TLLBD #38

3.2K 85 24
                                    

Naghahanda ako ngayon sa pag-alos namin ni Tatay. Oo, aalis din si Tatay. Tulad nga ng sabi niya ay uuwi na si Tatay sa probinsiya. Sana lang talaga ay makabisita ako do'n sa kan'ya.

Nang matapos kong ligpitin ang mga gamit ko ay umupo muna ako sa higaan ko nang bigla kong maalala si Dianne. Tatawagan ko pa pala siya.

Pero bago ko pa iyon magawa ay bigla akong tinawag ni Tatay. Ayoko namang pag hintayin pa si Tatay kaya pinuntahan ko na ito.

*Dianne Point of View*

Tumatakbo kami ng hallway papunta sa kwarto dito sa hospital na dinalhan kay Zandiah. Kasama ko sina Kuya ngayon papunta do'n. It's been 2 days since that incident happened. At hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay Blue at nag-aalala na ako ng sobra.

Pagkarating namin do'n ay pumasok agad kami sa kwarto ni Zandiah at nakita namin si Zandiah na nakaupo na habang yakap-yakap ng magulang niya.

"Oh baby, are you okey? Do you need anything? Tell me." Saad nito habang sinisipat pa ang katawan ni Zandiah.

Umiling naman ito at nilinga-linga ang tingin habang may hinahanap. Saka ito nagtanong.

"Mom... Where's Blue? Okey lang ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Zandiah. Kumunot ang noo nila maliban sa'kin.

Palihim akong ngumisi nang makita ko ang pamumutla ni Cheska. Looks like Zandiah knows the truth.

"Why are you looking for that Girl? Don't you remember what she did to you?! She almost killed you!" Inis na usal ni Kuya Dark.

"And who told you that?" Tanong ni Zandiah na mukhang nagsisimula na ring mainis.

"Cheska did. Nando'n siya when Blue pushed you. Mabuti nga't agad niyang sinabi sa'min ang ginawa ni Blue sa'yo." Sagot nito na mukhang nagtataka sa kinikilos ni Zandiah.

"Blue didn't do anything! It was Cheska who pushed Blue at nasagi niya akokaya ako nasama. I-I tried to grab Blue but I failed and then, I felt dizzy and lost consciousness. Walang kasalanan dito si Blue. Dapat nga si Blue ang magagalit ngayon sa nangyari dito but she was blamed for the thing that she didn't do." Zandiah said dahilan para matahimik ang lahat.

"That day I talk to Blue and you know what? She's really nice and she doesn't deserve to be treated badly." Sambit pa nito kaya mas lalong natahimik ang lahat.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cp ko kaya kinuha ko iyon at nakita ko ang isang unregistered number. Lumabas muna ako para makausap ito. Pagkalayo ko ng konti, do'n ay sinagot ko na ang tawag.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko.

"Dianne, ako 'to si Blue." Saad ng kausap ko dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Blue! Ba't ngayon ka lang tumawag  hah?! Nag-aalala na ako sa'yo!" Sambit ko dito.

"Sorry Dianne ha, nagka problema lang dito pero okey na. Uhm, kamusta na pala si Zandiah, okey lang ba siya?" Tanong nito. Hay, ba't ba ang bait ni Blue.

"Okey lang siya. At good news, alam na nilang wala kang kasalanan kaya pwede ka ng bumalik dito sa school." Excited na usal ko.

Hindi na ako makapaghintay na bumalik dito si Blue. Na mi-miss ko na siya. At sana talaga wala ng masamang mangyari sa kan'ya.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now