XAIREN'S POVSunday. Day Off. Most BORING part of the Week. Ou para sa SINGLE na katulad ko na kulang na lang ay pakasalan ko ang trabaho.
Nakahiga ngayon ako sa kama. Tinignan ko ang cp ko, 8:07 am na pala, bored na bored ako. Hindi ako sanay ng ganto.
Workaholic. Oo. Yun na siguro ang best description sa akin. Maliban sa sinasabi ng marami na seryoso daw palagi ang mukha ko, hindi man daw ako pasadong artista, may malakas na dating naman daw sa mga lalake kahit pa nga itsurang supladita ako, dahil sa madalang ko daw na pag ngiti.
"Ren! Ren! Anak! Tara ka dito nandito si Shanny dear, dali baba! (Humina ng konti ang boses) Naku Shan dear, mag boy hunting nga kayo niyang si Ren, kinakabahan ako, baka kunin ako ni Lord e wala pa akong apo."
Hay nku, si momsie talaga. Nakakainis. Kinukunchaba pa si Shanniella Rynx Ogata. Oo, katulad ng iba, kahit wala akong bf since birth, my BFF (Best Friend For lifetime) ako. Bkit hndi Best Friend FOREVER? Wala. Bitter lang ko. Biter'biteran. Wala kasing FOREVER. Everything Fades.
"Ampalaya Queen!"
(Mga yabag galing sa hagdanan)
Naku. Ayan na ang magulo.
"Old Maid!"
Bwisit talaga! Yun ang pinaka ayaw kong tinatawag niya sa akin. Parang feeling ko, wala na talagang pag-asa ang lovelife ko.
Eto na. Bumukas na ang pintuan. Iniluwa ang isang babaeng pinagpala dahil hindi na kailangang Mag GLUTA. Hindi tumataba kahit lamon ang ginagawa at mga matang parang linya lang sa mukha niya.
Half-half Japanese. Half Abnormal. Yan ang bestfriend ko. Minsan naisip ko, abnormal nga siya dahil ginawa niyang bestfriend ang tulad ko. Kung sabagay. Pareho kaming weirdo. Iniisip mo ba na iniwan siya ng tatay niyang Hapon sa nanay niyang Pilipina? E-eng! Mali.
Tatay niya, Pilipino. Nanay niya Pilipina. Pano siya naging Haponesa? Edi lolo at lola sa tatay niya kasi purong Japanese. So si Tito Ogi as in Ogikawa, pure Japanese by blood. Pero Filipino Citizen. Ou. Ganoon nga. Enough na nga. Eto. Hinihila ako ni Shan para bumangon, hila-hila ang paa ko. Jusko. Panong normal ang gantong tao?!
"Besty! Tara galamode tayo. Let's explore the World! Nabulok kana dito sa apat na sulok ng kwarto mo!"
At dahil ayaw ko sa makulit dahil madali akong mairita. Heto kami. Nasa exclusive park ng EXCLUSIVE Subdivision kung saan nakatira ang pamilya ni Shan. Mayayaman at Big Time lang ang mga nakatira dito.Mga Millionaires at mga Billionario. Mayaman. Oo. Mayaman sila Shan. My famous chains of Japanese Resto sila, may mga pabrika in and out of the Country, na may kinalaman sa iba't ibang produkto ng pagkain at mga basic needs ng tao. Yung kahit hindi siya magtrabaho. Mapera siya. Magkasalungat kami. Middle Class ang pamilya ko. Normal. Minimum wage earner si papsie. Si mamsie, housewife. My mga kapatid nga pala ako. Kambal. Si Yesha at Yex. Fraternal Twins ata ang tawag sa kanila. Babae at Lalake. 15 years old na sila at nasa 4th yr. H.S. na, close naman.. ARAY! May kung anung tumama sa ulo ko. Ang sakit!
"Ayos ka lang ba bhestie?!"
Nang mapatingin ako sa paanan ko habang nakaupo kami ni Shan sa bench sa harap ng isang man-made lake, nakakita ako ng isang bilog na kulay blue na parang flat na flying saucer. Yung pinapahabol sa aso. Lintek. Panong... (ng makarinig akong may magsalita na nanggagaling ata sa likod ko, dahil medyo hilo ako, hindi ako sigurado kung galing nga ba sa likod or gilid ko. Kasi napahawak ako sa ulo ko sa sakit. Umiihip pa ang malakas na hangin)
"Ahmm.. Miss are you okay? Look I'm very sorry.. I didn't mean to.."
(Sa sobrang inis ko, hindi ko na siya pinatapos)
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
Любовные романыShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...