The "P. Day"

67 2 0
                                    


LYNDON'S POV

I've been sleepless last night. Ito na yun!

Sumasakit ang ulo ko pero mas nananaig yung kaba at tensyon sa pagkatao ko. Nagshower ako. Nagbihis ako ng isang simpleng polo shirt, at jeans. Bumaba ako at kumain ng kaunti. Binulsa ko ang sing-sing at panyo. Panyo dahil abot-abot ang pawis na unti-unting pumapatak sa mukha ko.

Bago sumakay sa kotse ay tinawagan ko na ang mga kasabwat ko.

"Hello. Is everything ready?" tanong ko.

SHANIELLA: God Lyndon! Kinakabahan din ako. This is it na talaga! Nandito na ko sa pwesto ko, and the others are ready at their checkpoints. You better be giving in your Best Shot loverboy! This is now or never!

"Yah I know Rynx, lalo mo lang akong pinapakaba. Just do your task. You better drag her in the location on time, okay, I depend on you." dagdag ko.

SHANIELLA: Keidat. 6:15 pm. I just need to bring her there on or before 6:15pm. Wag lang before 6 pm, right?

"Yes. Please Shaniella Rynx Ogata, nakasalalay lahat ito sayo. Sa task mo." pagpapa-alala ko.

SHANIELLA: Okay. Just don't be nervous okay?

"Ya. Thanks see you later." Pagtatapos ko.

SHANIELLA: Okay. Bye..

I drove my car towards the location. It's in Laguna. It's a well known amusement park. Yes. An amusement park. According to Andrei, it's the best place ever for Xairen. Kaya nirentahan ko ang buong lugar just for this day. My Proposal Day.

Pagbaba ko, I've looked at my wrist watch for the Nth time.

Time Check: 5:46 pm.

Sinalubong agad ako ni Winzy.

"Is everything set bro?" tanong ko sa kanya.

WINZY: It's all set bro. Yung pagpropropose mo, dun ako kinakabahan. Hahaha! Your the Philippines Greatest Cassanova, yet your tail is turning down for a proposal. Hahaha!

"Quit it bro. Believe me. The feeling is unexplainable." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Samantala...
Sa kotse ni Shaniella..

XAIREN'S POV

SHANIELLA: Naku bhest, oras na! Baka ma late tayo.

"Ikaw naman. Laguna na to oh! Bat kaba nagmamadali? Kahit anung oras naman tayo makapunta dun papapasukin tayo." pagtataka ko.

SHANIELLA: Di ba nga hinahabol natin yung Fireworks, pinaaga daw ang Fireworks Display. Sayang naman.

"Naku. Ang weird mo talaga bhest kahit kelan. Kung di ka lang naglambing na matagal na nung huli tayong nagbonding at bukas e pupunta kayong Japan para dalawin ang lolo at lola mo, hindi ako mag-aabsent sa trabaho. Sayang yung mga leave ko. Nagamit ko na kasi dati nung nadisgrasya kami. Galingan mo na lang magdrive diyan para makarating tayo." angal ko.

Maya-maya pa ay nakarating na kami dito sa AMUSEMENT PARK.

Pagpasok namin ni Rynx...

"Ganda!" Bulalas ko.

SHANIELLA: Tara bhest mag-ferris wheel muna tayo.

Sabay hatak sa akin ng makulit kong best friend. Ang saya talaga kapag kasama ko siya. Buti na lang at naging bestfriend ko siya at napagtiyagaan niyang magkaroon ng kaibigang katulad ko.

Sumilip ako sa may bintana. Nandito kami sa tuktok ng ferris wheel. Ganda ng view mula dito. Saglit pa ay napansin ko ang mga lobong isa-isang naglipanang lumilipad pataas mula sa baba.

Nakita kong nakatitig si Shaniella sa akin na napakalapad ang ngiti. Lagi naman siyang masaya pero may kakaiba sa kanyang mga ngiti. Ewan ko ba. But i find it weird?!

Saglit pa ay nakababa na kami, yung mga nagtratrabaho dito na nakabihis prinsesa at prinsipe at may mga naka-mascot pa.

Napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Ngee. Anung meron? And their wearing the same weird smile Shaniella had awhile ago. Habang palipat sana sa isang ride, isa-isa akong inabutan ng white roses ng mga nangaka costume na nagtratrabaho dito. Ngayon ko lang napansin na parang kami lang ni Shaniella ang tao dito maliban sa mga crew ng kumpanya. Saglit pa ay nahuli ng mga mata ko si Levy, nagvi-video. At teka! Ako ang vinivideohan! Nakatutok sa akin ang video cam na hawak niya. Nang makita niya marahil ako na nakatingin sa lente ng video cam, kinawayan niya ako, habang saglit na hinawi ang v-cam at ngumiti, sumenyas pa na ngumiti rin daw ako dahil kinukunan niya ko.

Ang weird?! Hindi ko naman birthday, hindi rin ako napromote. Weird talaga.

Nang marating ko ang dulo ng pila ng crew habang hawak ang mga rosas na bigay nila, may ilang pulunpon ng taong may hawak ng mga lobo at karton sa mga kamay nila. Isa-isang tinanggal nila ang mga lobong hawak nila kaya nabasa ang mga letrang nakaguhit sa mga karton habang pa horizontal silang nakapila. At tumugtog ang isang kanta.

"Steal my Girl" by One Direction.

Nabasa ko unti-unti ang mensahe habang sunod-sunod ang paglipad ng mga lobo, ito ang mensahe...

XAIREN, YABS... WILL YOU...

Shocks! Pagkabasa ko pa lang ng WILL. Bakit di ko naisip yun?! Kaya ba ilang araw kong hindi nakikita ang mokong?!

At binuo ko ng basahin ang mensahe...
XAIREN, YABS... WILL YOU... MARRY ME?

At mula sa mga nakalinyang taong yun ay unti-unting naghawi ng kusa. At niluwa ang lalakeng malayo sa imahinasyon kong mamahalin ko ng sobra... si Lyndon.

Napaluha ako sa tuwa. At saglit pa ay nakaluhod na siya sa harap ko. Binunot niya mula sa bulsa ang isang pulang kahon. Binuksan iyon at niluwal ang isang napakaganda at napakagarang diamond ring. Napahawak ang dalawang kamay ko sa aking bibig. At habang nakatingala sa mukha ko, unti-unti niyang binanggit ang mga salitang...

LYNDON: Xairen, will you be my Forever? Will you marry me? Please be My Wife.

Umagos na ang mga patak-patak lamang na luha kanina. At sa sobrang saya ay di ako makapagsalita. Kaya unti-unti na lang akong tumango, pinahid ang mga luha ko at ngumiti. At saglit pa ay lumabas din sa bibig ko ang...

"Yes. Yes I'm very willing to be your Forever. To be your Wife. The mother of your children." saad ko ng buong saya.

And from their, nilahad ko ang kamay ko, at sinuot niya yun sa palasing-singan ko. And it perferctly fitted me. Matapos niyang isuot iyon ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. At habang yakap namin ang isa't-isa, nakita ko si Shaniella, naluluha din at akbay ni Blaze, nandun din si Winzy at si Andrei. Pati mga magulang namin at mga kapatid ko ay na andito. Nandito silang lahat. Sa araw na isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

At narinig ko na lang ang boses ni Lyndon.

LYNDON: Thank you Yabs. Thank you for being part of my life and for choosing to be with me forever. I love you.

Saglit pa ay natagpuan ko nalang na sikop na niya ang mga labi ko. At nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin.

Tapos na ang PROPOSAL DAY!
Yes! Nagawa din ni Lyndon!
Congrats RENDON!

-MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon