XAIREN'S POV
Konti na lang at mahahalikan na ako ni Prince Charming! (Bulong ko sa sarili ko)
Eto na, ngumunguso na ko..
3...2... MuUuwaA...kriing?! Kriing?!
anung KRING?!
Kriing! Kriing! Kriing!
Napabangon ako sa kama para hanapin yung lintik na maingay na bagay na sumira ng unang halik ko!
Oo! First kiss! At eto nakuha ko na!
Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko ang lintik na cp ko, nambubulahaw at napakaingay...
Ang sabi,
(my kung anung naka appear sa Screen)
Alarm! Alarm! Wake up!
OFF TO WORK!
Ou, tama yang nababasa mo, nagtratrabaho na ako. At oo. Hndi na ako teenager dahil 5yrs. na kong Office Geek. 26 yrs. old na ako. NBSB as in (NO BOYFRIEND SINCE BIRTH)
at take note. VIRGIN. Tahaha! Hindi ko alam kung ipagmamalaki ko ba o ikakahiya ko. Elementary nga ata ngayon, my lovelife na. May bf. Eh ako? Well. Mabalik tayo. Kakadaldal ko. Nakaligo na ko at nakapagbihis na. OTW na ako sa work kong mahal sa Makati.
Ang haba din ng vinaviaje ko. Sbi ng mudra ko, na baka daw dahil sa kadakilaan ko sa trabaho kaya daw wala pa akong bf. Nagmamadali e no? Excited pa si mama kesa sa akin. Tutal traffic, I'll tell something about myself. I'm Xairen Izhaiah Gonzales, 26yrs. Old, graduated college and took up Bachelor of Business Management. Ms. Perfectionist, yan ang A.K.A. ko mula school hanggang magtrabaho, yun daw ako. At.. at..
At biglang nabunggo ang taxi na sinaasakyan ko! Lalo akong male late dahil nga bumangga kami! May kung anung bumangga sa taxing sakay ako! Jusko! Ayokong nalelate!
Lumabas ako! Nakikipagdiskusyon ang taxi driver sa isang naka leather jacket na lalaking naka helmet, sinamahan ng maong pants, at huala! Mukha na siyang Door to Door Delivery Man. Naimagine niyo? At dahil sa inis ko, kinalabit ko sya, dahil nakikipag-usap siya kay Manong Driver.
(Kalabit. Kalabit)
Aba! Tinapon ung kamay ko, tinanggal sa balikat niya?!
(Kalabit. Kalabit)
LALAKE: (Nakatalikod pa rin) Patawad. Patatawarin. Next time na lang.
Anu daw?! Napagkamalan pa kong pulubi.
At dahil male late na ko sa trabaho ko, ay ba! Syempre! Hinarap ko sya! Kamag-anak ata ako ni Gabriela Silang!
Ehem!
Ehem!
(Aba, ayaw humarap?)
HOY! (Hala humarap na, hindi matapang ako.)
Ikaw. (Dinuro-duro ko) Kung hindi ka nagmamadali, pwes! Ako nagmamadali! Kitam (tinuturo ko ang uniporme ko) Ano? Mamemerwisyo kaba?!
Hindi mo naman siguro babayaran ang buong araw na sahod ko?! (SIGAW KO NG BUONG GALIT)
(Hala! Maghuhubad siya ng Helmet! Jusko baka mukhang mamamatay tao to?! Anu ba naman yan?! Bka mamatay ako ng maaga. Bata pa ako! Virgin! Sayang!)
(Unti-unting nahubad ang helmet, at parang nag-slow motion)
Ipin kumpleto, tuwid, maputi
-CHECK!
Mukha, makinis, maputi, hindi oily
-CHECK
Ilong matangos, maliit ang butas.
-CHECK
Labi, manipis, mamula-mula
-CHECK
Mata, chinito, light brown ang pupils
-CHECK
LALAKE: Alam mo Miss, maganda ka sana kaso, hindi mo bagay ang naka NGA-NGA.
(Ha?! Anu daw?! Nakanganga?!)
At dun ko lang napansin naka NGA-NGA nga ako. Lintek.
Bwisit! (Singhal ko sa kanya)
Diyan kana nga!
Pwede ba itabi mo yang motor mo! At nagmamadali ako!
(Lalo pa akong nainis sa nakakaloko niyang ngiti)
BLAG!
Ayun. Sinara ko na ang pinto ng TAXI ng napakalakas, pinaharurot ko kay Manong ang taxi. At nakita ko na lang si Manong Driver na pailing-iling.
Nakakainis. Una, dahil late na ako.
Pangalawa, dahil napahiya ako sa lalakeng presko na yun! At pangatlo, ngumiti pa siyang nakakaloko! Bwisit talaga!
WHAT A LUCKY DAY!
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
Roman d'amourShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...