Facing the Twins : Tragedy

70 5 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Tik-tik-tilaok!

Nagising si Xairen sa sunod-sunod na paghuni ng mga manok nina Mang Berting, kapitbahay nilang sabungero.

Ugali na niyang tumanaw pagkagisng sa bintana ng kwarto niya na tanaw sa nasabing bintana ang kalsada sa harap ng bahay nila.

Mukhang antok pa ata siya. Nakikita niya kasi sa sandaling ito si Lyndon na nakasandal sa kotse at parehong nakatingin sa kanya. Nagdodoble siguro ang paningin niya, pagtataka niya, na medyo ipinilig pa ng kaunti ang ulo.

Teka! Aniya. Bakit kung nagdodoble man ang tingin niya, bakit magkaiba ng outfit at porma ang dalawang Lyndon. Yung Lyndon na isa, katulad ng dati, simpleng gupit ang buhok, maporma manamit at medyo makulay. Samantalang yung isa, tingin niya ay naka-wax ang buhok, simple ang porma, black and white lang halos ang kulay ng outfit at may relong suot.

Pinilig niya ang ulo. Umiling-iling. Tinapik at kinurot niya pa ang pisngi. Pero wala e. Ganun pa rin ang nakita niya. Kung kaya kahit naka panjama at manipis na sando lang ay dagli siyang bumaba hanggang sa marating niya ang gate nila at buksan ito.

"WaAAAaAaAhhH!!!!" Sigaw niya.
"Yabs! May lahi kabang GREMLINS at nung mabasa ka ay dumami ka?!"

Nagsalita ang isang Lyndon (Which is ang tunay na Lyndon).

"Yabs, nakalimutan mo na ba? Di ba kwinento ko sayo kahapon yung tungkol sa kakambal kong si Levy?"

"Ay oo nga pala. Haha! Pasensya na. (Napakamot ng ulo.) Hindi kasi ako sanay na may kamukha at kakambal kang pumupunta dito." pagkukumpirma ng dalaga.

"Teka, di ba hinahunting mo pa yung si Levy? Saka di ba cold-war kayo ng kambal mo yabs? Eh bat pareho na kayong maayos at tahimik namang nagpunta dito?" Dagdag at puna niya.

LYNDON'S POV

Tama nga si Xairen, pero ang hindi niya alam, sinubukan kong baguhin ang isip ni Levy. Hinikayat ko siyang iwan ang lahat ng hinanakit niya sa nakaraan at mag-umpisa kami kasama ng pamilya namin ng panibagong buhay.

"Ydon, hindi yun ganun lang kadali. Kay Xairen, kakayanin ko pang makisalamuha, pero kay dad, I'm not quite sure."

Kaya heto kami ngayon sa harapan ng confused pa na si Xairen.

Nagsalita agad si Levy.

LEVY: We decided to not argue about anything for the mean time.

XAIREN: Kaya pala. Pero nalilito talaga ako sino sa inyo si Lyndon. Wait. If nagpanggap ka na si Yabs the past 2days... that means, ikaw yung hinalikan kong twice. OMG! (Napatakip ang bibig ng dalawang kamay.)

THIRD PERSON'S POV

Unti-unting gumuhit ang galit sa mukha ni Lyndon. Nagsalubong ang mga kilay nito at nakuyom ang kamay. Hindi nakapagpigil ang binata at kwinelyuhan ang kakambal.

LYNDON: Just F*CK! Stay away from my girlfriend. How would you kiss your twin brother's gf huh?! It's just bullsh*t! Don't tell me that you like her?

LEVY: What if I do?! Common Ydon, I found her first, remember? And she is not yet married to you.

LYNDON: And what in hell do you mean by that?! (akmang sasapakin na si Levy.)

LEVY: Woh! Woh! Easy bro. Okay. I won't kiss her. But you cannot make me stay away from her. You know what I mean. She's so adorable and a certified boy magnet.

LYNDON: Aba.. talagang!

XAIREN: Pwede ba tigilan niyo na yan! Bahala na nga kayo! Wag kayong papasok dito sa bahay nang hindi kayo nagkakasundo! (dinuro ang kambal.) TAN-DA-AN NIYO... YAN! (At nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay at pinagsaraduhan ang pinto.)

Saglit na narinig ni Xairen na nagsisihan ang kambal sa likod ng pintuan. Naikot niya na lang ang mga mata at napagpasyahang maghilamos at mag-almusal muna.

Maya-maya ay may gumulat sa kanya.

BANG! BANG!

Putok iyon ng baril. Pati ang papa, mama at kambal niya ay kumaripas ng takbo.

Dagli siyang lumabas sa pintuan.

At pagbukas niya... napatakip siya sa bibig at napasigaw ng TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI! AMBULANSYA! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!

Nakahandusay ang duguang katawan ni Lyndon na may tama ng baril sa dibdib at si Levy na akay ang kambal na may tama naman sa kanyang kanang balikat.

SOMEBODY'S POV

Sa wakas! Naumpisahan ko na ang paghihiganti sa mga Chavez. Patikim pa lang yan. That would serve as a warning specially for Francheska Chavez. Uubusin ko ang lahi niyo.

Tignan ko lang ngayon Francheska kung hindi madurog ang puso mo.

Sa tingin ko, buhay pa ang kambal. Pero I swear next time to see holes of bullets in their skulls.

Let's go men. Brando. Nice Job. Here's your talent fee. I'll call you again if I will kill some pest.

(Inabot ang makapal na pera sa nag ngangalang Brando na sa hilatsa ay ang HITMAN na bumaril kina Lyndon at Levy.)

May katapusan ba ang kamalasang nangyayaring ito sa ating mga bida?

At sino kaya ang nagtatangkang ito para sa buhay ng mga Chavez?

ABANGAN!
MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon