TLLBD #46

3.3K 83 23
                                    

Nakatingin ako ngayon sa fullsize mirror. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ko. Nakasuot ako ngayon ng red T-shirt, black leather boots na hanggang tuhod ang haba. Naka high ponytail naman ang buhok ko. I put some mascara, eyelashes, eyeshadow, blush on at red lipstick.

After checking myself ay kinuha ko na ang cp ko at wallet ko bago ako bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko sina Kuya Art at Kuya Arc na nakabihis din. Kuya Arc is wearing black V-neck shirt, black ripped jeans at brown boots while Kuya Art is wearing Blue T-shirt na pinatungan nito ng black leather jacket, black ripped jeans at black converse shoes.

At kung nagtataka kayo kung bakit nakabihis din sila, well.. Sasama lang naman sila sa'kin do'n sa race pero manonood lang daw sila.

Bumaba na ako at pagkababa ko ay napatingin sa'kin ang dalawa kong kuya.

"Ang hot ng lil' sis namin ah! Mukhang  mapapaaway kami nito!" Biro ni Kuya Art dahilan para mapalatak ako.

"Tumigil ka nga kuya." Suway ko dito dahilan para matawa ito ng konti. Umiling lang din si Kuya Arc.

"Tara na, baka ma late pa tayo." Saad ni Kuya Arc at nauna na. Sumunod naman agad kami dito. Pagkarating sa garahe ay kaniya-kaniya na kaming sakay sa mga sasakyan namin.

Nakasakay ako sa ducatti ko habang nasa posche naman nakasakay ang dalawa kong kuya. Ilang minuto pa ay pinaandar na namin ang sasakyan namin papunta sa location kung saan gaganapin ang race.

After 45 minutes ay nakarating na kami do'n. Maraming tao do'n na halos kaedad ko lang at nina kuya. Umalis ako sa pagkakasakay ko sa ducatti ko at lumapit kina kuya na ngayon ay kakababa palang mula sa kotse.

"Come on, let's find Trick." Saad ni Kuya Art na agad naming sinang-ayunan. Hindi rin kami nagtagal sa paghahanap kay Trick at nang makita namjn ito ay agad kaming lumapit dito.

"Oh, andito na pala sila. Eric, meet Blue, Arc and Art. Blue, Art and Arc, he's Eric the organizer of this race." Pakilala ni Trick nang makalapit na kami.

Naglahad naman ito ng kamay na agad ko namang tinanggap saka kami nag shake hands. Nakipag shake hands din ito kina Kuya.

"It's nice to meet you." Saad nito habang nakangiti.

"Same here." Saad ko at saka ko binawi ang kamay ko mula sa pag shakehands namin. Tumango naman sina Kuya.

"So, sino sa inyo ang sasali?" Tanong nito habang nakatingin sa'min.

"Ako." Nakangiting usal ko dahilan para mapatingin ito sa'kin.

"Are you sure? This isn't a game. Pwede kang mapahamak dito." Paalala nito na siyang nagpatawa sa'kin.

"Alam ko kung gaano ito kadelikado. Pero hindi ibig sabihin no'ng magba-back out na ako." Saad ko dito habang nakatitig naman ito sa'kin. Tumingin pa ito kina Kuya na para bang hinihingi nito ang permiso ng dalawa na tinanguan lang din nila kaya bumuntong hininga nalang ito.

"Fine. If this is what you really want. Mukhang hindi ka na talaga mapipigilan pa." Saad nito at tama naman siya. Hindi naman talaga ako magpapapigil. At wala silang magagawa kapag nakapag desisyon na ako.

Maya-maya pa ay sinenyasan na ako na pumunta sa harapan kung nasa'n ang ibang kasali.

"Be careful, 'kay? Malalagot kami kay Dad kung may mangyaring masama sa'yo." Paalala ni Kuya Arc pero nginisihan ko lang ito.

"Don't worry Kuya, walang mangyayaring masama sa'kin." Pag a-assure ko sa kanila at nagpaalam na ako at pumunta na do'n sa starting point. Pumwesto na ako do'n sa motorbike ko saka ko inayos ang helmet ko.

"Look who we have here, a very gorgeous lady." Saad ng kung sino dahilan para mapaangat ako ng tingin and there I saw a guy leaning on his big bike. He's actually handsome.

"New player, huh?" Komento nito habang nakangiti. Sumandal ako at tumingin dito saka ako nagtanong.

"Why, matagal ka na ba dito sa pag re-race?" Tanong ko habang hinihintay ang pagsisimula ng race. Tumango naman ito habang nakatingin pa rin sa'kin. Ano naman kaya ang tinitingin-tingin nito?

"Hey, wanna bet?" Nakangising usal nito. Ngumisi naman ako nang makaramdam ako ng thrill. D*mn. I'll gonna love this race.

"Sure." Payag ko agad at hindi na nagdalawang isip. Wala naman sigurong masama kung makipag pustahan ako. I might as well enjoy it.

Pansin ko ang pagkislap ng mga mata nito saka ito ngumisi ng malawak. Looks like someone's excited.

"Kapag matalo ako, I'll give you my ferrari sports car. And If I win, papayag kang makipag date sa'kin. So, deal?" Nakangising tanong nito. Napaisip naman ako sa deal na binigay nito. Saka ako tumingin dito.

"Deal." Sagot ko saka kami nag shake hands. Umayos na rin pagkatapos since magsisimula na ang race. Naghanda na ako at tumingin pa ako sa huling beses do'n sa kapustahan ko na nakalimutan ko man lang na tanungin ang pangalan.

Nag focus ako sa harapan nang magsisimula na ang race.

"In 3.... 2.... 1.... GO!" Sigaw ng Emcee at kasabay no'n ang pagsabog ng fireworks. Agad kong pinaharurot ang big bike ko habang nakikipag gitgitan sa mga kalaban ko but I didn't mind it at all. My priority right now is to win. And I won't lose in this Race.

*Third person Pov*

Habang nakatingin sa race ay hindi mapigilang makaramdam ng kaba si Art para sa nakababatang kapatid na ngayon ay pinagigitnaan ng dalawang big bike.

"Hoy! Ayos ka lang? Para kang maiihi diyan!" Natatawang baling ni Trick kay Art na hindi maipinta ang mukha.

"I just can't help but to feel worried." Saad ni Art at nasa mukha nito ang pag-aalala. Tinapik naman siya ni Trick dahilan para mapatingin siya dito.

"We're talking about Blue here. At wala kang dapat na ipag-alala. She's fearless and brave. Dapat nga mas mag-alala pa kayo sa kalaban niya eh." Saad ni Trick at tinuro pa ang race na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin.

And when he look at it, napaawang ang labi niya nang walang kahirap-hirap nitong nilagpasan ang ibang racer. Do'n niya nakita kung ga'no ito kagaling. At ngayon ay nagkakakasabay na sila ni Vince. One of the best racer at wala pang kahit na sino ang nakakatalo dito.

"By the way, whose that guy? Yung nakakasabayan ni Blue? I can say that he's really good." Pagtatanong ni  Arc at sumang-ayon naman si Art dito.

He can say that the guy is so competitive. Hindi kasi nito hinahayaang maabutan ni Blue but Blue is really persistent to win against the guy.

"That's Vince. The best racer. Either Big bikes or Sports car. He's good at it. He can even perform some moves using big bikes. Gan'yan siya kagaling." Pagkukwento ni Truck tungkol kay Vince.

Bumaling ulit ang tingin nila sa race at hindi mapigilan ng lahat na mamangha dahil sa galing ni Blue. Talagang nakikipagsabayan ito kay Vince na siyang nagpapa intense pa sa race. At dahil sa sobrang intense at focus sa laban ay hindi nila napansin ang biglaang pagdating ng isang itim na van na siyang humarang sa dadaanan nina Blue at Vince. Nang mapansin iyon ng mga tao ay nagkagulo ang mga ito at bigla nalang nagsialisan. Nagkatinginan naman sina Trick nang maramdaman nilang may mali. They even suspect that something bad will happen.

©All Rights Reserved. 2020. Jixxie_Joe
PLAGIARISM IS A CRIME

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now