TLLBD #29

2.6K 61 16
                                    

Naghahanda ako ngayon ng mga gamit ko. Nang sabihin kasi ni Damian na kailangan na naming umalis ay agad kaming umalis mula sa Parke.

At dahil paalis na rin naman kami ngayong araw ay ngayon nalang kami aalis. Mukhang nagmamadali din kasi ito.

Pagkaayos ko lahat ng mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko din si Damian na nakabihis na.

Nang makita ako nito ay tinulungan ako nito sa gamit ko at nilagay iyon sa back seat. Ako naman ay ni lock ang bahay namin dito.

Saka sumakay na rin ako do'n sa passenger seat. Sumakay na rin si Damian at pinaandar ang kotse.

Nang tumingin ako dito ay nakangiti ito hanggang ngayon.

"Ang saya mo yata, kanina ko pa napapansin 'yang ngiti mo." Komento ko.

Ang weird kasi talaga nito. Ngayon ko lang ito nakitang ngumiti ng ganito kalawak.

"I just got a good news from Light. And I can't wait to see her." Excited na usal nito.

Her? Babae ang tinutukoy nito?

"Her?" Kusa iyong lumabas sa bibig ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.

"Yeah, I'm referring to my first love. After 13 years of being gone, I couldn't expect that I will see her again. We thought that she died but the truth is, she got kidnapped. Kaya pala hanggang ngayon, Hindi ko pa rin sila magawang kalimutan. Kasi babalik pa pala siya." Nakangiting paliwanag nito. 

Hindi naman ako nagsalita at nakinig lang dito. Dahil sa pananahimik ko ay napatingin ito sa'kin pero binalik din ang tingin sa daan.

"Sorry If I'm blubbering. It's just that I couldn't contain my happiness right now." Saad nito.

Ngumiti naman ako ng tipid dito at sumulyap sa labas ng bintana.

"Mahal mo talaga siya 'no." Komento ko habang nakatingin sa labas.

"Hmm, ever since we're still kids, I already love her. It's just that, wala pa akong lakas no'n para sabihin sa kan'ya ang nararamdaman ko. Akala ko nga, hindi ko na masasabi ang nararamdaman ko but now, I can tell her how much I love her." He said while smiling.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now