PART 1: Spell "A-W-K-W-A-R-D"

146 8 1
                                    


THIRD PERSON'S POV

Sa hindi malamang dahilan, abot-abot ang kaba ni Lyndon sa okasyong dapat ay ikasaya niya.

Buo-buong butil ng pawis ang pinupunasan niya sa mala prinsipe niyang mukha. Halos nag-umpisa na ang okasyon sa party kung saan ay naroon siya. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong kaba, dahil sa lahat ng babaeng nakilala niya, si Ms. Sunget (si Ren-ren) na hindi man lang niya makuha ang pangalan at ang unang babaeng nagreject sa kanya.

Oo tama. Kauna-unahang babaeng umisnab sa THE LOOKS at THE CHARM niya. Actually napansin niyang nagwapuhan naman ito sa kanya. Pero hindi niya matanggap na napaka COLD ng treatment nito sa isang gwapong katulad niya. Hindi sa nagmamayabang siya sa itsura niya. Pero yung mga nagcocomment na gwapo siya, galing sa maraming tao. Kinukuha din siyang modelo, hindi lang dahil sa mukha, kundi pati narin sa mala Adonis niyang katawan. Abs kung abs. 8pacts, biceps, triceps. Lahat yan meron siya.

Idagdag pa na si Ms. Sunget ay kaiba sa lahat ng mga babae na nakilala niya. Hindi lang dahil wala itong pakialam sa kanya, na hindi ito attracted, kundi hindi niya mabasa ang kilos nito. Alam niyang galit at hindi basta papansin lang ang nararamdaman nito sa kanya. Idagdag pang hindi pa ito nagkaka nobyo. Sa pananamit nito nung huling kita niya sa park, halatang simpleng tao lang ito. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala niya, maarte, maluho at ang pinaka kinaiinisan niya... mapagpanggap. Hindi totoo sa sarili. Yung ginagawa lahat ng desperadang bagay para lang mapansin niya.

Pero ang babaeng ito na hinihintay niya, ibang-iba, interesado siya dito. Hindi niya alam kung EGO lang ba niya ang dahilan, o dahil attracted siya dito. Yun ang gusto niyang kumpirmahin. Kaya abot-abot marahil ang kabog ng dib-dib niya.

Sa ngayon isang tanong lang ang tumatakbo sa isip niya,

"Darating kaya siya?"

Habang hindi mapakali si Ydon(Lyndon) sa pwesto niya, sa may entrada ng reception ng nasabing party, may tila niyebeng nagpahinto sa pagkilos ng mga taong masasabing maimpluensya sa larangan ng negosyo. Dalawang magandang dilag ang lumabas sa isang magarang puting kotse. Sa dilim ng gabi, nagningning ang mga fitted gown ng mga babae na magkamukha ngunit magkaiba ng kulay. Itim at asul.

Walang iba kundi sina Xairen at Shanniella. Si Shan, katulad ng nakagawian niya na, ay napaka eleganteng suot ang asul na gown na hapit hanggang tuhod at pabuka mula tuhod at may mahabang laylayan. Samantalang si Ren, halatang hindi sanay sa mga aristokratong taong nakapaligid at nakatingin sa kanila pinapahid ng bahagya ang bandang hita ng itim na gown, hatalang hindi siya gaanong sanay pero dahil sa likas na magaling niyang pagdala ng damit ay HAVEY ika nga ng ating mga kapatid sa 3rd sex.

Sa di kalayuan, napansin ni Lyndon ang komosyon, napalapit siya ng kaunti, at hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mata niya. Bahagya siyang kumurap sa posibilidad na baka namamalikmata siya pero hindi. Habang palapit ng palapit ang pamilyar na mukha sa kinatatayuan niya, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya. Hanggang sa magkatapatan sila ng babaeng hindi niya inalisan ng tingin.

Nagulat siya ng humilig/tumagilid ito sa red carpet at kumisod ng kaunti papunta sa kung nasaan siya sa my gilid mismo ng carpet na daanan ng mga bisita.

"Isara mo yang bibig mo, baka mapasukan ng sampung langaw."

(Sabay ngumiti ito ng nakakaloko)

Matapos siyang lampasan ng babaeng nakapagpatulala sa kanya. Doon pa lang rumehistro sa kanya ang lahat at nahimasmasan siya. Doon pa lang siya nakakilos at nakaramdam ng tuwa, inis at excitement. Dahil sa wakas. Dumating na siya. Ang hinintay niya. At sa wakas, nagtagumpay ang plano niyang dumating ito sa kaarawan niya. Sinundan niya ang direksyon ng babaeng inaasam niyang makasalamuha, ang babaeng nais niyang makuha ang pangalan.

Sa kabilang banda...

XAIREN: Shan, bhestie, kinakabahan ako.

SHANNIELLA: Stay put ka lang dyan. Bsta yung mga bilin ko. Ikilos mo lang at wag kang kabahan bhestie.

Sa hindi kalayuan...

SOMEONE'S POV

Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa din si Puchem Aih ko, na simple pero paulit-ulit na nahuhulog ang puso ko sa twing masisilayan ko siya. Mas gumanda siya ngayong nagmature na siya. Ako kaya makilala pa niya? Marami naring nagbago sa akin.

SOMEBODY'S POV

Seeing Lyndon captivated by another woman, Im very insulted. I was his WORLD, his OXYGEN. He cannot live without me. Ang I will make sure that he'll be back in my side once again. Your mine Ydon, ONLY MINE. And I'll make sure to get rid of that bitch who stole your eyes that are created only to see my beauty. (EVIL SMILE)

May PART TWO pa po.
ABANGAN...

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon