The RIVALS

172 7 1
                                    

YAN PO SI ANREI EULYSIS.. (*¯︶¯*)

...ang gwapo po neh?

(Haha! Si author may lihim na pagnanasa.) XD

LYNDON'S POV

Akala ko, masosorpresa ko na ang supladang babaeng parang ginayuma ako ng walang hirap, matapos ko siyang maunahan umuwi sa kanila. Pero heto ako ngayon, nakikipagtitigan sa lalakeng hawak ni Xairen ang pulso. Ako pala ang masosorpresa. Nakakainis. Naiinis ako ng wala akong dapat ikainis dahil hindi ko naman siya girlfriend. Pero aminado ako. Nagseselos ako.

EMIL: Aba! (Napatayo.) Andrei, ikaw na ba yan?! Irog, hala! Siya nga! Si Ei nga! Hindi ako pwedeng magkamali!

Pasok na anak, halika dito.

PRANSES: Naku! Hala. Dati walang naliligaw na manliligaw dito sa bahay, ngayon, dala-dalawa na. Naku Emil, natupad na ang mga dasal natin. Pasok, Ei. Halika anak, maupo kana.

Anu daw anak? Ano yun? Talo na ako? Sino ba kasi itong Andrei bwisit na to? Mukhang sagabal pa sa mga plano ko.

Tapos, biglang parang nabasa ni Daddy Emil ang isip ko. Haha! Syempre, daddy ang tawag, dahil kami talaga ni Ren-ren ang magkakasama habang buhay. Bwahahaha!

EMIL: Siya nga pala Lyndon, si Andrei o Ei, ang kababata ni Xairen, pasensya kana sa kagiliwan namin sa kanya, ngayon lang kasi kami nagkita nitong bata na to matapos ang halos labing anim na taon.

YEX: Naku ate. Sino na ang pipiliin mo? Kay kuya Andrei syempre ako.

YESHA: Che! Kay kuya Lyndon naman ako. Napaka bias mo. Unfair ka talaga.

PRANSES: Mga anak, Emil, tulong naman dito. Dito na sila magdidinner.

At sumunod na nga yung iba pang parte ng pamilya. Naiwan kami dito ng bwisit na si Andrei. Syempre kinausap ko.

LYNDON: Alam ko pareho tayo ng sadya at balak. Pero ito ang sasabihin ko sayo. Akin lang si Xairen.

ANDREI: Well see... if you look at it Mr. Chavez, your a bit late. Haven't you heard from tito Emil that I'm Ren-ren's childhood friend? So lamang na ko.

LYNDON: Aba! Talagang! (Kwinelyuhan at akmang susuntukin nang...)

XAIREN: Lyndon?! Anung ginagawa mo? Kwinekwelyuhan mo ba si Ei?!

LYNDON: Naku hindi ah?! Friends na nga kami, (inakbayan si Andrei) Linilinis ko lang ang kwelyo niya. Ang dumi e. Alam mo naman ako. O.C. ayoko ng marumi. (Kunwari'y pinagpag-pagpag ang kwelyo ni Andrei habang nakatalikod kay Xairen tapos nag-i-is smirk kay Andrei na nakaharap naman kay Xairen na nakangiti na lang para ipakita sa dalaga na okey lang ang lahat, na okey lang sila ni Lyndon.)

Sa dinner slash interview...

PRANSES: So, ibig mong sabihin iho, na ang pamilya niyo ang may-ari ng bigating negosyo dito sa Pilipinas, at may mga iba pa kayong mga negosyo sa buong mundo? At ang kumpanya nitong si Ren-ren ay partial-ling pagmamay-ari niyo rin?

LYNDON: Exactly po! (With confidence) At hindi lang po iyon, ako na din po ang bagong boss ni Xairen sa opisina at secretary ko na po siya mula kahapon.

YEX: Totoo ba yun Ate?

XAIREN: Oo.  (Sa kasamaang palad. Haist! Bakit ba kasi nandito itong bwisit na YABMA na to?!) Bakit ka nga ba nandito Sir?

EMIL: Naku anak! Buti at pinaalala mo.

XAIREN: Pinaalala ang alin pa?

EMIL: Na nagpaalam na sa amin itong si Lyndon na aakyat siya ng ligaw sa iyo.

XAIREN at ANDREI: (Sabay) ANO PO?!

PRANSES: Jusko, mga nabingi ba kayong mga bata kayo? MAN-LI-LI-GAW. MANLILIGAW. COURT.

ANDREI: Ako din po sana.

XAIREN: Anung ikaw din?

Tumingin muna si Andrei kay Xairen tapos ay kina Pranses at Emil.

ANDREI: Manliligaw po sana ako. Matagal na po akong may pagtingin kay Ren-ren, simula po nung mga bata pa kami.

YEX: (biglang sumingit sa usapan) Sabi na sayo te! Kitam. Hindi ako mamalisya! Tama ako. Crush ka nga ni Kuya Andrei dati at hanggang ngayon. Haha!

XAIREN: Yex?! (Tinignan masama ang kapatid, hudyat na wag na itong magsalita pa.)

ANDREI: Balak ko pong magtapat kay Ren-ren dati, yun nga lang, napansin ko po na ilag siya sa mga lalake, kaya naduwag po ako, kasi baka ireject niya po ako at masira ang pagkakaibigan namin. Kaso nung handa na po akong harapin ang lahat ng pwedeng mangyari, bigla naman po naming kinailangang lumipat ng bahay dahil narin po sa trabaho ni papa. Dahilan po para lumipat kami sa ibang bansa kung saan po nadestino sina papa at tito Noi.

EMIL: Pano ba yan, bahala niyo ng kumbinsihin itong si Xairen. Basta kami ng Tita Pranses niyo, wag lang masasaktan itong si Ren-ren, ay okey naman sa amin. At kung sino man piliin niya, kung doon siya sasaya, wala kaming tutol.

LYNDON: Sa akin po Sir, sincere po ang panliligaw ko sa anak niyo. Wala pong halong bola at kalokohan.

XAIREN: Hay naku. Buting hindi na ako lumabas ng maaga kanina para magtrabaho. Ano ba to?! Bahala na nga kayo dyan. Sumasakit ang ulo ko! Ei, umuwi kana. Itulog mo na lang yan. (Dali-daling umakyat sa hagdan, iniwan ang dalawang manliligaw.)

PRANSES: Naku! Papasensyahan niyo na at ngayon lang nagkaroon ng manliligaw tapos dala-dalawa pa. Na pressure siguro. Teka, aakyat lang ako at kakausapin ko. Irog, ikaw na bahala sa kanila ha..

EMIL: Sige irog, ako na bahala dito sa mga loverboys. Haha!

PRANSES: Emil, wag mong tatakutin ha, pagkakataon na nating magkapag-asang magka-apo.

EMIL: Oo naman irog.

Nagkaroon kami ng maliit na diskusyon together with Tito Emil, para kaming naka training nitong si Ei Bi Si. Hahaha! Diniscuss ni Tito ang mga Do's and Don'ts sa panliligaw namin kay Xairen.

Hindi ko matanggap na may karibal ako sa pagbihag ng puso ni Xairen. Noong wala pang Andrei, hirap na akong mahulog siya sa akin. Ngayon pa kayang dalawa na kami.

Hindi ako papayag na hindi mapasa akin si Xairen. I must do something. Nakauwi ako sa mansyon, nahiga sa kama ko na nag-iisip ng paraan para ako ang piliin ni Xairen. Ako lang dapat.

Sa kabilang banda...

ANDREI'S POV

EGO. Yun lang ang sa tingin ko sa nararamdaman ni CHAVEZ para kay Ren-ren, at hindi ako papayag na sa ganoong lalake lang siya mapupunta. Nakakainis. Kung kelan handa na ang puso at estado ko, saka naman nakigulo itong si Lyndon. At balitang-balita na babaero siya. Hindi ako papayag na masaktan niya si Xairen. Hindi ako papayag na magkaroon ng pagkakataong magkalapit sila. I must do something. No. I WILL DO ANYTHING AND EVERYTHING TO MAKE HER LOVE ME.


ITO NA YUN!
O ha! Haba ng hair ni Xairen neh?! Dala-dalawang gwapo at mayayamang manliligaw.

Kaya shocked pa si Xairen.
Haha!

Ano kayang binabalak ng magkaribal?

Sino kaya ang magtagumpay?
o may magtagumpay naman kaya?

Ano man yang mga tumatakbo sa isip nina Lyndon at Andrei para sa puso ni XAIREN...

ABANGAN...

Thanks much!
Happy! Done with chapter 13.

Thanks for reading NAOWS till this chapter. Hope you liked it.

d'ONE'n'ONLY,
MissUndefined13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon