Bells are Ringing

84 2 0
                                    


XAIREN'S POV

This is the day that every woman wanted to achieve of being the most beautiful woman among the crowd. To captivate her groom and amaze the crowd of how worth it she could be that's why she's walking on the aisle.

Kung ano-anong pinagkakakaskas ni Calvin, isang bading na make-up artist sa mukha ko. This would be the most unforgetable day of my life. Si Calvin, kung hindi magsasalita at kikilos, aakalain mong lalake. Gwapo, at disente manamit. Hindi tulad ng ibang ka 3rd sex niya na bihis babae.

"Calvin, hindi pa ba tapos?" Sabi ko habang nakapikit.

CALVIN: Atey, Cally na lang ang itawag mo sa akin. Matagal ko ng pinatay si Calvin. Saka atey, konting tiis-ganda na lang nuh. Kundi ako ang chuchugihin ni Mr. Eduardo Chavez at ng groom to be mo.

"Nangangati kasi ako sa pinag-papapahid mo." patawa kong sabi. Kanina pa kasi siya nakukunsumi sa akin.

CALLY: Tey, pag ako nasagad mo ang pasensya, makakatikim ka pano humalik ang bakla. Hahaha! Sige ka. Hindi ako nagbibiro.

"Naku wag naman." napangiwi ako at sabay kaming tumawa.

Makalipas ang ilang sandali...

Natapos din akong ayusan ni Cally mula buhok hanggang make-up. Nagulat ako sa nakita ko sa salamin. Tapos napa-wide smile ako. Halos hindi ako makapaniwala na repleksyon ko ang nasa harap ng salamin. Ang ganda!

CALLY: Sus! Salamat naman ateng at nagustuhan mo ang ayos mo. Pinagpawisan ako sis. Tsk! Maganda ka te, you have that unique indulging beauty. Kaso, halatang hindi ka mahilig mag-make-up. Ngayong magiging Chavez kana, dapat matuto ka kahit basics lang ng pag-apply kahit simpleng make-up. Kailangan yun sis. Chavez kana, lagi kang kasama sa mga okasyon tiyak. Hay! Tara na nga. Baka mahuli kapa kung magchichikahan tayo. Haha!

Tumayo ako at gumawi na kami ni Calvin, este Cally palabas ng pinto.

Pagkalabas namin ay nandoon sina mama, papa at ang kambal kong kapatid na sina Yex at Yesha.

EMIL: Napakaganda mo anak. Masaya ako para sayo.

PRANSES: Basta pag may problema ka, pumunta ka lang ng bahay ha anak?

"Opo mama. Thanks pa." Halos nangingilid na ang mga luha sa mga mata nila. Napakamapalad ko at sila ang naging mga magulang ko.

YEX: Basta ate, gusto ko ng kambal na pamangkin ah?! Haha!

YESHA: Ate, enjoy your day.

"Ikaw talaga Yex, salamat Yesha." pagsagot ko sa kambal.

Ilang saglit pa ay sumakay na kami sa kotse. Nahuli ang sasakyan ko kasama sina mama at papa. Habang nauna na ang van sakay ang kambal at si Cally.

Wala pang bente minuto ay nakarating na kami ng simbahan. Ang ganda. Mula sa bintana ng kotse, nakita ko ang motif ng kasal namin na sky blue at pink. Ang mga bulaklak pati suot ng mga abay at ibang mga bisita yun ang kulay. Actually, two-hundred plus ang mga bisita namin. Piling-pili na nga iyon dahil sa dami ng sakop ng negosyo ng mga Chavez. Naisama naman dun ang ilang mga kamag-anak ko at malalapit na kaibigan at kakilala.

Sumenyas na ang wedding coordinator na bumaba na ko. Isang buwan matapos magpropose si Lyndon sa Amusement Park ay nandito na nga kami. Napakabilis talaga ng panahon.

Pagbaba ko, una kong nakita si Andrei, my soulmate, my dear boy-friend. Ang tanging lalakeng kinaibigan ko. Masaya ako at nabalitaan kong may dinedate na siya. Kaibigan ng girlfriend ngayon ni Winzy. Sunod kong nakita sina Shaniella, Blaze, Winzy at Levy. Nagpapasalamat ako at naging parte sila ng buhay ko. Kinuha ni papa ang kamay ko at sinukbit sa harap ng siko niya at nag-umpisa na niya kong ihatid tungo sa dulo, sa may altar, kung saan naghihintay ang lalakeng makakasama ko habang buhay. Ang sunod kong nakita ay hiniling ko na sana, hindi ko na lang nakita. Ang daming mga elite na babae na kung ang mga death glare nila ay nakakamatay ay tiyak patay na ako, baka double dead pa nga.

Loko talaga tong husband to be ko. Grabe. Ang dami niya atang nadenggoy at pinaasa. I indeed captured the Philippine's Cassanova. Lagot sa akin tong si Lyndon mamaya. Tinalbugan ako sa kalandian.

Pero masaya ako that he will always be coming home with me, at sana grow old with me na nga for good.

Nang marating na namin ni papa ang harap ng altar ay ibinigay niya ang kamay ko kay Lyndon tapos ay nakipagkamay kina Tito Eduardo at Tita Francheska at sinabi ng pabulong kay Lyndon...

EMIL: Take good care of our Princess or else makikita mong muling mabuhay sa pagktao ng matandang ito si Andres Bonifacio.

Gulat man ay nagawa pa rin ngitian ng napaka gwapo kong groom si papa.

At inalalayan niya na ko para tumayo na kami sa harap ng dalawang upuan na nakaharap sa altar.

Nakasuot siya ng amerikana at napaka gwapo niya. Para talaga siyang prince charming sa mga fairytales at kahit ata basahan ang isuot niya e gwapo pa rin siya.

Saglit pa ay may binulong siya sa akin..

LYNDON: You look so stunning. I can't wait for tonight. (Evil smile.)

Saglit ay nagloading pa sa utak ko kung anong ibig sabihin niya dun sa tonight, at agad kong hinampas ang balikat niya ng magets ko yun.

LYNDON'S POV

She really is so beautiful, inside and out. Ang fitted sleeveless niyang gown na pa V ang likod at ang harap ay may knitted na tela sa bandang dibdib ay bumagay sa korte ng katawan niya, idagdag pa na hapit ang wedding dress niya sa makurba niyang katawan. My woman don't even realize how sexy she is. She had the curves at their proper places. I can't wait to make her mine. To attach my surname to hers and be my Mrs. Chavez. Thanks to you God for giving me such a priceless gift. And I promise to cherish her for all of my life.

XAIREN'S POV

Hindi ko namalayan ang oras at napakabilis ng mga pangyayari. Saglit pa ay narinig ko na ang paring sabihin ang  "You May Now Kiss the Bride."

Unti-unti ay itinaas ni Lyndon ang tela na tumatakip sa mukha ko.

Ilang sandali pa ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong matamis na sinisimsim ang mainit na halik ni Lyndon.

I've found him, I found my forever. And in my deepest thoughts, this is not just an ordinary story. For I found my prince in the midst of EDSA. Sa matrapik na lugar ko natagpuan ang aking prince charming. My everything. And this is just the start of a lifetime promise. Mula sa boring kong buhay sa apat na sulok ng kwarto ko, nagpapasalamat akong literal niyang binunggo ang simpleng viaje ko at pinakita sa akin kung gaano kasaya ang mundo sa labas ng comfort zone ko. Everything went well. And I'm happy with my ever after...

THE END na ba?
Sus di pa syempre.
May EPILOGUE pa. :-)
Thanks for Reading until this part!

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon