LYNDON'S POVTense na tense ako, habang bumubuo kaming boys ng magandang proposal scene para kay Xairen. Nandito ngayon sina Levy, Winzy, Blaze at Andrei.
WINZY: Bro grabe ah! Wala ka pang ginagawa na actual proposal, namamawis ka nang butil-butil. Hahaha!
BLAZE: Ikaw lang ata ang nakilala kong chickboy na kabado magpropose.
ANDREI: You got my back. Kababata ko si Ren, so I know upon how to make the "P-Day" special.
LEVY: Kung duwag tong si Kuya, mag-jack en poy na lang tayo Drei, kung sino yung manalo, siya na lang magpropose kay Xairen at kumumpleto ng Proposal Day.
"Levy!" sigaw ko, pagpapakita ng di ko pag-sang-ayon sa sinabi niya.
LEVY: Just joking bro. Masyado ka kasing tensyonado.
WINZY: So here's the plan...
Binuo namin ang plano, salamat at nandito itong mga mokong na to. Nagbihis ako saglit para pumunta ng mall. Pipili na ako ng sing-sing yung kukumpleto ng proposal. Pagkababa ko ng hagdan ay lumapit sa akin si Andrei, tinuro niya ang veranda ng 2nd floor, mukhang may pag-uusapan kami.
"Ano yun?" Tanong ko.
ANDREI: I want to make this short bro, please... ingatan mo siya. Ingatan mo si Puchem.
Sumeryoso ang mukha ko dahil ganoon din ng hilatsa ng mukha niya.
ANDREI: You know that she's everything to me, and I'm just starting to move-on. Mahalin mo siya gaya ng pag-mamahal ko, she is often times demanding of the do's and dont's, but you know that she deserves to have everything. Be sure not to hurt her, for if you'll do, I don't know what I can do to you, at hindi ako magdadalawang isip na bawiin siya sayo for good. She's my world. I hope she's also the same thing to you.
Saglit akong napahinto. Nagpapasalamat ako at may Andrei sa buhay ni Xairen nung wala pa ako sa buhay niya. At nandun nung mga panahong wala ako sa tabi niya.
"Don't worry. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal, at hindi ako gagawa ng dahilan para kunin mo siya mula sa akin."
pagpapanatag ko sa loob ni Andrei.
Matapos kong sabihin yun, nakita ko kung paano may gumuhit na ngiti sa mukha niya at tinapik niya ng dalawang beses ang balikat ko sabay sabi nang...
ANDREI: I'll be watching over you two. Sige na. Lumakad kana.
After saying that, he went to the entertainment room kasama ng ibang boys.
Bumaba na ako sa ground floor papunta sa parking lot para sakyan ang kotse ko upang makapunta na ako sa Mall para makapamili ng sing-sing.
Pagsakay ko ng kotse, inistart ko na ito. Sinenyasan ko ang guard para bukasan ang gate.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang tinatahak ang daan papunta sa pinaka malaking mall sa Pilipinas at ikalawa sa pinaka-malaking mall sa Asya.
Pagpasok ko ng mall matapos maipark ito, naghanap agad ako ng jewelry shop na pwedeng pagbilhan ng sing-sing kay Xairen. Ilang minuto pa, nakarating ako sa The Jeweller Shop. Agad may lumapit sa aking sales representative.
S.R.: Yes Sir, finding for a gift? To whom po?
"Magpro-propose...ako." medyo nahihiya kong sagot ng nakangiti tapos ay kinamot ng kanang kamay ko ang likod ng ulo ko habang ang kaliwang kamay ko ay nasa bulsa ng slux kong itim.
S.R.2: Ang gwapo no?
S.R.3: Oo te, kaso taken na. Sayang.
S.R.2: Oo nga sayang. Hay...
Usapan iyon ng mga babaeng sales representative sa gilid. Pagkatapos ay inintertain na ko nung unang kumausap sa akin.
S.R.: This way po tayo Sir. Para makapamili po kayo ng magandang ring. Magkano po ba ang budget natin Sir?
"The price is not a problem" agad kong sagot.
S.R.: Ganoon po ba, paki describe na lang po ang character ng fiance to be ninyo Sir. Nang sa gayon po ay makapili po tayo ng bagay na sing-sing para sa kanya.
"She's simple, a bit childish and a perfectionist. Balingkinitan at fair complexion naman siya when it comes to physical appearance." Nawika ko habang nabubuo sa isip ko ang pigura ni Xairen.
S.R.: Ito po Sir, a twenty four carat gold, beaded with sworovskie crystals and a large diamond in it's middle. Perfect for your fiance's character.
Matapos kong sipatin, ay agad kong sinabing "Okay I'll take it. Five ang size ng daliri ng fiance ko."
S.C.: Okay Sir, kindly wait for a second while we are packing it properly. Paki fill-up'an at pirmahan na lang po itong receipt.
Eto na. Matapos ang ilang sandali, hawak ko na ang sing-sing na magbubuklod sa aming dalawa ni Xairen papunta sa aming forever. Alam ko kung gaano ako kamahal ni Xairen. Pero nakakakaba talaga ang magpropose. Kinakabahan ako kung magugustuhan niya ang inihanda namin para sa Proposal Day. Ito na yun. God! Talagang kabado ako.
Ituuuh na yun! ~T_T~
Sa wakas! •﹏•
Sana wala na talagang maging balakid.Thanks for the reads po!
-MissUNDEFINED13
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
RomanceShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...