Xairen's POV
Bakit feeling ko, minamando ng Chavez na yun ang mga pagkikita namin?! (Bakit niya naman gagawin yun, sino ka naman sa buhay niya? Bulong ng isang maliit na tinig sa kanyang isip.) Kung sabagay, mukha naman siyang may mga pinagkakaabalahan at walang time para sa kung anumang bagay.
Ngunit tila pamilyar ang mukha ng lalaking tumulong sa kanya nung binunggo siya nung Venice, parang nagkakilala na sila dati. Ngunit yun ay hindi niya masabi.
Hay nku! Bahala na nga. Nakakapagod ang okasyon ng mayayaman. Makatulog na nga lang. Maaga-aga pa ko bukas sa trabaho.
Kinabukasan...
Hay naku! Kainis talaga!
Halos isang oras na ko dito ah?! Buti na lang at maaga akong nag-abang?! Jusme. Anu ba to? Baka ma-AWARD nanaman ako ng Boss kong bruhilda. Uuwi ata akong kasama sa milyong-milyong walang trabaho. Hay naku! Swerte talaga!
Sa di kalayuan...
Lyndon: Pare?! Ano ayos ka lang ba dyan?! (Tila traffic enforcer na hinaharang ang bawat taxing dumadaan isa't kalahating kilometro sa lokasyon ni Xairen)
Winz: Ayos lang pare, nakakangawit nga lang magmando ng ruta ng mga taxi driver at manuhol para walang masakyan yang pangarap mo. Hahaha!
Lyndon: Parating na ba si Clyde at Ivo? Para proceed na tayo sa continuation ng plano?
Ivo: Tsk! Tsk! Tsk! Tama nga ang balita, malala na ang tama mo bro! MMDA ka na pala ngayon?! Haha! Ganyan ba talaga ang pag-ibig? SH*T
nakakatakot! Tahaha!
Lyndon: Tigilan niyo na nga ako at palitan niyo na kami dito, bago pa maubos ang dalawang bag na inen-cash ko para lang maisakay ko ang supladang yun. Kailangan ko pang gipitin para lang maisakay ko. Pasalamat siya at nahuhumaling talaga ako sa gandang taglay niya.
Clyde: Wow pare! Lalim ah?! Haha! Amina nga! Kami na. Takte! Baka kami pa sisihin mo pagka hindi mu nasundo yung bebot na yun.
Lyndon: Sige pre. Salamat. Bawi na lang ako sa inyo mamayang gabi sa club nina Eron.
Nagpunta na nga sina Winz bilang driver ng taxi at Lyndon na nagpanggap na pasahero habang nakasumbrero upang hindi agad makilala ni Xairen.
Matapos ang ilang minuto, ng makalapit na kay Xairen, at ang walang malay na kawawang dalaga ay lumulukso sa tuwa sa pagkakita ng taxing sinasakyan nila.Winzy: Miss, okey lang ba kung may pasahero akong pa central business center sa Makati? San ka ba?
Xairen: Tara na pu. Paki una niyo ko. Empire Twins Building lang po.
Winz: Sure Ma'am. Hindi naman po nagmamadali itong kasama niyo.
Nang malapit na sa trabaho ni Xairen...
Nagsalita ang katabi,
Lyndon: Hi. ^_^¦¦
Sagot ko na pamasahe mo. Ikaw pala yan. (Magsasalita na sana si Xairen, ibubuka na niya ang bibig nang...) Malelate kana oh?! Dali. ENJOY YOUR DAY MY LOVES!
Xairen: My loves mo mukha mo! Pasalamat ka at naghahabol ako ng oras! (BLAG! Binagsak ang pinto ng taxi.)
Sa trabaho...
Shocks! Namatay na ba si
Bruhilda?! Bakit ang daming bulaklak dito?! My God?!
Melissa: Ikaw na talaga ang matalino at gumaganda!
Neriz: Gurl, grabe ah?! Mayaman tiyak ang suitor mo. Ginawang flower shop tong office natin. Kainggit. Kakilig. Oh! (inabot ang maliit na card)
(Pagbukas ni Xairen ng card, ganito ang bumungad na mga letra sa kanya)
TO THE MOST BEAUTIFUL WOMAN IN MY EYES. I TOLD YOU AWHILE AGO, ENJOY MY LOVES! (Smiley Face)-Very truly YOURS only,
YOUR FUTURE HUSBAND TO BE,
KLINT LYNDON REAL CHAVEZ
Nilukot ni Xairen ang card at sinabi matapos ng malalim at mabigat na buntong hininga..
Paki tapon lahat yan! I donate niyo sa Simbahan, sa Sementeryo, sa mga kambing, wala akong pakealam. Basta mawala lahat ng kalat na yan! Bwisit na CHAVEZ yan! Ayaw ako tantanan! Ka ASAR!
Melissa: O-M-G!!!! You mean, si Klint Lyndon Real Chavez ang nagpadala sayo nito?! My God?! Jusko! Choosy kapa?! Pag-naakit mo yun, kahit hindi mo na pagtiyagaan si Bruhilda!
Xairen: Teka, linawin ko lang. Hindi ko ugaling mang-akit ng lalaki, (baka ikaw yun?! Gawain mo kaya naisip mo at nakikita sa gawa mo. Bulong niya nanaman sa sarili.)
Neriz: Sayang mare, pera na naging bato pa.
Xairen: Ako, nag-aral ako para hindi umasa sa iba, babae ako likas na mahina pero hindi ko gagamitin ang oportunidad na babae ako at gamitin ito para makapanlamang o makapang-utak sa mga lalaki o ibang tao pa.
Melissa: Tara na nga, back to work.
Wala tayong magagawa sa babaeng hindi ko malaman kung tanga ba, mapride ba o gaga lang talaga.
Xairen: (Umiling-iling na lang)
Samantala.. Sa office ng boss bruhilda ni Xairen.. (may kausap sa phone)
Miss Veronica Zaldivaniez: Yes Sir, she already received the flowers. Yes Sir, your always welcome, anything for the biggest investor of this company. Thank you. Anything for you Sir.
Lyndon: Thank You Ms. Zaldivaniez, rest assured that this will be credited.
Sa kabilang linya...
Winz: Pare, ano let's proceed for the scheduled plan for today?
Lyndon: Ofcourse. Siya ang unang susuko sa panunuyo ko at hindi ako. Ituloy natin ang plano. Hehehe! (evil smile)
Masuyo kaya ng ating makulit na bida ang ating si Ms. Sunget?
Ano kaya ang natitirang surpresa ni Lyndon para kay Xairen?
Umeepekto kaya ang panunuyong ito ni Lyndon at may patutunguhan kaya ito?
May loveteam ba talaga sa story na to?
At.. abangan kung maalala pa kaya ni Xairen Ishaih si SOMEONE na si ANDREI EULYSIS CRUZ. Anu kayang maging epekto niya sa ReiDon Loveteam? Na hindi pa natin alam kung nag-eexist nga?
ABANGAN!
Sorry kung short lang. Sana ma-enjoy niyo po. Pinag-puyatan ko po yan. :-)
Time Check: 12:06amThanks for reading til this chapter! Hope you'll support NAOWS till it's END!!!
X.O.x.o.
MissUndefined13
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
RomanceShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...