TLLBD #10

3.1K 83 4
                                    

It was already 2:45 pm. At eksakto 3:00 ay magsisimula ang martial arts, tulad nga ng sabi ni Pres. At nandito kami ngayon sa club namin. Naghahanda.

Nakasuot ako ngayon ng black t-shirt na may nakaimprintang tao na naka stunt siya na parang tumatadyak at nakapalibot dito ang malaking dragon na sa itaas nito ay isang malaking sandata. Sa ibaba ng logo ay ang nakasulat na pangalan ng grupo namin na Dragon Warrior at nakabold letter pa. Sa pang ibabang suot ko ay black leggings at black rubber shoes na may konting white sa gilid nito, kumbaga design.

Sa totoo lang, kahit ano naman ay pwedeng suotin. Pero nag decide si Pres na magkaraoon kami ng sa amin lang uniform. Simple lang naman kaya okey lang.

Humarap ako sa salamin at dun ko lang napansin na nagkakalat pa pala ang buhok ko kaya kinuha ko ang pantali ko at tinali iyon into ponytail. Baka makasagabal lang ito mamaya sa magiging laban ko.

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng locker room saka ako tumabi kay Alona sa pagkakaupo. Napakunot pa ang noo ko nang mapansin ko ang panginginig nito at nang tumingin ako sa mukha nito ay halatang kinakabahan.

"Alona, okey ka lang?" Tanong ko dito dahilan para magulat ito at mapatingin sakin.

"H-Hah?" Gulat na tanong nito.

"Kinakabahan ka?" Tanong ko nalang dito.

Pinagsiklop naman nito ang mga kamay nang marinig nito ang tanong ko.

"Hindi ko kasi mapigilang kabahan lalo na at marami ang nanonood. P-Pano kung magkamali ako? Pano kung kutyain ako ng mga tao dahil sa katangahan ko at pano kung matalo tayo dahil sakin?" Tanong nito na para bang gusto ng mag back out.

"Hindi naman talaga natin mapigilang hindi kabahan. Pero isipin mo nalang na kaya natin ginagawa ito ay para maipagmalaki tayo ni President at para maiuwi natin ang titulo. Sa simula lang naman tayo kakabahan. At mabuti sigurong i enjoy lang natin. Atleast, ginawa natin ang best natin para sa larong ito." Nakangiting saad ko dito.

Ngumiti naman ito at mukhang kumalma naman ito at tumigil na rin ang panginginig ng katawan nito. Mabuti naman dahil paniguradong hindi ito makakalaban kung ganitong natatakot itong lumaban.

"Let's go. We only have 2 minutes left before the game starts." Seryosong saad ni President at nauna na ito samin. Kami naman ay sumunod na dito.

Pagkarating namin sa venue ay rinig na namin ang sigawan ng mga tao. Pero hindi ko iyon pinansin. Imbis, natuon ang pansin ko kina Dianne at Damian na nasa unahan at kumakaway sakin. Ngumiti naman ako sa mga ito at nag thumbs up bago kami pumasok sa loob ng isang kwarto. Pagkapasok namin ay nag stretching lang kami.

"You seems very close to Damian's friend." Pang uusisa ni Duxe.

Ngumiti naman ako dito.

"Hmm. Sa totoo lang, Si Dianne lang naman talaga ang kaibigan ko hanggang sa hindi ko namalayan na kaibigan ko na rin pala sina Damian. Hahaha." Nakangiting saad ko.

At thankful ako tungkol dun kasi nagkaroon ako ng kaibigan. Umayos kami ng tayo ng humarap samin si Pres dala ang seryoso nitong mukha.

"If you want to get the champion, you have to win this battle. And don't let your guard down. Balance your heart and mind and always remember what we practice. Goodluck." Sambit ni Pres at kasabay nun ang pagtawag sa grupo namin.

Rinig namin ang hiyawan ng mga tao hanggang sa makapasok kami sa isang pabilog. Nang tuluyan na kaming makapasok doon ay biglang may rehas na harang dahilan para hindi na kami makalabas kapag nagsimula na ang laban. Tinitigan ko ang mga kalaban namin na nakangisi ngayon. Nagyayabang.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now