Decision

97 6 4
                                    


XAIREN'S POV

Yung unang makakahanap sa akin, yun ang pipiliin ko. Itetext ko silang dalawa, magkukunwari akong nawawala. At yung maunang makahanap sa akin, yun ang pipiliin ko.

Yun na ang desisyon ko.

Umalis ako para magpaalam kay mama. Naikwento ko na rin ang plano ko sa kanya. Para atleast, hindi mangarag ang pamilya ko, incase ibalita nina Andrei at Lyndon na NAWAWALA kuno ako.

Saan ako pupunta?

Edi dito sa park near the man-made lake na parte ng tinatawag na THE BILLIONAIRES SUBDIVISION kung saan nakatira si Shaniella Rynx bestfriend at si Doc Blaze Real.

Pumwesto ako sa isang puno, kung pagbabasehan ang puno mula sa dahon nito, mukhang atis. Sayang walang bunga. Haha!

Medyo nag-relax muna ako, bago ako magpa-stress.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Iniisip ko kung anung gagawin ko sa mabibigo ko. Kung anung magandang gawin sa taong nagmahal na nabigo at hindi napili.

Nagsawa ako sa kakaisip.

Kinuha ko ang phone ko at nagtext ako sa kanilang dalawa. Naisip ko para valid ang excuse ko ganito na lang itext ko:

"Please help me. Nagdidilim ang paningin ko, at hindi ko maalala kung nasaang lugar ako ngayon. Help me please."
Tapos pinindot ko na yung send button.

Naniniwala ako sa destiny. Na kung kayo talaga para sa isa't isa, ano man ang mangyari, gaano man katagal ang panahon na lumipas, kayo at kayo pa din sa huli. Gagawa ang universe ng paraan para magkita kayong muli. At ito ang dahilan bakit ko naisip ang 3rd sign na ito.

Nagulat ako. Nabasa kasi ako. Biglang bumuhos ang ulan. Konti lang kasi yung dahon ng punong ito.

Tiningnan ko yung lake. Kahit man-made lang ito, napakaganda. May mga bibe pa nga na nagtatampisaw at mga swan. Medyo nanginginig ako ngayon. Umihip kasi ng malakas ang hangin. God! Buti na lang, may baon akong... tantananan! Plastic ng yelo! Haha! Aanhin ko ito? Syempre, lalagay ko sa loob yung cp ko. Girlscout ata to nuh. Lagi akong may dala niyan. Mahirap ng mawalan ng cp. Dagdag gastos. Aminadong kuripot pa naman ako. Ahihi!

Biglang umilaw ang screen ng cp ko. May nagtext!

Si Lyndon at Andrei! Nauna lang ng 2 minutes yung text ni Lyndon.

Text ni Lyndon:

"Okay, stay put. I'll be looking for you. Hindi pa naman daw magiging ok ang panahon. May parating na bagyo."

Text ni Andrei

"Are you sure you don't remember the place where you are? Don't worry hahanapin agad kita."

Parang mamamatay na ata ako sa ginaw. My God! Nasaan na sila. To think na alam naman nila na hindi naman ako gala at kakaunti lang ang mga lugar na madalas kong puntahan. Maghihintay ako. Paninindigan ko to.

Sa kabilang banda...

LYNDON: Sh*t! Nasaan na kaya yung babaeng yun? Napuntahan ko na halos lahat ng pwede niyang puntahan.

Sa isang banda...

ANDREI: Where else would she go? I've been through places where she could possibly go. Saan pa kaya siya pwedeng pumunta.

Pagbalik sa lugar kung nasaan si Xairen.

XAIREN: Grabe! Magkakasakit na ata ako. AchuUuU!

Saka niya kinati-kati ang ilong niya.

Habang nakaupo, yakap ang mga legs ko at nakayuko, (naimagine niyo ba?) nagulat ako ng biglang huminto ang pagbuhos ng ulan. Pero nagtaka ako, bakit sa lake umuulan pa din? Nagmasid ako sa kinauupuan ko. Pabilog sa pwesto ko lang hindi pumapatak ang ulan.

Kaya bigla akong napa-tingala.

Napangiti ako sa nakita ko. Siguro dahil gusto ng puso ko na siya talaga ang unang makakita sa akin.

ANDREI'S POV

I wish I could not be late. Sa lahat ng napuntahan ko, naisip ko na baka nasa man-made lake siya na naka-locate sa Subdivision kung saan nakatira ang bestfriend niya. Nandito na ko. Binuksan ko ang payong ko at nagbaon pa ako ng isa pa. Pero habang palapit ako ng palapit, parang gugustuhin ko na lang na lumayo. Nahuli na ako. Nakita na siya ni Lyndon.

LYNDON'S POV

Nandito ako ngayon. Nakampante na ang loob ko. Pinapayungan ko siya. At nung tumingala siya at ngumiti sa akin, halos matunaw ako. At sigurado akong napakalakas ng kabog ng dibdib ko.

Nandito ka lang pala, tignan mo nga. Para kang basang sisiw. Ang putla na ng mga labi mo. Nababad kana sa ulan. Tumayo kana diyan baka magkasakit ka pa. -panenermon ko sa kanya.

XAIREN: Ang tagal mo.

Nagulat ako sa ginawa niya, niyakap niya ako. At hinding-hindi ko makakalimutan ang mga katagang binitiwan niya.

XAIREN: Mahal kita Lyndon. Ikaw ang pinipili ko.

Ano?-pagkabigla ko.

Paki ulit mo naman yung sinabi mo.-pag-susumamo ko. Hindi kasi ako makapaniwala sa narinig ko.

Lumapit siya sa akin. Nilapit ang mukha niya sa mukha ko. At tinusok ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.

XAIREN: Bhelat. Ayoko nga. Kung hindi mo narinig, binabawi ko na.

Madaya. Wala ng bawian.-sabi ko. At pagkatapos nun, para akong namagnet sa paglalapit ng mga mukha namin. Dahan-dahan na parang kusang lumapit ang labi ko sa labi niya. At nangyari ang halik na akala ko, na sa panaginip ko lang naisip na pwedeng mangyari.

ANDREI'S POV

I turned my back, as they were be going to kiss each other. It hurts alot. I guess nakapili na siya. And I guess I already lost againts Lyndon for being Xairen's boyfriend.

Masyado siguro akong naging kampante dahil alam ko noong una na mas matimbang ang relasyon ko kay Xairen bilang kaibigan at si Lyndon na mag-uumpisa lang sa wala. I don't no what to feel except for the pain that's pinching my heart. It felt like loosing her for the second time. My Puchem Ai. My Life. I don't really know where to start and how to move-on.

RENDON LOVETEAM WINS! HOORAY! NAKAPILI NA ANG ATING BIDA SA DALAWANG SUITORS NIYA!

Fafa Andrei, akin ka na lang!

Si Andrei kaya, paano na?

Goodbye na ba sa XAIDREI LoveTeam?

ABANGAN!

Thank You po sa lahat ng sumusuporta sa NAOWS!

MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon