunod naming klase. Tulad ng naunang klase ay nakinig lang agad kami. Hanggang sa mag bell na para lunchbreak.

Inayos ko na ang gamit ko at aalis na sana ako nang tawagin ako nina Dianne. Tumigil ako saka ako tumingin dito.

"Blue tara, sabay-sabay na tayong pumunta sa cafeteria." Aya ni Dianne. Pero umiling ako.

"Hindi ako pwede ngayon, may pupuntahan ako." Saad ko dito. At aalis na sana ako nang may magtanong nanaman.

"Where are you going? Saan ka pupunta?" Sabay na tanong nina Damian at Hunter at nagsamaan pa ng tingin ang dalawa. Napasapo nalang ako sa noo dahil do'n saka ako tumingin kay Dianne.

"Dianne. Mauna na ako, hindi rin ako pwedeng magtagal." Saad ko at agad na umalis do'n at hindi pinansin ang pagtawag ng dalawa sa'kin. Baka kung ano pa ang mangyari ang hindi pa matuloy ang pag-alis ko. At paniguradong naghihintay na sa'kin ngayon si Vince.

-----

©All Rights Reserved. 2020. Jixxie_Joe
PLAGIARISM IS A CRIME

   

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now