TLLBD #44

3.2K 71 4
                                    

Lumabas ng kotseng iyon si Damian. Napansin ko pa ang pag igting ng panga nito na isa lang ang ibig sabihin. Galit siya. Mabilis itong lumapit sa'min at bago pa ito tuluyang makalapit sa'kin ay humarang na sa harap ko si Hunt.

"What are you doing here?" Tanong ni Hunt habang nakaharang pa rin. Hindi ito pinansin ni Damian at tumitig lang sa'kin. Tumitig lang din ako dito.

"I'm asking you, what are you doing here?" Tanong ulit ni Hunt and this time, tumingin na talaga si Damian dito.

"I'm here to take her." Seryosong usal nito at tinuro pa ako. Kumunot naman ako dito. At saan naman ako dadalhin ng damuhong ito?

"Sorry bro but I won't let you." Seryosong sambit ni Hunt. Ako naman ay tumingin lang sa kanilang dalawa habang naka cross arm. Mukhang magkaka match ngayon ah, nice.

At bago pa man may mangyaring suntukan ay may umeksena pa.

"What's happening here?" Tanong ni Kuya Arc na kalalabas lang mula sa loob kasama sina Trick at Kaleb.

Sayang, akala ko may suntukang magaganap. Psh. Panira talaga itong si Kuya. At bago pa magkainitan ulit at hindi rin naman matutuloy ang suntukan ay sumingit na ako. Lumapit ako kay Damian at hinawakan ko ang pala-pulsuhan nito saka ako humarap kina Kuya.

"Pasok muna kayo sa loob. Mag-uusap lang kami." Mahinahong utos ko sa mga ito. Tumango ang mga ito at saka ako bumaling kay Hunt. Magproprotesta na sana ito nang pandilatan ko ito ng mata. Makuha ka sa tingin. At mukhang tumalab naman.

"Fine. Pero 'wag kang magtatagal, 'kay?" Saad nito at ginulo pa ang buhok ko kaya tinampal ko iyon at sinamaan ito ng tingin. Pero tinawanan lang ako ng g*go.

Tumingin pa ito kay Damian bago ito tuluyang umalis. Nang makapasok na ako ay saka lang ako humarap kay Damian pero natigilan ako nang makita ko kung gaano kadilim ang paningin nito.

"Stop flirting with him!" Inis na bulyaw nito. Napailag pa ako dito. Grabe, ang sungit pa rin nito hanggang ngayon.

"Wag mo nga akong sungitan. At ano ba ang ginagawa mo dito at pa'no mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko dito.

"I ask Alex where I can find you. And he told me that you're here." Sagot nito. Kumunot ang noo ko.

"Ba't hindi mo sinagot ang una kong tanong?" Tanong ko dito. Tumitig naman ito sa'kin.

"Isn't it obvious?" Tanong nito pabalik dahilan para maasar ako dito. Bwisit 'to ah!

"Kaya ko nga tinatanong 'di ba?" Pamimilosopo ko.

"I miss you okey? That's why I'm here. I want to see you. Kasi hindi ko na kayang maghintay pa na hindi ka nakikita. I can go all over the world just to find where you are." Sambit nito sa inis na boses. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Totoo ba ang sinabi niya? O joke lang iyon?

Tumalikod ako dito at maglalakad na sana ako palayo dito nang may pumulupot na braso sa bewang ko dahilan para hindi matuloy ang pag-alis ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang hininga nito sa leeg ko.

"Why do I feel like you're running away again?" Tanong nito sa mahinang boses at ramdam ko ang lungkot sa boses nito.

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko nang marinig ko ang malungkot nitong boses. Please Damian, hindi na ikaw 'to. 'Wag mo namang pahirapan ang sitwasyon nating dalawa. Huminga ako ng malalim.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko dito. Pinilit kong tanggalin ang braso nito pero mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"I know that you know what I mean." Sambit nito. Umiling naman ako. Pinipilit ko pa ring umalis sa bisig nito.

"Hindi tama 'to. Please Damian, tumigil ka na." Pakikiusap ko. Please Damian, maki cooperate ka naman.

"No, walang mali sa ginagawa ko. So stop restraining Blue! Stop denying it!" Naiinis na usal nito. Malakas kong binaklas ang pagkakayakap nito sa'kin. Saka ako humarap dito nang tuluyan na akong makaalis sa bisig nito.

