LEVY'S POVMinulat ko ang mga mata ko, ang tanging nakikita ko ay ang puting kapaligiran. Ramdam ko ang panghihina. Lumingon ako sa kaliwang side ko. Kahit medyo blurred ang nakikita ko, naaninag ko na may katawang natatakpan ng kumot mula mukha hanggang paa. May umiiyak na babae na nakatalikod sa akin. Kapigura niya si Xairen.
Biglang nagsink-in lahat ng nangyari bago ako mapadpad dito. Tinamaan ng bala ang kambal ko! At bigla akong napatayo. Hindi kaya? O hindi! Hindi ito totoo. Hindi pwedeng mamatay ang kambal ko! I haven't get even with him. At kahit may sama ako ng loob sa pamilya ko, napagtanto ko nung mawalay ako sa kanila na hindi ko kakayanin na mawala si kuya at mama sa akin.
Akmang kakabangon at kakaupo ko lang sa kama ng ospital ng may kamay na pumigil sa akin mula sa kanan ko. Nanggaling siya sa kama mula sa kaliwa ko.
Si Xairen.
XAIREN: Levy, buti gising ka na.
Nakita kong may sumilay na kaunting ngiti sa kanyang mga labi.
XAIREN: Ang kuya mo, hindi pa siya nagigising. Dalawang araw na ang lumipas matapos kayong mabaril. Nag-aalala ako Levy, baka hindi na siya magising.
Hinawakan ko ang kamay niyang hawak pa rin ang braso ko.
"Wag kang mag-alala, kuya is a brave fighter. He even can struggle againts death. Alam kong hindi ka niya kayang iwan ng ganito."-sabi ko sa kanya para mabawasan ang pag-aalala niya.
XAIREN: Sino ang gagawa ng ganito sa inyo?
Biglang tanong niya sa akin.
"Hindi ko din alam. Maaaring may kinalaman sa negosyo, kung sa personal naming buhay.. I can't figure it out. Hindi ko mapi-pinpoint."
Lumipas ang ilang buwan at gumaling na ako. But Lyndon, he went to comatose. And Xairen went weak. She even lost alot of weight. Ang payat na niya ngayon.
Ginugol ko ang isang buwan upang alamin ang may sala sa pagbaril saming magkambal. Pero bigo ako. Nabalitaan ko mula kay Winzy na nakatanggap ng kakaibang sulat sa Mansion ng mga magulang ko 3 days ago.
At ganito ang laman ng sulat:
How's life Eduardo? I bet you've seen what I've done to your twins as a sign that I'm back. And I'm back for good. And next time, It will be my pleasure to dig up your family's grave to see you four lying seven feet under the ground. Be quick. Beware. Coz I might strike anytime and anywhere. My regards to your beloved Francheska.
The next day was very unexpected.Early morning, mom was just peacefully doing what she loves. Cooking breakfast. I just got up in bed and watch her in the counter.
Nang walang kung anu-ano ay umulan ng bala sa 1st floor ng mansion. At nakita ko si mom, sapo ang kaliwang balikat niya, nagdurugo. God! May tama siya ng bala. Tinawag ko si Mang Carding. Dali niyang tinakbo ang ospital at dali akong pumunta sa control room ng Mansion para panoorin ang CCTV footage kung paano pinaulanan ng bala ang bahay namin. Kitang kita ko ang apat na motor na nakapaligid sa isang itim na kotse. At matapos paulanan ng bala ang bahay, bumaba ang salamin ng pintuan ng kotse sa bandang likuran. Halos magsitaasan ang balahibo ko sa nakita ko.
Pinause ko, saka ko zinoom. Hindi ako pwedeng magkamali. Gumuhit ang matabang na ngisi sa aking mukha. Alam na alam ko ang tabas ng mukha ng taong yun. Galit ang namuo sa pakiramdam ko. Muling nabuhay ang puot sa puso ko. Olivia Kutilang. Ang babaeng gumawa ng lamat sa pamilya ko. Ang babaeng sumira ng tiwala ni mom kay dad. The Homewrecker is back.
At lalong nanindig ang balahibo ko ng biglang hinubad niya ang shades niya at gumuhit ang evil smile sa kanyang mga napakapulang mga labi. Tinitigan niya ang CCTV camera. Tila pinaaalam na siya ang may sala. Gustuhin ko man, hindi maaari na isumbong ko ang krimen na ito sa mga pulis, dahil mahahalungkat tiyak ang "Affair" ni dad sa kanya. Ang lakas ng loob niya. Nakapagtatakang sakay siya ng isang mamahaling kotse at kayang umupa ng mga taong mukhang mga Gun for Hire. Mga hustler na sa pagtumba ng tao, mga bayarang mamamatay tao. Kung paano yumaman ang isang babaeng nakatira lang dati sa tabing ilog na illegal settler, na maituturing na Home Wrecker at isang Social Climber, i need to find out.
I need to deal with her.
I need to kill the pest that once wrecked my family.
Hay naku! Ang daming problema ang nangyayari! Olivia, ang sama mo!
Guys, nalilito ako, gusto kong bumili ng bagong Android phone, may pambili na ako, kaso nagdadalawang isip ako. Magtatatlo pa yan. Haha! Gusto ko kasi ng mas magandang specs. Mag two 2yrs. pa lang itong cp ko sa August.
Thanks for reading NAOWS!
MissUNDEFINED13
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
RomanceShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...