The Signs

110 5 0
                                    

XAIREN'S POV

After almost 2 months I'm almost recovering from the accident/crime that had happened to me.

Yun din yung time na hiningi ko kay Lyndon at Andrei para bigyan ako ng space. Today will end up the 2 months that I've requested.

I don't know. But I'm really hoping that they would visit me before this day ends. Paano ako pipili sa kanilang dalawa?

Magbibigay ako ng three signs.

Bakit three? Birthday ko kasi 3 ang date.

The First Sign- He needs to show up today giving me something to eat.

Bakit something to EAT? Simple lang. Matakaw kasi ako. Kaya kung talagang kilala mo ko, alam mong mas matutuwa ako sa pagdadala sa akin ng pagkain kesa sa bulaklak. Malalanta lang yun. At higit sa lahat, hindi nakakain. Hindi nakakabusog. Hahaha!

After lunch, tinawag ako ni mama bumaba. I guess may nagpunta ng isa sa kanila para dalawin ako. Anu kayang dala niya...?

Excited kana rin ba?

Sabi ni Author may loveteam daw eh.
RENDON
XAIDREI

Hmm.. alin kaya sa dalawa ang may happy ending.?

Nakababa na ako ng hagdan.

Likod pa lang, kilala ko na.

Si Andrei.

"Ei, anu yang nasa paper bag?"-excited kong tanong habang lumalapit sa kanya habang nakaupo siya sa sofa.

ANDREI: Kwek-kwek, isaw, betamax, adidas at one day old. Haha! Hinanap ko pa si Mang Kulas na suki  mo. Di ba yan paborito mo dahil masarap kamo ang sawsawan?

"Wow talaga! Namiss ko to! Lalantakan ko na Ei, wag kana mang-hingi, alam mo namang kulang pa to sa akin. Wahaha!"-pagtatakam kong saad.

ANDREI: Sige lang. Enjoy. (NGUMITI)

ANDREI'S POV

Knowing Ren-ren, alam kong ito ang gugustuhin niyang kainin.

Ito yung isang dahilan bakit napamahal siya sa akin. Wala siyang pretentions, walang ginagawa para magpa-impress.

Ang sayang makita na okay na okay na siya.

gArRrRrpP!

Ayun. Dumighay pa. Pano dinalhan ko ng dalawang bote ng Coke Mismo. Baka kasi mabulunan. (Smile.)

She turns out to be cute specially when I know that it was natural of  her.

XAIREN: Thanks Ei. 1 point for you.

"Anong One Point?"-pagtatakang tanong ko.

XAIREN: Ah wala. Wag mong intindihin yun. Natuwa lang ako sa dala mo. SARAP!

"Happy to hear that."-mabilis na sagot ko.

Tumambay muna ako dito kina Xairen. Buong umaga din akong lugmok sa paperworks at meetings sa office.

Pinatay lang namin ni Xairen ang oras sa pagkwekwentuhan ng mga nangyari sa akin sa loob ng dalawang buwan na lumipas.

Medyo may napansin ako sa kanya. Para siyang di mapakali. Panay tingin sa wall clock tapos sa labas.

Parang may hinihintay...

Hindi kaya hinihintay niya si Lyndon? Alam ko nasa Singapore siya para sa isang importanteng meeting with the Singaporean Investors para sa kumpanya nila.

Medyo nalungkot ako sa ideyang yun. Medyo pagabi na. Kaya nagdesisyon na akong magpaalam.

"Ren, mauna na ko ha.. pagabi na kasi at may mga kailangan pa kong pirmahang papeles. Badly needed na kasi yun para bukas. You must take some rest. (Niyakap ko siya at bumulong ng ganito..) I missed you Puchem."

XAIREN'S POV

Almost 9pm na. May lungkot akong nararamdaman sa hindi pagdating ni Lyndon. Akmang papatayin ko na ang ilaw sa labas, ng may tunog ng motor akong narinig.

May lalaking nakahelmet akong nakita sa harap ng bahay namin. At hinding-hindi ko makakalimutan ang helmet na yun, dahil yun ang suot niya nung araw na magkakilala kami.

Pumasok siya sa gate. Dahan-dahang inalis ang helmet niya sa pagkakasuot, pagkatapos ay bumungad ang napakagwapong mukha na nakatingin sa akin. May hawak siyang paper bag. At pagkatapos ay nagsalita.

LYNDON: Here's your favorite dessert. Maja Blanca. With your favorite cooler shake. Zagu. The biggest size na ang inorder ko. I know your a bit skinny. Pero yung diet mo, pang construction worker.

Hahaha!

Pagkatapos akong pagtawanan, dali niya akong niyakap ng mahigpit.

LYNDON: I've missed you to death. Huwag kanang gagawa ng dahilan para mag-alala ako ng sobra sayo. Next time dapat doble ang pag-iingat mo. Laluna pag wala ako sa tabi mo.

Nakakatouch.

Hindi ko alam pero I hugged him back. Sa tingin ko namiss ko din siya.  I was so sad and down nung naisip kong hindi siya magpapakita.

Natanong ko tuloy ang sarili ko, would I feel the same way, kung si Andrei ang muntik ng hindi makapunta? Hindi ko alam ang eksaktong sagot. Pero i maybe sad and down.

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang makakakumpleto ng tatlong signs. Pero desidido akong tuparin na piliin yung taong makakatupad ng signs.

Natapos ang pagdalaw ni Lyndon sa paghikab ko matapos kong maubos ang pasalubong niya na talaga namang paborito ko. Nagpaalam na siya para makapagpahinga na raw ako. Excited na ako sa mga araw na darating.

Sino kaya ang magtagumpay sa dalawang suitors natin para kumpletuhin ang tatlong signs?


ABANGAN!
MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon