THIRD PERSON'S POVFlashback
Sa Mansion ng mga Chavez umaga bago umalis ang grupo pa Batangas...Habang nag-aagahan...
FRANCHESKA: Anak, I had a background check on Venice, nalaman ko kasing she's bothering you these past few weeks. And I found out na mali pala ang pagkakakilala ko sa kanya, literally. I knowned her to be Cristah Venice Villanez but that person was the daughter of our business partner.
Venice Eula Krista dela Vega was the name of the exact person pestering you all along, she's the only legitimate daughter of Juan Carlos Fincher dela Vega with Maria Katarina Krista. Ang family background, medyo immoral, walang delekadesa. Parehong may mga 3rd party ang both parents, may mga kapatid sa labas sa parehong side. At ang babaeng ito ay kilala sa pagiging eskandalosa at may pagka obsessed daw sayo, ayon sa imbestigador na hinire ko. Thank heavens at wala na siyang koneksyon sa pamilya natin, I mean, wala na kayo. Nagkaroon din ako ng background check kay Xairen Izhaiah Gonzales. Masasabi kong kahit Middle Class sila, mabubuting tao sila dahil nagpanggap na naliligaw at gutom ang imbestigador. Di naman daw nagdalawang isip ang mag-asawa na tulungan siya. Pero I'm sure that your father won't be happy seeing you marrying a Middle Class lady. Kung ako lang, alam mong wala kang magiging problema.Alam ko nang magkakaproblema ako kay dad pagka naging gf ko si Xairen. Naisip ko na yun ahead of time. Si dad kasi strict na ma maintain ang chains of businesses namin or kundi man, madagdagan ang koneksyon or ma expand ang negosyo sa pag-aasawa ko na siyang tanging tagapagmana niya. Kaya naisip kong hingin ang tulong ni mama.
LYNDON: Ma, can you do a simple favor for me?
FRANCHESKA: Anything for you son. Well, what is it, your favor?
LYNDON: Please make dad visit Batangas in Cayac Resort, so that he could meet the Gonzales. My friend Andrei Eulysis Cruz planned to have a short vacation with Xairen's family in Batangas today.
FRANCHESKA: Okay then, I'll do my best to convince your father, but I'm not making a promise. Okay.
LYNDON: Yes mom. I'm done. Lumapit sa ina at bumeso. I have to go.
FRANCHESKA: Take Care and Enjoy.
Pagbalik sa nangyayari sa kasalukuyan...
Sa beach, pagkarating ng dalawang van sa may dalampasigan...
YESHA: Tom-tom! Halika dito!
Lumapit ang isang binatilyong may malungkot na mga ngiti sa labi.
THOMAS: Ate Yesha, Zander na lang, wag naman Tom-tom, Kumamot ng ulo. Hindi na ako bata.
YEX: Naku! Ginulo ang buhok ni Zander Thomas/Tom-tom. Binata na nga naman. Wag mo ng pahiyain.
YESHA: Kaya ayoko minsan na magkasama kayo ni Zander e Kuya, nagkakampihan kayo! Madaya!
YEX: Kinawit sa magkabilang braso niya ang mga batok ng dalawa, Naku Zander! Tampururot ang Ate Yesha mo. Hahaha! Tara na nga sa dagat at lumangoy. Para mawala ang lungkot nitong si Tom-tom.
ZANDER: Kuya, Zander nga.
Sa hindi kalayuan, sa may malapit sa cottage, hindi pansin ng tatlo na pinagmamasdan pala sila ni Xairen.
XAIREN: Tignan mo Lyndon, ang saya nila hindi ba? Nakakainggit. Pagka teenager ka talaga, puno ka ng sigla. Hindi tulad pag nagmature kana, marami kanang responsibilidad na proproblemahin.
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
RomansaShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...