Trouble

52 3 0
                                    


ANDREI'S POV

Pagpapahintulot na rin marahil ng pagkakataon, nakita ko si Xairen kasama ang isang lalakeng pamilyar ang mukha. I know I've seen him before. Hindi ko lang alam kung saan. Napansin kong may konting argumento sila at hindi na kumportable si Xairen sa biglang paghawak ng lalake sa braso niya kaya ayoko man makialam, tinawag ko siya at inaya ng umuwi.

Hinatid ko siya hanggang dito sa harap ng bahay nila. Pagbaba ko, tinignan lang niya ang kotse ko hanggang sa mawala ito sa paningin niya mula sa kinatatayuan niya. Mahal ko pa rin siya, pero nasasaktan ako dahil alam kong abot-abot ang sakit na nararamdaman niya sa kalagayan ni Lyndon. Kung tutuusin, dapat pa nga akong matuwa sa nangyari, pero hindi ako makasarili katulad ng iba.

Nang malapit na ako sa bahay, dun ko lang naalala, yung lalakeng kasama ni Xairen sa Resto, yun din yung lalakeng nakita kong laging nakamasid sa amin nung nagbeach kami sa Batangas bago mabaril si Xairen. Siya din yung lalakeng lagi kong nakikitang nakatambay sa tindahan sa harap nina Puchem at nakamasid sa tuwing pupunta ako kina Xairen para bumisita. Hindi pwedeng nagkataon lang na naroon siya sa mga lugar kung nasaan din kami. May kahina-hinala sa lalakeng iyon. Bukas, kailangan kong balaan si Xairen tungkol sa kanya.

XAIREN'S POV

Tinanaw ko si Andrei hanggang sa mawala ang kotse niya sa paningin ko.

Papasok na sana ako sa gate ng biglang may yumakap sa akin at hinarangan ng panyo ang ilong at bibig ko. At daling nagdilim ang lahat.

LEVY'S POV

Papunta ako ngayon sa bahay ng mga

Gonzales. Kailangan ko silang bigyang babala ukol kay Olivia, siguradong pati sila na malapit sa amin ni Lyndon ay idadamay niya dahil desperada na siyang makaganti.

Dumating ako sa bahay nila nang madatnan kong nasa labas sila ng kanilang tahanan at umiiyak si Ginang Pranses at si Yesha. Pagbaba ko ng kotse ko, biglang may nagpark na kotse sa harap ko, at niluwa ng sasakyan ang lalakeng anak ng mga Cruz na kasosyo ng kumpanya ng ama ko. Si Andrei na bakas ang pag-aalala sa mukha. At sa pagkakakita sa tensyong namumuo sa nakikita ko, kaba agad ang naramdaman ko. Agad kong pinuntahan ang tahimik na si Mang Emil.

"Ano pong nangyari? Si Xairen po?" Tanong ko.

EMIL: Nawawala. Tinawagan namin itong si Andrei tinext kasi kami ni Xairen kanina na pauwi na raw siya sakay sa kotse nga ni Andrei, ayon sa kanya, naihatid niya na raw si Xairen mga kalahating oras na raw ang nakaraan dito sa harap ng bahay.

YEX: Nakita na lang namin itong cellphone ni ate diyan sa daan kuya.

PRANSES: Diyos ko. Nasan na kaya si Xairen, Irog? Sinong masamang loob ang gagawa nito?

ANDREI: Kilala ko po. Si Dr. Cristof Villegas. Sinearch ko siya sa internet, kamag-anak niya ang bigating Underworld Queen na si Olivia Russelmore.

"Ano?! Hindi maaari! Kung ganoon, nasa panganib si Xairen?" Bulalas ko.

Maya-maya ay may tumawag sa akin, nang makita ko ang numero, numero iyon ng ospital kung saan nakaconfine si Lyndon, ang St. Lukes, agad ko yung sinagot.

Sa kabilang linya

"Hello, is this Mr. Kitt Levy Chavez?"

"Yes, speaking" sagot ko.

"Urgently needed po kayo ngayon dito sa ospital, nagising na po ang kapatid niyo, si Mr. Klint Lyndon Chavez."

Upon hearing the great news, sinabi ko agad sa mga Gonzales at kay Andrei ang magandang balita. Kailangang malaman din ito ni Mom.

The woman near to our hearts is in great danger. Olivia is a powerful woman. We need to save Xairen as soon as we can before it's too late.

Habang tinatahak ko ang daan papunta ng St. Luke's Hospital sakay ng kotse ko, nag-isip ako ng pwedeng hingan ng tulong. Naisip ko ang uncle ni Winzy at ang uncle ng pinsan kong si Blaze sa side ng mom niya. Tinawagan ko agad silang dalawa, kinumpirma ang tulong nila para mapahinto si Olivia sa maitim niyang mga plano. Matapos ang ilang minutong pag-uusap, tagumpay akong hingin ang tulong ng parehong uncle ng dalawa.

Narating ko ang ospital, dahan-dahan kong    binuksan ang pintuan. Una kong nakita si mom. Nakatalikod siya mula sa pinto at lumingon pagbukas ko nito. Sunod kong napansin si dad. Kahit anung gawin ko, may galit at pagkamuhi pa din akong nararamdaman sa kanya. Kung tutuusin kasalanan niya lahat nang nangyayaring ito. Dahil kung naging faithful lang sana siya kay mom, sana walang Olivia na nanggugulo ngayon sa pamilyang hindi ko alam kung minahal niya.

Nagbigay daan si mom para makita ko ang  kambal ko, nung bata pa kami, Kuya ang tawag ko sa kanya hanggang sa itakwil at ipatapon ako sa Europa ni dad. Mula noon, tinawag ko na lang siyang Lyndon. Naka hospital clothes siya. At sa di malamang pakiramdam, nawala lahat ng galit at selos ko sa kanya ng ngumiti siya at sumaludo sa akin. Ugali niya ng sumaludo sa akin nung bata pa kami, pagpapakita iyon ng pagiging proud niya sa isang bagay na nagawa ko ng matagumpay.

XAIREN'S POV

Nagising akong medyo masakit ang ulo. Nagulat ako ng wala akong makita kundi kadiliman. Pinilig-pilig ko ang ulo ko, ramdam kong nakapiring ang mga mata ko, at ang mga kamay at paa ko ay nakatali habang nakaupo ako. Sinubukan kong sumigaw pero nakatakip din ng tela ang mga bibig ko. Diyos ko! Tulungan niyo po ako. Yun na lang ang nasabi ko, dahil ramdam kong I'm in great danger.

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon