TLLBD #8

3K 84 6
                                    

Nakatingin ako ngayon sa tatlong lalaking may mga pasa sa mukha pero mukhang okey naman na sila. Nakangiti ako sa mga ito habang ang mga ito ay ngingiti din sakin pero ngingiwi din kalaunan pag sumasakit ang sugat nila.

Ngumiti ako dun sa Vice President namin. Magsasalita na sana ako nang patigilin ako nito kaya naman ay itinikom ko nalang ang bibig ko pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili.

"Pasensiya na po talaga. Mukhang nasobrahan yata ang panggugulpi ko sa mga kasamahan niyo." Nakangiwing saad ko bago ako sumulyap sa mga ito.

Nakarinig naman ako ng hagikhikan pero sinamaan lang sila ng tingin nung tatlo.

"It's okey, it was still part of the initiations. You don't have to feel bad. Anyway, I'm Freya Connor. The Vice President of this club. And as you can see, the President isn't here but he'll show up anytime soon. And these three are one of the seniors, they will be the one who'll help you for trainings. They're Rex, Michael, and Sandro. And they're the other members of this club. They're Duxe, Elena, Tristan, Craxe, and Alona." Pakilala ni Vice President sa kanilang lahat.

Kumaway naman ang mga ito sakin at ako naman ay ngumiti lang sa kanila. Maya-maya pa ay nagpaalam muna si Vice at ako naman ay lumapit dun sa tatlo pero napaatras lang ang mga ito dahilan para magtawanan ang mga nakaupo sa likuran ko kaya naman ay sinamaan sila ng tingin nitong tatlo pero napangiwi lang sila.

Ako naman ay kinuha ko ang first aid kit. Kahit naman lang sa ganitong paraan eh makatulong ako. Kanina pa kasi hindi nagagamot yung iba nilang sugat.

Tututol na sana sila pero hindi ko sila hinayaan.

"Let me."

Hindi na sila nakapalag pa at hinayaan nalang ako. Una kong ginamot si Rex. Pagkatapos kong gamutin si Rex ay sinunod ko naman si Michael saka panghuli si Sandro.

"Thanks." Usal ni Sandro matapos ko itong magamot. Ngumiti naman ako dito at binalik na sa dati nitong kalalagyan.

Saka ako umupo ulit sa kung saan man ako nakaupo kanina. Naging tahimik ang lahat bago nagsalita si Rex.

"Where did you learn to fight?" Tanong nito bigla.

Ngumisi naman ako sa naging tanong nito.

"Street fight." Sagot ko dahilan para magulat ang mga ito.

"Sumasali ka dun?" Tanong nito na mukhang naging interesado.

Tumango naman ako.

"Naburyo kasi ako nun sa bahay kaya naman ay naisipan kong maglakad sa kalsada kahit na maghahatinggabi na at dahil sanay na ako sa puyatan kaya go lang. Hindi naman ako pinipigilan ni Tatay basta mag ingat lang daw ako palagi kaya ayun, habang naglalakad sa daan ay may napansin akong eskinita. May nakita akong bata na pumasok doon kaya naman ay sinundan ko ito at sa pinakadulo nun ay may nagsisigawang mga tao. Nagpupustahan kung sino ang napusuan nila at saka naman maglalaban ang nasa loob ng isang rehas na humahati sa manlalaro at sa manonood. Sa totoo lang, wala akong balak na sumali eh ang kaso, napikon ako dun sa lalaking kanina pa nagyayabang mukha namang walang binatbat kaya sa inis ko, pinagmumura ko ito at hinamon. Kaya ayun, dun ako nagsimulang matutong lumaban, yung ibang taktika ko ay napanood ko lang sa youtube. At dahil sa mataas ang pain tolerance ko ay tumagal ako sa loob ng rehas na iyon ng 24 oras. Sa pag-uwi ko, may dala akong perang napanalunan ko pero todo sermon ang inabot ko kay Tatay pag-uwi. Pero kahit ganun, bumabalik pa din ako dun. Kung gusto kong magpabugbog, kung kailangan ko ng pera at kung galit ako." Pagkukwento ko.

"That's.... Unbelievable, panong nagawa mong makipag away ng ganun ganon lang?" Taka pa ring tanong ni Michael.

"Nasa dugo na rin siguro namin iyon. Magaling din kasi si Tatay makipaglaban kahit nga may edad na ito." Pagmamalaki ko sa tatay ko.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now