Realizations

53 3 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Sa puntong ito na nakagapos silang magkapatid, nabatid at nakumpirma ni Levy na nawala na lahat ng galit sa puso niya. Kaba at takot ang namamayani sa pagkatao niya dahil sa natatakot siyang mawalan siya ulit ng pagkakataong makasama ang pamilya, laluna ngayong ramdam niyang kaya na niyang patawarin ang ama sa mga pagkakamali at pagkukulang nito sa kanilang pamilya.

Naka blind-fold ang kambal at puno ng pasa at dugo dulot ng matinding pagkakabugbog. Umayon kasi ang magkapatid sa alok na deal ni Olivia na kung mapatumba nilang kambal ang mga bodyguards, ipapakita at ibibigay nito si Xairen at hahayaan silang makaalis ng buhay sa abandonadong bahay na kinalalagyan nila ngayon. Sa kasamaang palad, sa laki ng mga katawan at dami ng mga tauhan ni Olivia, natalo at napuruhan lang sila.

At heto sila ngayon, naka indian seat, magkatalikuran, nakagapos at naka-blind-fold. Ang masama, ni wala pa silang senyales na buhay pa si Xairen.

Nilapitan sila ng tinakasan na ng bait ni Olivia.

OLIVIA: Come to think of it. Napakatalino ninyong magkapatid sa Business World, Lyndon here manages the Company. While Levy independently holds shares among the finest Company in Europe and in South East Asia. Pero nang dahil sa isang babae, nabobo kayo! Hahaha! Hindi niyo man lang naisip na bitag ito, kumbaga sa pangingisda, pain. Sabagay, mga anak nga kayo ni Eduardo! Babae ang kahinaan niyo. Mga bobo! Inutil!

Gardo, ang cellphone ko?!

Inabot ng isang matangkad at malaking katawan na lalaki ang cellphone ni Olivia.
Nagdial saglit si Olivia, sandaling dinikit ang cp sa tenga niya at maya-maya ay nagsalita na...

OLIVIA: Eduardo, missed me? Haha!

Sa kabilang linya...

EDUARDO: Curse you Olivia! What do you want?!

OLIVIA: How rude of you dear. Don't you know that your twins are with me, and they are almost lifeless of what I've done to them. Do you want me to end their suffering? Hahaha!

EDUARDO: Parang-awa mo na Olivia, wag ang mga anak ko...

OLIVIA: Well... look at that. Am I hearing it right? The mighty Eduardo is begging? Hahaha! I'm loving this.

EDUARDO: Anything you want. Just spare them. Please.

OLIVIA: There, there.. fine. I'll be leaving them alive for awhile. Just be here within 4 hours. Don't keep me waiting or else, you'd better buy two coffins. Ta! Ta! Bye!

At naputol ang linya..

OLIVIA: Ang hunghang na tatay niyo ay pupunta dito, inaakalang makikipag-areglo ako. Hindi alam ng g*go na papatayin ko kayong lahat, mas maganda kung isasama niya si Francheska sa kanya para sabay-sabay na kayong mamatay. Hahaha!

LYNDON: Wala kana talaga sa tamang pag-iisip!

LEVY: I pity you woman. You're hopless. You wouldn't be happy for the rest of your life. Sick old whore!

OLIVIA: Tanggalan ng kuko ang kambal na yan! Isa-isa!

Akmang susunod na sa utos ni Olivia ang mga tauhan nito nang sunod-sunod ang pagputok ng mga baril. Humiga agad ang kambal para maiwasan ang mga bala, hindi sila makadapa dahil sa pagkakatali ng talikuran. Isa-isang tumumba ang mga tauhan ni Olivia sa mga umuulang patama ng baril, at siya man ay nadaplisan sa may tiyan. Hawak ang isang kalibre korenta isingkong baril, sumilip siya sa may butas ng pader. Nanlaki ang mga mata ni Olivia ng makitang napakaraming pulis at militar ang nasa labas. Napapalibutan sila!

Ngumingising nagsalita si Levy...

LEVY: Anong akala mo? Pumunta kami dito ng walang plano?

Bago pa magpunta sa address na ibinigay ni Olivia, tumawag na ang kambal kay Winzy at Andrei para makahingi ng back-up. (Matatandaang sa nakaraang Kabanata na "Payback Time" na may General na tito si Winzy Allado.)

OLIVIA: Mga stupido! Hindi niyo ko mapapatay! Uunahin ko munang patayin ang babaeng nais niyong iligtas kung mamamatay lang din ako!

Narinig ng kambal na lumayo sa kanila ang mga yabag ni Olivia. Ilang sandali pa ay nagsimula nanaman ang walang humpay na putukan.

Liwanag. Yun ang naaninag ni Lyndon habang unti-unting minumulat ang mata. Napansin niyang nasa stretcher siya, nakahiga, puro benda ang katawan sakay ng isang Army vechicle.

Ano kaya ang nangyari kina Olivia at Cristof?
Buhay pa kaya si Xairen at si Levy?

ABANGAN...

THANKS for Reading NAOWS until this Chapter! Malapit na po itong matapos! Sana suportahan niyo till the END :-)

-MissUNDEFINED13

Not an Ordinary Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon