TLLBD #11

3K 82 12
                                    

Championship

Ngayong araw ang championship kung saan makakalaban namin ang Benedict Academy. Oo, natalo namin ang ibang school at kapag matalo namin ang Benedict ay kami ang magdadala ng karangalan bilang bagong hinirang na kampiyon. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na kunin ang titulo dahil wala naman akong pakialam dun basta makaganti lang ako sa pang iinsulto nila pero nakita ko sa mata ng mga kasamahan ko ang kagustuhan nilang mag champion kaya naman ay gagawin ko ang lahat para manalo kami. Wala namang masama kung manalo kami. At sana nga, mangyari iyon.

At ngayon, malalaman namin kung sino ang mananalo. At ang maglalaro ngayon ay sina Rex, Michael, Sandro, si Vice, si Pres at ako. Siyempre, anim din kami. Hindi pa sana ako papayagan nina President pero ako talaga ang nagpumilit kaya wala na rin silang nagawa kundi ang payagan ako. Sina Duxe naman ay nagpapahinga dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang pasa nila sa katawan at halatang napagod sila sa laban. Ako naman, hindi naman gaanong napuruhan at nakapagpahinga na ako para dito. At alam kong kakayanin ko ang laban na ito.

"Are you ready?" Tanong ni Pres nang makaupo ito sa tabi ko.

Ngumiti naman ako dito saka ako nag thumbs up. Ngumiti naman ito sa naging gestures ko.

"You act like my younger brother, Red." Sambit bigla ni Pres.

Lumingon naman ako dito.

"May kapatid ka po?" Tanong ko dito. Na curious ako eh.

Tumango naman ito saka ito tumingin sa malayo na parang inaalala ang mga kapatid.

"I have Twin brother, his name is Dark Zenn Rodhan Vanstone. I have 3 younger brother and 1 sister, si Zachary Gray. He's 19 years old. Next to him is Zandiah Blue, at kaedad mo lang siya. Sunod naman ay si Zone Indigo, he's 15 years old. And lastly Zeth Red. He's 12 years old. At sa aming magkakapatid, siya ang pinakamakulit." Nakangiting saad ni Pres.

Ngumiti naman ako. Ang galing, may kapatid palang babae si Pres. Kapangalan ko pa. Hahaha.

"Pres, saan ba nag-aaral ang mga kapatid mo?" Tanong ko.

"Nasa ibang bansa ang kambal ko at si Gray naman ay nasa ibang school nag-aaral. Sa probinsiya habang si Indigo naman ay nasa Australia kasama ang mga kamag anak namin, doon sila nag-aaral kasama niya dun si Red." Paliwanag nito.

"Ibig sabihin kayo lang ni Blue ang nandito sa Pilipinas?" Tanong ko pero napangiwi pa ako kasi naman, naiilang akong banggitin ang pangalan niya lalo na't magkapangalan din kami. Awkward.

Napatitig ako dito nang biglang gumuhit ang lungkot sa mga mata nito nang banggitin ko ang pangalan ng kapatid nitong babaeng.

Teka? Hindi ba sila magkasundo ng kapatid niya kaya ganito nalang kalungkot si Pres? O di kaya mag-away sila at hindi magkasundo? O-------

"She's gone." Rinig na sambit ni Pres pero sapat na para marinig ko.

Natigilan ako at biglang kumabog ang dibdib ko.

"A-Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko dito.

Huminga ng malalim si Pres saka ito tumingala.

"We were still young back then when those bastards took my sister away from us. Wala akong nagawa bilang nakatatanda niyang kapatid. Ni hindi ko man lang siya nakuha mula sa mga masasamang taong iyon. Huli na ng malaman kong... P-patay na pala ang kapatid ko. They b-burned her body at nalaman lang namin iyon nang ipa DNA namin ito at nakompirmang ang kapatid namin iyon. I-I blame myself because I couldn't protect her. Our princess." Nanginginig na pagkukwento ni Pres.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now