TLLBD #54

2.2K 63 6
                                    


*Blue Point of View*

"Teka nga, Teka nga!! Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin huh?" Inis na bulyaw ko dito. Ang hilig nitong manghila.

Pagkarating namin sa likuran ng isang building ay saka lang ako nito binitawan at saka ito humarap sa'kin. Bubulyawan ko na sana ito nang bigla nalang ako nitong sinandal sa pader at saka nito nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko dahilan para hindi ako makaalis sa pwesto ko. Ano nanaman ba ang trip ng lalaking 'to?!

"Why are you with him again?! Didn't I already cleared myself that you're only mine!" Nagngingitngit sa galit na usal nito habang nakatitig ang mga mata sa'kin. Napalunok naman ako dahil do'n pero nagsalita pa rin ako.

"A-Ano..." Sh*t! Ba't ba ako nauutal? T*ngna!!

Napakagat ako sa labi ng wala sa oras dahilan para lumipat ang paningin nito sa labi ko.

Bwisit! Natatakot ba ako dito kaya ako nauutal? Ako?! Ang isang Blue? Matatakot sa damuhong ito?! Tsk.

"Stop it!" Biglang usal nito dahilan para mapaangat ako ng tingin habang nakakunot ang noo ko.

Ano nanaman ba ang problema niya? Hindi ko talaga maintindihan ang isang ito. Hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niyang tigilan ko. Ba't ba kasi hindi nalang niya direktahang sabihin ang gusto niyang sabihin. At talagang dinala pa niya ako dito huh!

"F*ck, I said stop it." Rinig kong usal nito at para itong nagpipigil na kung ano. Sinamaan ko ito ng tingin at dahil nga hindi na ako makatiis ay binulyawan ko na rin ito.

"An bang problema mo?! Hindi kita maintindihan eh! Ang gulo-gulo mo kanina pa! Pwede bang-------" at bago ko pa man matapos ang gusto kong sabihin ay bigla nalang nitong nilapat ang labi nito sa labi ko dahilan para hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin.

Parang nablangko ang isip ko sahil sa ginawa ni Damien. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero nakita ko nalang ang sarili kong humahalik din dito pabalik. Nakapulupot ang kamay ko sa leeg nito at hinahayaan ko lang itong halikan ako.

Gustong tumutol ng isip ko pero hindi sumusunod ang katawan ko. Dahil dito ay hinayaan ko nalang din ang sarili kong gawin ang gusto ko.

Binuka ko ang bibig ko dahilan para maiapasok ni Damien ang dila nito sa loob ng bibig ko habang hindi pinuputol ang halik. Napahinga ako ng malalim nang mas idikit nito ang sarili sa katawan ko habang naglalakbay ang kamay nito sa katawan ko. 

Tumigil lang kami nang maramdaman nitong mauubusan na ako ng hininga, at doon lang nito nilayo ang katawan sa 'kin pero siniguro nitong hindi ako makakaalis o makakatakbo.

"You..." Hingal na usal nito habang nakatingin ng diretso sa 'kin. Inalis ko ang tingin dito nang biglang bumalik sa isip ko ang ginawa kong paghalik din dito pabalik.

Minura ko sarili dahil doon. Bakit ko nga ba ginawa ang bagay na iyon? Talaga bang.... Ginawa ko iyon...?

"Uulitin ko ang sinabi ko sa'yo kanina. You.are.mine! Mine alone! Walang may ibang aangkin sa 'yo kundi ako lang. Pagmamay-ari kita. Your heart, body and soul.... Is all mine." He possessively said. At kahit na hindi ako nakatingin dito ay ramdam ko pa rin ang titig nito sa 'kin.

Tahimik lang ako habang nakaiwas pa rin ng tingin dito. I don't have anything to say. Mukhang wala na ring silbi ang pagtatago ko ng nararamdaman kong ito. Might as well.... Accept him.

"Okay..."  Tipid na sagot ko dito dahilan para matigilan ito saka ito tumitig sa 'kin habang nakakunot ang noo.

