Prologue

9.9K 134 8
                                    

Hinihingal si Blue nang makarating sa kanila dahil sa pagtakbo. Agad niyang sinara ang pintuan ng bahay nila at pasalampak na naupo sa maliit nilang sofa. Dun lang din siya nakahinga ng maluwag at napangisi pa nang maalala ang nangyari kani-kanina lang. Kinagat niya ang labi para pigilan ang pagtawa nang maalala ang sinapit ng mga kolokoy na humabol sa kaniya.

"Tsk. Tsk. Tsk. Mga walang binatbat." Sumandal siya sa kanilang sofa at nakapandekwatro pa na animo'y parang lalaki lang kung kumilos. Habang nakaupo dun ay iniisip niya ang mga lalaking naisahan niya at kung ano na ang nangyari sa mga iyon.

"Blue? Kanina ka pa diyan?" Napatingin siya sa likuran kung saan niya nakita ang kaniyang ama na mukhang kagigising lang. Tumayo agad siya at lumapit dito para magmano.

"Tay, ah.. Kadadating ko lang ho." Naningkit ang mga mata nito nang mapansin ang kakaibang ngiti niya saka nito tinignan mula ulo hanggang paa ang hitsura niya saka ito napailing na animo'y may napagtanto. At base palang sa reaksiyon nito ay mukhang alam na nito kung bakit ganun nalang ang hitsura niya. Ang dungis naman kasi niyang tignan dahil na rin sa kung saan saan siya nagsususuot para lang matakasan ang mga humahabol sa kaniya.

"Nakipaghabulan ka nanaman kina edoy ano?..." Napakamot nalang siya sa ulo saka siya ngumiti ng inosente sa kaniyang ama. Alam na alam talaga nito kung ano man ang mga pinaggagagawa niya. At kilala nito ang humahabol sa kaniya. Si Edoy na tropa niya. Oo, katropa niya lang ang humahabol sa kaniya. At katuwaan lang naman ang lahat ng iyon. Madalas nga nilang gawain iyon. At siyempre hindi lang si Edoy, kasama pa ang iba pa nilang tropa.

"Mabuti pa, maligo ka na muna dun. Amoy araw ka na. At ako naman ay maghahanda muna ng makakain natin."

"Sige po 'tay." At patakbo siyang pumunta sa kwarto niya at kumuha ng tuwalya saka siya pumasok sa maliit nilang banyo at naligo doon. Binilisan niya ang pagligo para matulungan din niya ang kaniyang tatay sa paghahanda ng kanilang makakain. Matapos niyang maligo ay nagbihis na siya ng maluwag na t-shirt at jersey short na halatang malaki sa kaniya. Hinayaan niya lang ang buhok na walang suklay saka siya lumabas ng kwarto. Nang makita ng ama niya ang kaniyang hitsura ay napailing nalang ito.

Siya naman ay ngumiti lang dito. Hindi din naman siya nito pipigilan sa kung ano man ang suotin niya maliban nalang kung masyado ng revealing ang sinusuot niya na minsan man ay hindi pa siya nakapagsuot.

"Anak, maghanda ka na pala ng mga gamit mo." Usal ng kaniyang Papa dahilan para mapatigil siya sa pagsubo at mapatingin dito habang nakakunot ang kaniyang noo. Binaba niya ang pagkaing isusubo na niya sana saka binigay ang buong atensiyon sa papa niya.

"Bakit po 'tay, saan po tayo pupunta?" Tanong niya dito at halata ang kaguluhan sa mukha niya. Tumingin sa kaniya ang kaniyang ama at saka ito sumagot.

"Mamayang madaling araw, aalis na tayo dito. Luluwas na tayong manila. Doon mo na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral mo. Natanggap na kasi ako sa trabaho at doon iyon sa Manila." Paliwanag nito.

Siya naman ay tumango nalang dito at pinagpatuloy na ang pagkain pero nasa isip pa rin niya ang sinabi nito. Naninibagi kasi siya lalo na't biglaan ang pagyaya ng kaniyang ama. At hindi niya alam kung kakayanin ba niyang makapag-aral doon ng maayos. At isa pang pinoproblema niya, maiiwan niya dito ang mga tropa niya. At pabiguradong magtatampo ang mga kolokoy na iyon kung hindi siya makapagpaalam sa mga ito.

"Tay, aalis po muna ako. Pupuntahan ko sina Edoy. Sasabihin ko nalang din sa kanila ang pag-alis natin." Paalam niya dito.

Tumango naman ang ama niya sa kaniya saka nagpatuloy pa ang pagkain nila at ang kwentuhan nilang mag-ama. Maya-maya lang ay pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa ama niya at nang payagan na siya nito ay mabilis siyang lumabas ng bahay at pinuntahan ang katropa niya.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now