Another Suitor?!

75 4 0
                                    


XAIREN'S POV

Nanlulumo akong naglalakad palayo sa kwarto ni Lyndon, pinalitan muna ako ni Levy dahil halos isang linggo akong walang karelyebo/kapalitan sa pagbabantay kay Lyndon. Busy this past few weeks si Levy dahil sa nangyaring attempted murder sa Mansion nila. Dahil sa pagtatangkang pagpatay sa pamilya nina Levy kaya hindi namin mapagkatiwala sa iba ang pagbabantay kay Lyndon.

Dahil sa lumilipad kong isip, hindi ko namalayan na may nakabanggaan akong Doktor.

BAG!
Sa sobrang tikas ng katawan ng Doktor, natumba ang hapo kong katawan dahil sa ilang araw na pagkapuyat.

Kagagaling lang niya sa hagdanan paakyat at ako naman ay akmang liliko para makababa. Ang dami naman kasing araw na pwedeng masira ang elevator, bakit ngayon pa.

"Xairen? God. It's really you."

Galing ito sa napakalalim na boses ng Doctor.

Sa pagtataka ko, gamit ang mahapdi kong mga mata dahil sa puyat ay tiningala ko siya.

"Cristof?"-pagtataka kong tanong.

Si Cristof Villegas ay kaklase ko noong High School. Maputi, gwapo si Cristof, yun nga lang, payatot siya nun. Matangkad na payat nung high school kami. Kaya halos hindi ko siya nakilala ngayong naka suot Doctor siya, may machong katawan at katulad ko, hindi niya na suot yung Nerdy glasses niya. Pakapalan kami ng salamin nung High School. Madalas kaming pagtuksuhin dahil pareho daw kaming Nerd kaya kami ang bagay. Sa ranking, kami rin kasi ang naglalabanan sa pagiging top 1.

Hindi naman ako magkagusto sa kanya noon, dahil na rin puro aral ang ginawa ko. Nagka-issue pa nga nun na parang binalato daw nitong si Cristof ang laban sa pagiging Valedictorian kaya walang hirap ko itong nakuha. Nag li-low kasi siya simula nung 3rd Grading Period.

Tinulungan niya akong tumayo sa pagkakatumba ko.

CRISTOF: I'm sorry, are you okay?

XAIREN: Ayos lang naman ako. Medyo masakit lang ang pwetan ko.

CRISTOF: How long has it been? Ten years Ayah?

Medyo kinilabutan ako nung tawagin niya ulit akong Ayah. Napakatamis niyang ngumiti. Napakagwapo. Malamang, maraming gustong magkasakit, makita lang siya. Mula pa noon, Ayah na ang tawag niya sa akin. Nung tanungin ko siya, para daw maiba lang. Kinuha niya yung Ayah sa second 1st name kong Izhaiah.

XAIREN: Oo nga. Sampung taon na.

Inaya niya akong magkape sa cafeteria ng ospital. Sa nakikita ko, succesful at masaya siya sa larangang napili niya.

CRISTOF: It's a bit sad to see you here. Tiyak may malapit sa puso mo na naka confine dito.

Pagbungad niya sa usapan.

XAIREN: Tumango ako ng bahagya. Sinikop ko ang mainit na tsokolateng inorder niya para sa akin, dahil kung
magkape nga naman ako, baka mawala ang antok ko. Unti-unti kong binuka ang bibig ko.

Klint Lyndon Real Chavez. Room 307.
Tinignan ko ang bumakas na pagkagulat sa mukha niya at napalitan ng pag-aalala..

CRISTOF: Affiliated ka pala sa mga Chavez. Hindi ba he's in coma?

Dahan-dahan akong tumango.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Are you working now under the Chavez?"

Tumango na lang ulit ako.

Madami kaming napag-usapan sa loob ng 20 minutes. Medyo dumaldal siya. Tahimik lang kasi siya dati. Nagulat na lang ako ng tanungin niya ako.

CRISTOF: Are you married Ayah?

"Hi-hindi pa naman."- halos pautal kong sabi matapos kong mabigla. At lalo kong kinagulat ang sunod na sinabi niya.

CRISTOF: That's good. We're both single.

At pinakita niya ulit ang ngiting makakapagpaibig sa kahit sinong babae. Kung sa local celebrities, kahawigan niya si Tom Rodriguez na may pagka Derrek Ramsey
Matapos niyang sabihin yun, nagpaalam na ako, kasi talagang antok na antok na ko at ramdam ko ang panghihina sa katawan ko. Tinignan niya ang wrist watch nia, at sinabi niyang malapit na rin daw mag-umpisa ang duty niya. Kaya umayon siya na mag part ways na kami.

Nag-umpisa na akong maglakad palabas ng prestihiyosong St. Lukes Hospital. Agad akong pumara ng taxi. Sinabi ko sa driver ang lugar. At pagkagulat ang naramdaman ko ng mamukhaan ko ang driver. Siya yung driver nung araw na unang magkakilala kami ni Lyndon nung nakamotor siya at binangga niya kami. Kaya ako na late.

"Kamusta na Ma'am? Bat ho kayo nandirito, sino po ang nasa ospital?"

Pagtatanong ni Manong.

"Si Lyndon ho. Comatose. Yung bumangga po sa atin dati."
tugon ko sa tanong ni Manong.

Bumakas ang lungkot sa mukha ni Manong, pagkatapos ay nagsalita.

"Naku, kay bait na bata, bakit naman nagkaganoon? Alam mo bang kinuha niya ang numero ko nang makabanggaan natin siya. At laking gulat ko ng kinabukasan ay pumunta siya sa paradahan at opisina ng pinagtratrabauhan kong kumpanya, personal niyang binayaran ang mga danyos at humingi ng tawad sa akin. Hinintay niya pa akong dumating pagkatapos ng viaje ko. Pinilit niya pa akong kunin ang sampung libong piso.Dahil hindi ko iyon tinanggap, pumunta siya sa skwelahan ng anak kong nasa kolehiyo, binayaran ni Sir Lyndon yung halos labing dalawang libong kulang pa namin sa skwelahan noong semestreng iyon. Kung tutuusin, kung ibang tao lang ang nakabanggaan ko, baka tinakbuhan na ako. At sa yaman ni Sir Lyndon, pwede naman siyang mag-utos ng gagawa na lang nun para sa kanya. Pero nakakatuwa na personal siyang humingi nh paumanhin at nagbayad ng danyos."

Ngiti na lang ang naisukli ko kay Manong, narealize kong mali ang unang pagkakakilala ko kay Lyndon. Siguro, na misinterpret ko lang ang pagiging over confident niya at pagiging transparent niya about what he feels.

Habang nasa taxi ako at nakatanaw sa tinatahak naming daan, unti-unting nagflashback lahat ng mga moments together namin ni Lyndon. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako at nakarating na pala ako sa harap ng bahay namin. Nakakapanlumo ang makita si Lyndon na nakahiga, tulog at ni hindi mo alam kung kelan gigising o gigising pa ba?

Pagbukas ko ng pinto. Kinagulat ko ang nakita ko.

ANDREI: Long time no see Puchem.

Sa sobrang miss ko sa kanya, hindi ko namalayang awtomatikong tumakbo at yumakap ako agad sa kanya.

Sa mga panahong ganito na I'm so down spirited, laging dumarating si Ei para maging shoulder to lean on ko. Indeed kahit si Lyndon ang True Love ko, si Andrei ang soulmate ko.

I wonder how my life would be without Andrei. At sa araw na ito, patuloy na bumabagabag sa isip ko ang mga binitiwan ni Dr. Villegas na

"That's good. We're both single."

animo'y puzzle na hindi ko maisolve.

Natapos ang pagdalaw ni Andrei at dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko, paulit-ulit na hinihiling na sa pagdilat ng mga ito ay sabay sa pagdilat ng mga mata ni Lyndon.


Dr. Cristof Villegas, ano naman ang papel mo sa istoryang ito?
Kakampi ka ba o kaaway?

Magising pa kaya si Lyndon?

ABANGAN..

Thanks for the Reads po!
MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon