TLLBD #55

4.4K 124 114
                                    


Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatitig lang sa kisame. Hindi kasi ako makatulog, kanina ko pa iniisip si Hunter. Ewan ko ba, hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko ito nakakausap o hangga't hindi ko nalalamang okay lang ang kalagayan nito.

Bumuntong hininga ako saka ako tumagilid ng higa pero  nakamulat pa rin ang mga mata ko.

Bumaling ang paningin ko sa side table nang magvibrate ang cp ko. Tamad akong umikot at inabot ito saka ko tinignan kung sino ang nagtext sa 'kin. At nang makita kong si Hunt pala iyon ay mabilis kong tinignan ang text nito at binasa iyon.

Sent by: Hunter

"Blue, pasensiya ka na kung hindi ako nakapagpaalam kanina. I was actually in a rush. Kinailangan kasi ako ni Dad and I need to go there immediately. And I'll be aways for days, I guess." -- 8:45 pm

Nang mabasa ko iyon ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. So okay lang siya. Akala ko kung ano na ang nangyari dito.

Hindi na ako nag-abala pang magreply dito at in-off ko ang cp ko bago ako nagsimula ng matulog. Looks like there's nothing to be worried at all.

-----

Dumaan pa ang ilang araw at hindi ko na nakita pa si Hunter. Pero nagpapadala naman ito ng mga texts kung nasaan ito at kung ano ang ginagawa nito kaya naman ay napanatag na rin ang loob ko. Kahit naman papaano ay kaibigan ko pa rin ito at normal lang sa 'kin na mag-alala para dito.

Tungkol naman sa 'min ni Damian, maayos naman ang lahat. Wala rin kaming naging problema at naging maayos pa rin ang pakikitungo namin ni Zandiah sa isa't-isa. Alam ko kasing may gusto ito kay Damian pero naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Tungkol naman sa mga kapatid ni Zandiah ay naisipan kong lumayo na muna sa mga ito. Ayokong may kung ano nanamang hindi pagkakaintindihang mangyari. Ayoko ng mapagbintangan ulit at ayoko na sa mga dramang nangyari no'n. Kahit na napapansin kong lumalapit pa rin sa 'kin sina Kuya Light at sumusubok itong makipag-usap sa 'kin. Siyempre hindi ko naman ito iniignora pero may oras talaga na lumalayo ako sa kanila at alam kong napapansin nila ang ginagawa kong pag-iwas.

Hindi ko na rin nakakasagutan pa si Dark, ang kakambal ni Kuya Light. Ako na mismo ang umiiwas dito dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ako dito pero mas pinili kong manahimik nalang at huwag na itong komprontahin pa. Pero paminsan-minsan ay napapansin ko ang pagtitig nito sa 'kin na binabalewala ko nalang kahit na naiilang din ako. Hindi ko alam kung ano ang pahiwatig niya doon sa ginagawa niyang pagtitig sa 'kin pero lahat ng ginagawa nila ay hindi ko nalang pinapansin.

Napapagod na rin kasi akong makipagbangayan sa kung kani-kanino man. Though, there are few students who always pick on me but I just disregard them especially Cheska. Ang akala ko nga ay titigilan na ako nito pero pucha lang, hindi talaga ito tumitigil sa pangungulit sa 'kin. Mabuti na nga lang talaga at nakakapagtimpi pa ako dahil kung hindi, naku! Binasag ko na ang bungo nito sa sobrang inis ko dito! Nakakairita LAHAT ng ginagawa niya. Nakakabwisit.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ko ang sarili ko at saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Ni hindi ko nga napansin na napatigil na pala ako sa paglalakad sa sobrang pag-iisip ko.

"Blue." Tawag ng napakapamilyar na boses sa 'kin dahilan para mapatigil ako sa paglalakad pero mabilis lang iyon at agad akong nagsimulang maglakad ulit pero hindi pa man ako nakakalayo dito ay nakaharang na ito sa daanan ko.

"Blue, why are you avoiding me? Simula ng bumalik ka dito, hindi ka na nakipag-usap pa sa 'min, sa 'kin. Why?" Tanong ni Kuya Light pero umiwas lang ako ng tingin dito saka ako huminga ng malalim.

"Pasensiya na Pres, pero may ginagawa pa ako ngayon at kailangan ko ng umalis." Nakangiting tipid ko dito at saka ko ito nilampasan pero hindi pa man ako nakakalayo nang magsalita ito dahilan para matigilan ako.

"Are you... Still mad at me? For not believing you...?" Hindi ko mapigilang matawa ng pagak matapos kong marinig ang naging tanong nito. Saka ako humarap dito at seryoso ko itong tinitigan.

"Kung ano man ang nangyari noon ay wala na sa 'kin iyon. Dapat niyo na rin pong kalimutan ang bagay na iyon President. Dahil ayoko ng balikan ang kahihiyang nangyari sa 'kin. Ang masasakit na salitang natanggap ko mula sa inyo. Mas mabuti na ring lumayo ako sa mga kagaya niyong hindi naman marunong makinig ng paliwanag ng iba." Saad ko at saka ako tumalikod sa mga ito nagpatuloy na sa paglalakad.

*Light Point of View*

Parang may tumarak sa dibdib ko matapos kong marinig ang mga sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa sinabi nito pero alam kong mas nasaktan ito dahil sa mga pambibintang namin sa kaniya. Hindi siguro lalayo ang loob nito sa 'kin kung nakinig lang ako ng paliwanag nito pero alam kong hindi ko na iyon maibabalik pa. Nasaktan ko na siya, nasaktan namin siya at wala na kaming magagawa doon. Dahil kahit na humingi man kami ng patawad dito ay alam kong hindi pa rin kami nito mapapatawad.

"Sarado ang puso't isipan niya kaya siguro gano'n nalang ito kung magsalita." Saad ni Gray pero hindi ako tumingin dito at nakatingin sa dinaanan ni Blue.

"It's all my fault. Hindi naman mangyayari iyon kung inalam ko muna ang totoo but... It already happened. I can't do anything about it. At lumayo pa ito sa 'tin." Napapabuntong hiningang usal ko. Naramdaman ko ang pagtapik nito sa braso ko.

"Sa tingin ko... si Dark ang mas nahihirapan." Saad nito kaya hindi ko mapigilang mapatingin dito. Si Dark?

Nang mapansin nitong naguguluhan ako ay agad itong nagpaliwanag.

"Ilang beses ko na itong naabutang nakatitig kay Blue. At parang gusto nitong lapitan si Blue pero hindi ito nagkakaroon ng pagkakataon dahil sa paglayo ni Blue. Alam kong nagsisisi ito sa ginawa pero parang huli na para humingi pa ito ng tawad, Blue doesn't want to associate with us." Paliwanag nito. Hindi ko mapigilang malungkot dahil dito.

After we found out that Blue is actually Amber, the girl who got kidnapped too together with Zandiah, ay labis ang pagsisisi ko dahil sa nangyari dito. She doesn't deserve all the bad things that she experienced. Kahit naman papaano ay nakasama rin namin ito at nakalaro no'ng mga bata pa kami. Kaya nga sinusubukan ko itong makaayos but looks like she doesn't want to be with us again.

Blue...

-----

©All Rights Reserved. 2021.

PLAGIARISM IS A CRIME

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now