The "One"

94 5 2
                                    


Kinabukasan...

XAIREN'S POV

May dalawang oras na siguro akong nakaupo dito sa gilid ng kama ko matapos kong magising.

Bakit ko naman ginagawa to?

Wala. Nag-iisip kasi ako kung ano yung Second Sign na hihingin ko.

Bigla kong naalala. Gusto kong maging 1st and last bf yung compatible kami, yung may in common ba. Mahilig ako sa hayop, as in animals, pets. Alam kong si Lyndon may Bruce the Cyberian Husky dog. Si Ei, hindi ko alam kung mahilig din ba sa hayop. That's for me to find out.

Alam ko kababata ko si Ei, pero syempre may mga bagay pa rin na hindi ko alam tungkol sa kanya, laluna, nagkahiwalay kami.

Pagkatapos kong mag-almusal, pinakain ko si Whisky, yung pusa ko tapos ay dali kong tinawagan si Andrei.

"Hello Ei?"-pambungad ko.

ANDREI: Oh Ren, napatawag ka?

"Nainip kasi ako dito sa bahay, pwede bang pumasyal ako diyan sa inyo tutal Sunday naman, wala kang Office?" palusot ko.

ANDREI: Sure. Para hindi rin mainip si Tom-tom. I'll pick you up. Be there after twenty minutes.

"Sige Ei, salamat, bye." pagtatapos ko sa tawag.

Ang totoo niyan, balak kong mag-imbestiga. Magmasid at magtanong sa kapatid ni Ei. Excited na akong dumalaw kina Andrei.

Halos mag-twetwenty minutes na nung dumating si Andrei, as usual maaga sa tinakdang oras. Ganun sya kapropesyunal. Pagkalabas ko ng gate at paglapit ko sa kotse niya, dali niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat. Gentleman di ba? Napangiti na lang ako.

Matapos ang halos 15 minutes, huminto kami ni Ei sa isang napakalaking peach na bakod. Bumusina si Ei. May guwardiya sa taas na animo look-out. Sumenyas ito sa guardhouse sa gilid mismo ng gate at pagtapos ay awtomatikong bumukas ang napakalaking gate.

Pagbukas ng gate. Makikita mo agad ang isang kulay light brown na mansion, may fountain sa gitna. At yung fountain, pamilyar. Kasi may lalake at babaeng magkatalikuran na parehong nakayuko at may hawak na libro. Waring nagbabasa. Sa gitna nila dumadaan yung tubig para sa fountain.

Bakit kamo pamilyar? Kasi naman ganun kami magbonding ni Ei sa ilalim ng punong mangga ni Aling Mila nung mga bata pa kami.

Napapitlag lang ako sa pagsasalita ni Ei.

ANDREI: You remembered something right, Ren? Tama ka sa naisip mo. Nung pinagawa ni dad itong Mansion, nirequest ko sa contractor na maghanap ng magaling na iskultor para mailarawan yung paborito kong bonding time natin nung mga bata pa tayo.

Then he suddenly smiled.

Napakaganda ng ngiti ni Ei. Kung ibang mga babae lang ang nakakita kung paano siya ngumiti ngayon, baka nahimatay na sa kilig.

Sweet siya hindi ba?

Maya-maya, pumalakpak siya ng dalawang beses at biglang bumukas ang pinto. Sa sobrang pagka-amaze ko, napabulalas ako nang ganito..

"Wow! Ang galing!" Napapalakpak din ako ng dalawang beses. Dahilan para sumara ang main door. Haha! Saya dito.

Matapos maalis ang tingin ko sa pinto, napamasid ako sa ganda ng sala. May estatwa sa gitna ng dalawang papusong hagdanan. Parang yung sa mga fairytaile. Tahaha! At yung estatwa, kamukha ni tita Helena.

"Wow, kamukha ni Tita Helena."-yun ang nasabi ko bigla.

ANDREI: Ginawa talaga yan in memory of mama.

"Ah.. kaya pala."-tugon ko.

Ate Ren-ren!

Tinig yun mula sa isang binatilyong biglang yumakap sa akin mula sa kusina ng mansion.

ZANDER THOMAS: Buti naman Ate Ren, ayos kana. Nalungkot ako nung nalaman kong natuluyan kang ma-comatose matapos ang operasyon sayo.

ANDREI: Bakit yakap mo siya? Bitiwan mo nga siya Tom-tom! Binata kana! Wag mong inaakap ang mapapangasawa ng kuya mo!

"Ikaw naman Ei, tama ba namang pagselosan ang kapatid mo na napakabata pa." pamumuna ko.

ANDREI: Ang daya e. Hindi naman kita mayakap ng ganyan kahigpit. Pero siya nayakap kana.

ZANDER: Pabayaan mo yang si kuya Ate, tara magkwentuhan tayo sa sala. Tapos maglaro tayo ng PSP tag-isa tayo, pataasan tayo ng points! O kaya mag movie marathon tayo!

"Oh sige" sabi ko, pagkatapos ay nginitian ko si Zander.

Naupo na kami sa sala ni Zander habang pinagluluto kami ni Andrei ng meryenda. Mag te 10:00 am na kasi.

Habang nanonood kami ng Harry Potter Series, ang daming nakwento ni Zander sa akin tungkol kay Andrei. Mga bagay na hindi ko alam. Tulad ng hindi nito pagkain ng paminta, ang pagkatakot nito sa butiki dahil nung bata ito nadikitan di umano ito ng tuko at mula noon takot na ito sa mga tuko at mga kahawig na hayop nito tulad ng butiki.

Natanong ko na din sa wakas si Zander.

"Ahmm.. Zander, may pet bang alaga si Kuya Ei mo?" -tanong ko.

ZANDER: Oo Ate. Si Yanks. Persian Cat siya. Kulay Gray and black ang nguso. Tapos sky blue ang mata.

"Talaga?! Nasan na si Yanks ngayon?"-tanong ko ulit.

ZANDER: Last month, Yanks passed away. Hindi kasi namin alam na my tumor siya sa tiyan niya. Kuya was so down that he even can't eat. Nung nagkahiwalay kasi kayo nung magmigrate kami sa Amerika, Yanks was my kuya's stress reliever after 3 years of deciding to have a pet. The cat was very close to us. Malambing at matalinong pusa kasi si Yanks ate.

Nalilito na talaga ako. Paano na to. Nakakainis. Bakit pasado silang dalawa sa dalawang naunang signs. Hay nako! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Naku. Malapit na atang sumuko ang leading lady natin ah?! Kelangan sa pangatlong sign, magkatalo na! Tsk! Tsk!

RENDON or
XAIDREI loveteam naba itUuUh?!

ABANGAN!

THANKS 4 READING NAOWS!
Binabati ko nga pala si Camille ng BEED 3-C ng BPSU D.C.!
One of my loyal readers!

Thanks much for the undying support!
MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon