TLLBD #47

2.8K 75 3
                                    

                 *Blue Point of View*

Mabilis kong inihilig ang motor bike at prineno nang may tumigil na itim na Van sa harap namin.

T*ngina! Malapit na 'yon ah!!

Inis akong tumayo at mabilis na lumapit dito pero hindi pa man ako nakakalayo nang may humawak sa braso ko. Tinignan ko ito and it was the guy that I had a deal with. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa Van. Nang bumalik ang tingin ko sa nakatigil na Van ay may nakita akong nagsilabasang mga lalaki at lahat sila ay may dalang baseball bat. Umatras itong kasama ko at dahil hawak ako nito ay napaatras din ako.

"Dito ka lang sa likuran ko." Sambit nito dahilan para mapalatak ako.

"Psh. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko." Walang ganang usal ko dahilan para mapatingin ito sa'kin.

"You're still a girl." Sambit nito pero hindi ko iyon pinansin at tinanggal ang pagkakahawak nito sa pulsuhan ko saka ako tumabi sa kan'ya at hinintay ang mga lalaki na makalapit sa'min.

Nang tuluyan ng makalapit ang mga ito ay saka lang sila tumigil sa paglalakad. Nakangisi ang mga ito na halatang naghahanap ng away. Hmm.

"Anong kailangan niyo?" Maangas na tanong nitong katabi ko. Psh.

"Ipaghihiganti lang namin ang kapatid ng boss namin." Nakangising usal ng isang g*go habang pinapalo-palo pa ang baseball bat sa palad nito. Ako naman ay tahimik lang do'n habang nakikinig sa kwento ng mga ito.

"It's not my fault. It's Alleah's fault. Kung hindi sana siya malandi edi sana hindi ko siya hiniwalayan." Nakangising usal nitong katabi ko pero pansin ko ang lungkot, galit at sakit sa mga mata nito na agad din namang nawala.

Psh. Ang dadrama naman ng mga g*gong ito. At talagang sinira pa ang race. Nang tumingin ako sa harapan ay nakita kong nakatitig sa'kin ang isa saka ito ngumisi bago bumaling ang tingin nito sa katabi ko.

"Hindi ko alam na may bago ka palang laruan ngayon." Nakangising usal nito at sumulyap pa sa'kin.

T*ngina nito. Anong tingin niya sa'kin? Bagay?! G*go.

Tumingin sa'kin itong katabi ko na mukhang ngayon lang ulit ako naalala. Psh. Rinig ko ang pagmumura nito at tumayo pa sa unahan ko na para bang tinatago ako. Tsk. Kanina pa ako nabubwisit. Ba't hindi nalang sila sumugod at ng matapos na 'to.

"Pwede ba! Umalis na kayo dito!" Inis na bulyaw nitong kasama ko dahilan para magalit ang nasa unahan.

"Hindi kami aalis dito nang hindi ka nabubugbog." Sigaw nito at bigla nalang sumugod. Mabilis akong umiwas do'n at pumunta sa gilid. Tumingin ako sa paligid at do'n ko lang napansin na wala ng mga tao. Kami nalang ang naiwan. Grabe, hindi ko man lang napansin.

Napatingin ako sa kaliwa ko nang may humawak sa  braso ko at bago ko pa man ito mabalibag ay nagsalita na ito.

"We need to leave now." Utos ni Arc na siyang humawak sa braso ko. Hindi na ako umangal pa at aalis na sana kami nang palibutan kami ng mga ito.

"At saan naman kayo pupunta hah?!" Tanong ng isa sa nakapalibot sa'min. Napairap ako dahil sa kabobohan nito.

"Malamang uuwi na." Pamimilosopo ko dahilan para magalit ito at bigla nalang  sumugod. Wrong move.

Gumilid ako bago pa man ako matamaan ng suntok saka ko hinawakan ang braso nito at sinuntok ito sa mukha dahilan para mapaatras ito. Bago pa man ito makabawi sa pagsuntok ko ay tinadyakan ko ang dibdib nito dahilan ng pagbagsak nito. Nang may maramdaman akong parating na atake ay agad ko itong iniwasan saka ko siniko ang panga nito dahilan para mapaatras ito at binigyan ito ng sunod-sunod na sipa sa sikmura.

"Blue!" Sigaw ni Trick kaya napatingin ako dito at saka ito may hinagis na baseball bat. Agad ko naman itong sinalo saka ako tumingin sa harap kung saan may papasalubong sa'king baseball bat.

Agad akong umilag ng umilag dahilan para mainis itong kaharap ko. Ngumisi ako dito at nang papaatake nanaman ito ay hindi na ako umilag at sinangga ko ito gamit ang baseball bat. Nang masangga ko ito ay tinadyakan ko ang sikmura nito dahilan para mapaatras ito. Inangat ko ang baseball bat at pinalo ito sa mukha dahilan para mahilo at bumagsak.

Nang tumingin ako sa harapan ay nakita ko 'yong lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Mabilis akong lumapit dito at nang papaluin nanaman ito ng g*go ay mabilis ko itong pinalo sa likuran dahilan para bumagsak ito. Bigla namang sumugod ang iba sa'kin kaya hinanda ko na ang sarili ko. At nang makalapit na ito ay bigla nitong iwinasiwas ang hawak na baseball bat na agad ko namang inilagan saka ko ito pinalo sa sikmura sabay tadyak dito. Sunod kong inatake ang lalaking papaatake na sa'kin. Nang pinalo ko ito pero nasangga nito ang atake ko. Tinulak ko ito dahilan para mapaatras ito kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para suntukin ito sa mukha. Saka ko ito binigyan ng malakas na sipa.

Nang makita kong wala ng nakatayo ay huminga ako ng malalim. T*ngina, hindi ko inaasahang ito ang mangyayari. Motorbike Race ang pinunta ko pero suntukan ang nangyari. Nakakag*go lang.

Hinanap ko sina Kuya at nang makita ko ang mga ito ay naglakad ako  papunta dito. Napatingin naman siya sa'kin nang makalapit ako sa kanila.

"Tara na Kuya. Umuwi na tayo." Aya ko na agad din nilang sinang-ayunan. At aalis na sana kami nang biglang may tumawag sa'kin. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ito at nakita ko yung lalaki na umiikang lumapit sa'kin.

Muntik ko ng makalimutang andito pa pala ang isang ito.

"W-wait, where are you going?" Tanong nito nang makalapit na ito sa'kin. Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa at napangiwi nalang ako nang makita kong marami itong pasa't sugat. Bugbog sarado, psh.

"Uuwi na kami kaya ikaw, umuwi ka na rin." Utos ko dito at aalis na sana ako nang bigla nalang itong bumagsak at dahil nasa malapit ako ay sa'kin ito bumagsak.

Napamura ako nang maramdaman ko kung ga'no ito kabigat. T*ngina!! Ilang kilo ba ng bigas ang kinakain ng damuhong ito?! Bwisit.

©All Rights Reserved. 2020. Jixxie_Joe
PLAGIARISM IS A CRIME

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now