Little Shocking Secrets

110 6 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Napansin ni Xairen ang pagbabago sa mukha ni Lyndon habang dumistansiya ang nobyo upang pribadong ibalita ni Winzy ang di-umano'y "bad news".

LYNDON'S POV

"Bumalik na dito sa Pinas ang kakambal mo." yun ang mga salitang namutawi sa mga labi ni Winzy, dahilan para manginig at manghina ang mga tuhod ko.

Tama ang nalaman niyo. May kakambal nga ako. Kinonsidera ng pamilya na hindi na siya nabubuhay pa. Inalis siya bilang parte ng pamilya. Tinakwil. Kinalimutan. Kinunsiderang patay na. Masama ba ang trato namin na kanyang sariling pamilya sa kanya? Makasarili siya. Sakim. Mapagmataas. Sinubukan niyang patumbahin ang kumpanya sa pamamagitang ng pagbenta ng impormasyon sa mga kalabang kumpanya. At ang pinaka-matinding ginawa niya na naging dahilan upang mapuno ang pamilya namin sa kanya ay ang kamuntikan niyang pagpatay sa akin at kay daddy. Naging madali ba ang pag-alis niya sa pamilya at ang pagtakwil sa kanya? Hindi. Halos dalawang taong hindi makakain ng maayos si mom. Napakatahimik namin tuwing kumakain ni dad. Hindi katulad nung nandirito siya para magbangayan kami habang kumakain. Yung kwarto niya, gabi-gabing pinupuntahan ni mom. Niyayakap niya ang mga damit ng kambal kong si Levy habang walang tigil na umiiyak. Para siyang namatayan ng anak. Dahil kung meron mang nirespeto ang kambal ko, yun ay si mommy. Ano ba ang dahilan ng lahat ng ito?

Sa opinyon ko, nag-umpisa ito lahat dahil sa tingin niyang pag-kakaiba namin.

Hindi sa pagtataas ng bangko. Magaling siya at matalino. Pero sa halos lahat ng bagay na magaling siya, nagkakataong, mas magaling ako sa kanya. Sa isang bagay lang siya umangat sa akin. Yun ay ang pagiging artistic niya. He knows how to paint. He also have talents in sculpture and free hand drawing idagdag pa ang sketching. But it was neglected by dad. For dad, it was trash, his talent for art. Hindi daw yun magandang investment. Si dad, walang pakealam sa mga bagay na sa pananaw niya, walang tulong sa negosyo. Kaya ako, na nakitaan niya ng talino at galing sa negosyo ang kanyang naging paborito, plus the fact na pati pagpapakasal niya kay mom ay para din sa pag-asenso ng negosyo.

Ang pinaka-nagpalala sa identical twin ko was way back 20 years ago. That was when were still in our primary level of Education, Elementary Days to be exact.Knowing na maka-mama si Levy dahil si mom lang ang tanging kakampi niya at ang tanging tao na sa tingin niyang nakaka-appreciate ng mga achievements niya, napakasakit para sa kanya nung araw ng birthday namin. Sa kabila ng ingay at saya ng aming party, nadiskubre niya ang pagtataksil ni daddy kay mom. Ayon sa kanya, nakita niya si Olivia, secretary ni daddy na 2 years ng employed sa kumpanya namin that time, na gumagawa ng himala sa loob ng opisina ni dad. He saw dad having sex with the home-wrecker. The woman thought she could replace mom and can steal everything from us because of her youthfulness, according to mom, Olivia was only 19 years old that time. But she was only used by dad for pleasure.

Dahil maka-ina si Levy. Pagkamuhi at abot-langit na galit ang nadama niya magmula nung araw na yun. Ang dapat sanang pagtawag niya kay dad para maumpisahan ang blowing of candles namin, ang nag-umpisa ng pagkawasak ng aming pamilya.

"Ydon, pare? Hoy Ydon!"

Ang tawag na iyon ni Winzy ang nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan, matapos sunod-sunod na nag-balik ang mga ala-ala na ninais ko ng limutin at ibaon na lang sa kailaliman ng pusod ng dagat upang hindi ko na maalalang muli.

My twin, my only brother, he turned into an evil freak.

A freak that turns into a monster which is giving me shivers whenever I'm thinking that he's back.

Paglingon ko, nakatingin ang ngumiting si Xairen sa akin.

Lalo akong nangamba. Sigurado ako na pati si Xairen ay hindi sasantuhin ng galit niya.

Kamukhang-kamukha ko siya. We're identical twins, that's why.

I know him well. Pero yung mga makapaminsalang bagay na kaya niyang gawin, yun ang hindi ko kayang sukatin.

All that comes to my mind now is..

I need to protect my parents. And I badly needed to protect the woman that I love. I will protect Xairen even if it takes to offer my own life.

Sa di kalayuan...

LEVY: So I guess, my twin is here. Dito pumunta ang tuta niyang bestfriend. But this place seems to be familiar. This house looks very familiar too. Parang napunta na ko dito. I can't clearly remember but I know that I've been here before. I'm back... I'm back for sure.

Tsk! Tsk! Di na matapos tapos ang mga kaguluhang nangyayari!

Anong kumplikasyon kaya ang idudulot ng twin brother ni Lyndon na si Levy?

ABANGAN!
MissUNDEFINED13

Author's Note:

Hi NAOWS pips! Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para taos-puso kayong pasalamatan. Hindi man tayo may Thousand pa na sumusuporta sa NAOWS, masaya ako honestly that you guys spend your precious time reading and supporting RENDON LOVETEAM in NAOWS. Maikli lang ang buhay ng tao, masaya akong naging parte ang NAOWS ng mga buhay niyo. Salamat in a Million Ways! Mwuah! Mwuah! Tsup! Tsup! Haha! Tama na ang drama.

Ahem! Ahem! May binubuo akong Story. It's like a PART TWO
of NAOWS since it will start 18 years after NAOWS ending. Yung mga leading characters ng NAOWS ay nandito sa story in the making ko. Wishing for your continuous support guys!

Teaser ba? Ito Initials ng Story Title... "WHSB" it's a story that includes the sons and daughters of NAOWS characters.
I'll be publishing it on WATTPAD as soon as matapos ko itong NAOWS or after a few months syempre magpapahinga muna ng kaunti ang butihin niyong author (wide smile). Uumpisahan ko na siya. Malay natin pag sinipag ako. Pag publish ko, COMPLETED na siya di ba? Haha!

Sa mga loyal readers ko na binabasa ang NAOWS, yung mga walang Chapter na pinalampas kahit isa. Message niyo mga U.N. niyo or names at if you want, pati locations niyo kahit Province lang, para mabati ko naman kayo sa mga incoming CHAPTERS ng NAOWS as a Thank You Gift. Love ya all!

Mwuahugzs!
MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon