XAIREN'S POVNandito ako ngayon sa sala ng aming bahay matapos akong maihatid ni Andrei pagkagaling naming Baguio.
Kakwentuhan ko ang buong pamilya, sina mama, papa at ang kambal. Nagulat din sila ng ibalita ko ang nasaksihan ko at nalaman ng magpunta kami ng Baguio kanina.
Lungkot. Yun ang mababanaag sa pamilya ko matapos marinig ang kwento ko, lalo na kina mama at papa, naging close kasi sila sa mga magulang ni Andrei, kina tita Helena at tito Alfredo.PRANSES: Napakahirap naman pala ng dinanas ni Helena. Tiyak napakalungkot ng pamilya niya sa paglisan niya.
EMIL: Ganoon talaga ang buhay. Parang magnanakaw ang kamatayan. Hindi mo alam kung kelan at saan ka mawawalan, at kung sino ang magpapaalam, hindi ba't nasa 45 o 46 lang si Helena? Magkakasing edaran lang tayo di ba Irog?
PRANSES: Siya nga.
YEX: Tiyak napakalungkot ni Tom-tom, diba ate matanda ako ng tatlong taon sa kanya? Kung 16 na ako, mga 13 na siya ngayon. Kaya 10 years old lang siya nung mawala si tita Helena.
YESHA: Ate, sabihin mo kay kuya Andrei na ipasyal naman dito si Tom-tom.
Sige, sasabihin ko kay Ei.-sagot ko.
Matapos ang nakakalungkot na usapan, naisipan namin na kumain na ng hapunan. Matapos ng matahimik na hapunan, napagdesisyon kaming lahat na magpahinga na.
Kinabukasan...
Si Andrei at Lyndon ang bumungad sa akin. Pagbaba ko ng hagdan galing sa kwarto ko, nakita ko sila, nanonood ng t.v. habang umiinom ng juice na tiyak gawa ni mama.
Hindi nila ako pansin dahil nasa likod ng sofa ng sala ang hagdan.
Nalilito ako sino ang pipiliin ko sa dalawa.
Dati, matimbang si Andrei, tapos nung makilala ko si Lyndon ng lubusan, nadiskubre kong hindi naman pala siya mayabang tulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Halos pantay na sila dito sa puso ko. Parehong matimbang. Pero hindi ko alam kung sino ang mas nakahihigit o nakalalamang.
Panandalian ko silang pinagmasdan, at napansin ko din na kung wala ako sa paligid nilang dalawa, ako siguro ang nagiging dahilan ng pag-babanggaan nila.
AHEM!!-pang-gugulat ko.
Lumingon si Ei at nginitian ako, habang si Lyndon napabulaslas ng "Kabayong Bakla!" dala marahil ng gulat niya. Dahilan para matawa ako.
"Kanina pa ba kayo?"-tanong ko.
"Mga 30 minutes na siguro sleeping beauty."-ani Lyndon.
"Mga ganun ngang oras"-dagdag ni Andrei.
"Anung sadya niyo, bakit kayo nandito?-tanong ko ulit.
"Aayain sana kita magdate, kaso itong si Lyndon, yun din pala ang sadya."-pag-uumpisa ni Andrei.
"Kaya napagpasyahan namin na pumunta na lang tayong lahat sa isang beach sa Batangas."-pagbubunyag ni Lyndon.
"Tara, mag-almusal muna tayo, wala naman na akong magagawa kung napagdesisyunan niyo na yun. Kain muna tayo bago tayo umalis, dahil sigurado naman akong nakapagpaalam na kayo kina mama at papa."-sagot ko.
"Actually, pati sila at ang kambal kasama. Pati si Tom, Shan, at Blaze, pati nga pala si Winzy."-singit ni Andrei.
"Ikaw Xairen ah! Hindi ka pala nagmumumog at naghihilamos bago ka mag-almusal. Hahahaha!"-pang-aasar ni Lyndon.
"Excuse me SIR, bago po ako bumaba naglinis na ako ng katawan no! Yung kadugyutan mo, wag mong ipapasa sa iba. Okey?!"-pagtatanggol ko.
"Haha! Pikon naman agad ang prinsesa ng buhay ko."-depensa ng kumag.
Tawanan lang kami ng tawanan. Pati si Andrei inaalaska ni Lyndon at nagbabarahan naman sila.
Laking gulat ko ng nagsipagbaba galing 2nd floor ang pamilya ko. Mga naka summer outfit. Si Yesha naka One Piece Swimsuit na pinatungan ng mini-short. Si Yex, nakasandong fitted tapos naka trunks. Habang si papa Floral ang peg. Polong floral with white sando panloob, at floral shorts at nakahawak sa magkabilang kili-kili ng dalawang salbabida. Si mama naka loose na daster. Floral din. Yung kita yung likod at V-Shape ang harap. Hawak-hawak ni mama ang mga bagahe. Pati ang bag ko. Hindi naman sila ready eh no? Haha! Sabay nagduet ang dalawang makulit sa tabi ko.
"Ano Xairen, let's go?"
Ngayon ko lang pansin na pati sila naka summer outfit din. At sa labas, tanaw ang dalawang van na puti at gray. Isang kina Lyndon, at yung gray kina Andrei.
Tanaw kong kumakaway ang sobrang sayang BFF kong si Shaniella dahil kasama niya si Doc Blaze. Si Winzy kausap ang isang binatilyo na sapalagay ko'y si Tom-tom.
Hindi ko alam kung anung kahihinatnan ng panliligaw ng dalawang ito sa akin. Pareho silang determinado. Pero ang nagpapahirap at dagdag pasakit sa akin ay yung, kapag may pinpili na ako, may isang tiyak na masasaktan, at ayoko sanang mangyari yun.
Litong-lito ako. Corny man. Pero sa sitwasyon ko ngayon, parang gusto kong kantahin ang
"Sana dalawa ang puso ko."
Hays! Confused din ako kung ako yung nasa kalagayan mo Xairen.
Anu kayang mangyayari sa Summer Outing nila? May magkadevelopan na kaya?
ABANGAN...
Thanks for reading!
Kindly keep it up!MissUNDEFINED13
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
RomantizmShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...