Your World is MINE

219 9 0
                                    


PICTURE PO NI XAIREN YUNG NASA ITAAS.

THIRD PERSON'S POV

Matapos ng abot langit na inis ni Xairen galing trabaho dahil sa buena manong pang-iinis ng tagapagmana ng mga CHAVEZ sa kanya, eto siya at umuwing hindi maipinta ang mukha. Alam niyang para itong domino, sunod-sunod maghapon ang kabwisitan na nangyari.

Pagbukas na pagbukas niya ng pinto, hindi niya malaman kung matutuwa o maiinis ba siya sa kanyang nakikita. Matutuwa dahil umuwi na ang pamilya niya galing Hong Kong Disneyland at hindi na siya mag-isang mukhang ewan sa bahay o maiinis ba siya dahil sa mga sitwasyong ganito, tiyak na aasarin siya ng pamilya, laluna ang kanyang mama na tumi-teenager lang ang PEG.

Lumangitngit ang pinto matapos niya itong bukasan. Napalingon ang tatay niyang kasama ang kambal na nanunuod ng telebisyon at ang mama niyang naka Apron pa na naghahapag ng hapunan. (Sa tuwing malapit na ang oras ng kanyang pag-uwi, talagang inaalis ng papa niya ang lock ng pinto nila.)

Kumunot ang noo ng buong pamilya niya. At take note. Sabay na sabay. Parang ANIME lang, O.A. ang bakas ng emosyon. Napa-ikot niya ng di oras ang kanyang mata na parang bang nagsasaad ng salitang "Eto na yun, hay naku."

Pranses Gonzales: OMG! (Yan ang napupulot na words ng mama niya kakakausap kay Rynx bestfriend.) Lumapit ang mama niya. Hinawakan ng dalawang kamay nito ang mukha niya at pinilig pilig pakanan tapos kaliwa, kaliwa tapos kanan. Parang may inuusisa.

Jusko Emil! May bago sa panganay natin! May ibang reaksyon na ang mukha niya. Hindi na blangko! Hindi na poker face (kitam B.I. as in Bad Influence si Rynx talaga sa mama niya.) Isa itong himala! (Nagkapit pa ang palad nito waring nagdarasal, sabay tingin sa ceiling) Eto na yun irog. (BADUY. Yun ang bulong niya sa sarili dahil sa lahat ng pwedeng tawagan, IROG pa talaga.) Normal na ang anak natin Emil! (Pinaikot niya ulit ang mata sa harap ng ina)

XAIREN: Ma, pwede ba, wag ka naman O.A.

PRANSES: Natutuwa ako anak at hindi kana Robot. (Kinamayan pa siya tila nangangandidato. Bakas ang kaseryosohan na masaya talaga ito.) Magkwento ka naman anak. Anung meron? (Tila ginuide pa siya nito para maupo sa sala. At otomatikong umisod at umalis ang kambal at papa niya. Ay magaling! Para siyang nasa hot seat.) Ano anak, magkwento ka naman.

YESHA: Ou nga naman ate. Buhat nung maliit ako. Hindi man lang tayo nakapagkwentuhan. Lagi mo lang kausap yung mga libro mo habang nakakulong ka sa kwarto mo.

YEX: Wag mo na nga pakealaman si ate kung ayaw niya magkwento.

Ganyan ang kambal, magkahawig ang itsura, pero ang ugali, totally opposite. Si Yesha, jolly, energetic, madaldal, maraming kaibigan. Si Yex, seryoso parang siya, tahimik at loner.

Emil: May nobyo ka na ba anak?

Biglang nawala ang pag-iisip niya at pagbulong sa sarili. Para siyang nag ICE BUCKET CHALLENGE sa tanong ng tatay niya. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig.

XAIREN: Pa, pati ba naman ikaw?!

EMIL: Kilala mo ako anak. Kaso nasa edad kana, tila ba dapat, katulad ng mga nakalaro mo dito dati sa Street natin, kung hindi may mga nobyo ay nagsipag-asawa na at may mga anak na.

PRANSES: Anak, hindi naman sa pinag-aasawa ka na namin. Gusto ka lang namin maging normal. Magkaroon ng nobyo. Katulad ng mga kasing-edaran mo.

XAIREN: Ma, normal naman ako.

PRANSES: Oo nga anak, kaso yung Social Life mo, hindi.

Sumuko ako, dahil tama si mama. Nagkwento na ako, dahil hindi rin ako mananalo at tama nga naman si mama.

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon