LYNDON'S POVI saw mom beside me, and with the looks of it, she's crying.
"Ma, nasaan si Xairen at Levy?" apurado kong tanong.
FRANCHESKA: Nasa ibang mga ambulansya sila anak. Your father had a gun shot in his chest. I hope hindi iyon tumama sa kanyang mga internal organs.
"How about Xairen and Levy, are they okay?" sunod kong tanong.
FRANCHESKA: Levy gained alot of bruises and damages just like you. Xairen was just recently revived because she was attemptedly suffocated by Cristof. He died during the rescue of the troops of Winzy's uncle to Xairen. He resisted to be captured and put up gun shots, so he died. Olivia was cured and forwarded to a Mental Institution, if proven psychologically incapacitated, she will be there until she returns to normal.
Hindi ako nakakibo. Napatingin na lang ako sa ceiling nitong ambulansyang kinalalagyan ko habang nakahiga sa stretcher. Ang dami nang nangyari, parang kelan lang kinukulit ko si Xairen na pansinin ako. Ngayong naging kami, sunod-sunod ang nangyaring kamalasan at disgrasya.
Matapos ang ilang minuto, nakarating kami dito sa Public General Hospital ng probinsyang pinangyarihan ng komosyon. Ayon sa mga medics, kailangang magamot muna kami at macheck dito sa ospital. We'll go some test at kapag okay na, saka kami papayagang maiforward sa ospital sa Manila.
Pagbaba, kahit nanghihina, inantay ko makababa si Xairen at Levy sa Ambulansya nila. Nakita ko si Xairen, napaka payapa ng kanyang mukha, ngunit bakas sa kanyang katawan ang paghihirap. Ang dami niyang pasa. At napakaraming gasgas at sugat ng kanyang katawan.
Napaiyak ako. Luha ang sunod-sunod na umagos sa mga mata ko. At naisip ko, why did she need to suffer all of these? Kung tutuusin, kami lang ng pamilya ko ang pinagtaniman ng galit ni Olivia.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga Gonzales. Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. Sunod na ambulansya ang kay Levy. Ramdam ko ang sakit na dama niya habang pinasadahan ko ng tingin ang mga marka ng pananakit at mga sugat na resulta nito. I've longed for my brother. Kabaklaan man sa iba, pero aminado akong miss na miss ko ang loko na to.
It's so lonely being the only son, because I'm so used of sharing everything with him. Napansin ko din na nagbalik na siya sa dati. Yung galit sa mga mata niya nung una kaming magkita pagkagaling niyang Europa, nawala na. He's my buddy again. My brother. He's all I've got. Darating ang panahon at iiwanan din kami nina dad at mom, so Xairen and Levy, the two, I can't afford to loose them.
Ilang sandali pa at ibinaba mula sa Ambulance si dad. They let him ride on a wheel chair. I can't get mad on him and blame him for the things that I am seeing now. Natukso lang siya, sinubukan niya namang itama. Nagkataon lang na tinakasan ng katinuan ang taong pinagka atrasuhan niya. For Olivia to be locked up in a Mental Facility is not enough in the mess she caused, yet ipapaubaya na namin sa Diyos lahat ng pagkakasala niya.
Lumipas ang ilang oras at kinumpirma na stable na lahat kami. Dad need to have blood transfusion cause he lost alot dahil sa tama ng bala. Tinamaan ang bituka niya kaya agad na sumailalim siya sa operasyon.
Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Xairen dito sa ospital. Nadatnan ko siyang tulog habang binabantayan ng pamilya niya. Hindi ko na kinailangang magsalita para bigyan ako ng pwesto sa tabi niya. Binigyan ako ng upuan ni Yex at nagpaalam na ang buong pamilya para umuwi paMaynila dahil sa makalawa ay iluluwas na din kaming apat dun for further observations. Tinap ni tito Emil ang balikat ko at nagsalita.
"Take good care of my Princess. Alam kong ginawa mo lahat ng makakaya mo para mailigtas siya. Mauna na kami sa Maynila dahil may pasok pa ang kambal. Ingatan mo siya."
Yun lang at umalis na sila. Hinawakan ko ang kamay ni Xairen. At di ko namalayan na nakatulog na pala akong nakadukmo sa kama niya habang nakaupo sa upuan.
XAIREN'S POV
Nagising ako sa pagkasilaw sa sinag ng araw na tumatagos sa isang bintana. Ang tangi ko na lang naaalala ay ang mga sigaw ni Lyndon at Levy kay Olivia. Hindi ko magawang sumigaw para mapuntahan nila ako dahil nakabusal ang bibig ko. Pagkatapos ay sunod-sunod na putukan ang narinig ko, nagmura ng sunod-sunod si Cristof at agad akong pinatayo mula sa isang upuan kung saan ako nakatali at nakagapos. Iginawi niya ako para humiga. At ang sunod ay ang pagtakip niya sa mukha ko ng isang tela, dahilan para hindi ako makahinga at ang sunod ay ang pagdilim na ng aking paningin.
Luminga-linga ako sa paligid at naaninag ko ang mukha ni Lyndon. Puro pasa at sugat ang mukha at mga braso niya. Naisip ko bigla ang hirap na dinanas namin sa mga kamay ni Olivia. Gaano ba kagandang buhay ang nag-aantay sa amin sa hinaharap para maranasan ang ganitong klaseng pagsubok? Naluha ako sa naisip ko. Hinaplos ko ang mukha ni Lyndon. Sinong mag-aakala na mamahalin ko ng ganito katinde ang lalaking ito na halos isumpa ko ng mawala dati dahil sa pagpapapansin at pang-iinis na ginagawa niya. Saglit na nahinto ako dahil, unti-unti na siyang nagigising.
THIRD PERSON'S POV
Sa pagkakataong iminulat ni Lyndon ang kanyang mga mata, ngiti agad ang bumakas sa kanyang mukha ng makitang nakatingin sa kanya ang natatanging babaeng nagpatibok ng husto sa puso niya.
LYNDON: Huwag kang mag-alala. Everything will be fine from now on. I will never leave your side and I promise to protect you Yabs. At hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ni Xairen habang tinititigan ito.
XAIREN: Yung okay ka na at nandito ka na sa tabi ko ayos na. Wala na kong mahihiling pa. Magpagaling tayo at sulitin natin bawat segundo na magkasama tayo. We never know what lies ahead, so let's make memories together that we can cherish.
Pagkatapos nun ay hinalikan ni Lyndon sa labi si Xairen at saglit na sinabing "From now on until forever Ren dear" at sinikop muli ang labi ni Xairen.
Uy hindi pa po ending ito ha...
May dapat pang abangan...
Pero malapit na po itong matapos.
Don't worry we'll meet sa sequel ng NAOWS na "When He Smiled Back"Thanks much for reading & supporting
NAOWS!-MissUNDEFINED13
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
RomanceShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...