"Maraming mali dito sa ginagawa mo! Hindi mo ba nakikita? Itong paglapit mo palang sa'kin ay mali na! Nakakasakit ka ng ibang tao!" Gigil na sumbat ko dito. Ayokong sumigaw kasi ayokong marinig ni Kuya. Umiling ito bago ito tumitig sa'kin.

"I don't care. Wala akong pakialam kung sino man ang masaktan ko." Galit na usal nito. Hindi ko mapigilang magalit sa sinabi nito.

"G*go ka! Bakit mo ba sinasabi ang bagay na yan?!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sobrang galit ko.

"Kasi mahal kita! D*mn it Blue! Mahal na mahal kita na kaya kong maging selfish makuha ka lang!" Inis na sigaw nito. Parang may kung anong humarang sa tenga ko dahilan para mabingi ako ng ilang segundo. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sinabi nito.

H-Hindi.. Nag jo-joke lang siya. S-Si Zandiah ang gusto niya at hindi ako. Umiling ako.

"Hindi totoo 'yan." Halos bulong ko nalang pero alam kong narinig nito ang sinabi ko dahil rinig na rinig ko ang pagmumura nito.

"D*mn Blue! Please listen to me! Ikaw lang ang mahal ko! Ikaw lang!" Sambit nito habang hawak-hawak ang magkabilang balikat ko. Ngumiti ako ng mapait.

"Kung mahal mo talaga ako, edi sana walang kasal na magaganap sa inyong dalawa ni Zandiah. So stop this bullsh*t." Madiin na usal ko bago ako lumayo dito.

Natigilan ito dahil sa sinabi ko. Ba't hindi nalang siya mag focus kay Zandiah at sa pagpapakasal nilang dalawa!

"Hindi matutuloy ang kasal. I won't marry her." Sambit nito dahilan para matigilan ako. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

Baliw ba siya?! Ba't ba niya sinasabi ang bagay na 'yon?!

"Naririnig mo ba 'yang  sinasabi mo?! Sasaktan mo lang si Zandiah 'pag ginawa mo yan!" Inis na usal ko.

"Like I said, I don't care! Ikaw ang mahal ko." Sambit nito. Hindi ko mapigilang sabunutan ang sarili ko sa sobrang inis.

"I know that you feel the same way. Pero bakit ka ganyan? Aren't you happy?" Tanong nito. Napatitig ako dito dahil sa sinabi nito saka ako bumuntong hininga.

"Hindi ko magawang maging masaya 'pag naiisip kong may ibang nasasaktan sa ginagawa mong ito. Hindi ko kayang makitang may ibang nasasaktan. Kahit na hindi ko maalala si Zandiah, naging kaibigan ko pa rin siya. At alam kong maha ka niya." Mahinang usal ko.

"But you can't change my decision. And I won't stop hangga't hindi kita nakukuha." Matigas na usal nito. Napabuga ako ng hangin at napipikon na tumingin kay Damian.

"Ba't ba ang kulit mo?! Inis na usal ko dito. Ngumisi naman ito at lumapit sa'kin dahilan para mapaatras ako.

" just you wait, I'll get you by hook or by crook." Sambit nito. Ang kulit niya. Napailing nalang ako.

"Please Damian, itigil mo na ito." Saad ko. Sumeyoso naman ang mukha nito.

"Whatever you do, you can't stop me. No one can." Seryosong usal nito.

Tumahimik pa kami bago ako nakarinig ng ring. Tumingin ako kay Damian at nakatingin ito sa Cp nito habang nakakunot ang noo. Nang tumingin ako do'n sa tumatawag ay nabasa ko ang pangalan ni Zandiah. Seryoso akong tumingin dito. Nang tumingin ito sa'kin ay saka ako nagsalita.

"Answer it." Utos ko. Tumitig naman ito sa'kin.

"Blue-----" hindi nito natapos ang gusto nitong sabihin nang sumingit ako.

"Answer it. Don't make her wait." Saad ko saka ako tumalikod. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito saka ko naramdaman ang paglayo nito sa'kin.

*****

©All Rights Reserved. 2020. Jixxie_Joe
PLAGIARISM IS A CRIME

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now