TLLBD #3

3.4K 93 3
                                    

"Look who we have here."

Napaangat ako ng tingin mula sa taong nakatayo ngayon sa harap namin. They are 4 all in all. Tatlo ang nasa likuran at isa sa harap na mukhang leader. Psh.

Pinagpatuloy ko ang pagkain nang magsalita ulit yung babae.

"Hindi ko alam na mahilig ka palang makipag kaibigan sa isang *sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa* low-class, cheap at gold digger." Usal nito na pinagdiinan pa talaga ang low-class, cheap, at gold digger.

Ano ba ang problema ng babaeng toh sakin? Ma effort ah, talagang binigyan pa ako ng pansin. Nice. Tsk.

Hindi ko pinansin iyon at pinagpatuloy nalang sa pagkain. Baka mawalan pa ako ng gana. Sayang naman itong inorder ni Dianne. Nag effort pa naman yung taong bilhan ako.

"Please Claire, umalis ka na dito. Wag ka ng manggulo." Pakiusap ni Dianne na halatang ayaw niyang makita ang mga ito.

May nangyari na siguro dati kaya nagkakaganito itong si Dianne.

"Dianne, I'm just concern. You're my friend, ayoko namang makipagkaibigan ka sa isang low-class. Nakakahiya iyon lalo na't galing ka sa isang kilalang pamilya." Feeling concern ni Ms. Fake.

Pweh. Halatang fake, di marunong maglagay ng filter. Psh.

"Ano ba Claire! Hindi ka na ba talaga makiusapan?! Leave us alone!!" Inis na usal ni Dianne pero halata din sa boses nito ang takot.

Kita ko ang pagguhit ng gulat sa mukha nung claire pero agad din iyon napalitan ng galit saka niya hinawakan sa braso si Dianne. Kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Dianne dahil na rin siguro sa higpit ng pagkakahawak ni Claire.

"You b*tch! Ang lakas din naman ng loob mong pagsabihan ako!!" Gigil na usal ni Claire saka nito tinulak si Dianne.

Napasinghap ang lahat. Ako naman ay mabilis na tumayo at mabuti nalang at hindi tuluyang natumba si Dianne pero napangiwi ako nang tumama ang inuupuan nito sa braso ko pero ininda ko lang iyon para hindi na mag-alala pa si Dianne. Pero t*ngina ang sakit!!

Sinamaan ko ng tingin yung Claire saka ko inayos sa pagkakatayo si Dianne at ipinuwesto ito sa likuran ko. Pansin kong dumadami na rin ang mga estudyanteng nakikiusyuso. Mga chismosa.

"Alam mo, hindi na sana kita papansinin pero ang KAPAL talaga ng mukha mong magpapansin eh no. Gumawa ka pa talaga ng eksena dito para mapansin ka! Napaka ATTENTION SEEKER mo naman! Hoy! Para ipaalala ko lang sayo, below the belt na yang ginagawa mo! At isa pa, wag ka ngang attention seeker, hindi ka kagandahan. Yang make up mo lang naman nagdala diyan sa histura mo. At tignan mo nga yang suot mo *sabay tingin sa suot nito mula ulo hanggang paa* mukha kang prostitute, hindi ka man lang nahiya diyan sa suot mo at dito mo pa talaga sa paaralang ito pinaglandakan yang katawan mong hindi naman kagandahan. Umayos ka hah! Naku!! Kung wala lang talaga akong respeto sa mga babae baka kanina pa kita binangasan diyan. Ang yabang yabang mo. Pwe!!" Maangas na usal ko dito at walang sabi-sabing iniwan ko sila doon.

Pero napatigil ako nang maalala ko ang bag ko. Kaya naman ay umikot ako pabalik at naglakad palapit dun sa mesa namin at kinuha ko doon ang gamit ko at ang bag ni Dianne. Napansin kong nakatayo pa rin doon sina Claire at ang mga tuta nito at mukhang shocked pa rin hanggang ngayon. Ngumisi ako dito bago ko sila iniwan do'n.

Pagkaalis namin doon ay saka ko lang binitawan si Dianne. Bumuga naman ako ng hangin. Napagod ako dun sa speech ko kanina. Pasalamat ang Claire na yun at hindi ko siya binigwasan.

Nagulat ako ng may yumakap sakin mula sa likod at nang tignan ko kung sino ito ay si Dianne lang pala.

"Okey ka lang?" Tanong ko dito nang maalala ko ang ginawa ni Claire sa kaniya.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now