"Okay what?" Tanong nito. Huminga ako ng malalim saka ako tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Hindi na ako lalayo. Hindi na ako tatakbo at hindi ko na babalewalain ang nararamdaman mo. P-Pasensiya ka na kung bakit gano'n nalang ang ginagawang pag-iwas ko--------" hindi ko natapos kang gusto kong sabihin nang bigla ako nitong niyakap at naramdaman ko ang paghalik nito sa leeg ko.

"You really mean it, right? You're not going to ignore me, right?" Tanong nito saka ito umalis sa pagkakayakap sa 'kin. Tumango naman ako dito. Ano pa ang silbi ng paglayo ko kung araw-araw akong guguluhin ng taong ito. At alam ko sa sarili kong kahit na anong layo ko dito ay hindi pa rin ako nito titigilan.

Napaangat ako ng tingin dito nang hawakan nito ang magkabila kong pisngi at saka nito hinalikan ang labi ko. And this time, I didn't hold back and I kiss him back. Naramdaman ko pa ang pagngiti nito nang maramdaman nito ang paghalik ko pabalik. Nilibot ko ang braso ko sa leeg nito at mas pinailalim ko pa ang halikan namin.

Nang pareho na kaming naubusan ng hininga ay saka lang kami humiwalay sa isa-t-isa pero nakapulupot pa rin ang braso ko sa leeg nito at nakahawak na ito ngayon sa bewang ko.

"I love you Blue. Hindi ko hahayaang may umagaw sa 'yo, you're only mine." Saad nito. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito saka ko ito hinila at niyakap ng mahigpit.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may masamang mangyayari. Hindi ko lang alam kung ano iyon.

Inalis ko sa isip ang bagay na iyon saka kami nagpasyang umalis na at bumalik na doon. Baka hinihintay na kami ng mga iyon.
Pagkarating namin doon ay si Zandiah nalang ang naabutan namin. Nang makita kami nito ay agad itong lumapit sa 'min saka dumapo ang paningin nito sa magkahawak naming kamay ni Damian. Aalisin ko na sana iyon nang biglang higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko na para bang wala itong balak na bitiwan ang kamay ko.

Magpapaliwanag na sana ako kay Zandiah nang mapansin ko ang nakangiti nitong mukha saka ito natawa ng mahina.

"You don't have to explain Blue. I already know that you love each other. Sino ba naman ako para pigilan kayo hindi ba? Don't worry, I'm not mad. I'm actually happy for the both of you." Nakangiting usal nito at nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito.

Isa ito sa dahilan kung bakit pinipilit kong lumayo kay Damian. Ayokong masaktan si Zandiah. Zandiah is a nice girl at hindi ko yata kakayaning makita itong masaktan. But I didn't expect that she'll accept this.

Nang maalala ko si Hunter ay hinanap ko ito pero hindi ko ito makita kaya hindi ko mapigilang mapatanong kay Zandiah.

"Nakita mo ba kung saan pumunta si Hunt?" Tanong ko kay Zandiah at naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Damian sa kamay ko kaya naman ay napasulyap ako dito. Napailing nalang ako nang mapansin ko ang nakakunot nitong noo.

"Oh! I actually don't know where he go. Nag-usap kasi kami pero bigla nalang itong umalis matapos nitong makatanggap ng tawag at ni hindi man lang ito nagpaalam." Naiiling na usal nito kaya naman ay hindi ko mapigilqng mapakunot ng noo. May nangyari kaya?

"Let's go. Why are we thinking about that guy, tsk." Usal ni Damian at bigla nalang ako nitong hinila at iniwan pa si Zandiah. Lumingon ako dito at ngumiti naman ito sa 'kin at kumaway pa sa 'min. Napangiti nalang ako saka ako nagfocus sa harapan. At habang naglalakad ay bigla nalang bumalik ang kabang naramdaman ko kanina.

-----

©All Rights Reserved. 2021.

PLAGIARISM IS A CRIME

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now