THIRD PERSON'S POV
Kahapon ang pinaka masayang araw para kay Lyndon at Xairen. Taliwas naman ito sa nararamdaman ni Andrei.
Hinatid ni Lyndon si Xairen sa bahay matapos nitong mababad at maligo sa ulan. Nalaman din kagabi ng mga magulang ni Xairen na magkasintahan na ang dalawa.
Halos magbunyi ang buong pamilya ni Xairen.
Flashback kahapon...
Umuwi si Xairen kasama si Lyndon, at dahil naikwento na ni Xairen sa kanyang mama Pranses ang plano niya. Kaya nung nasa gate na ang kotse ni Lyndon...
Sa loob ng bahay nina Xairen
PRANSES: Diyos kong mahabagin Emil! Dali! (Patili) Dininig na ng Panginoon ang mga dasal natin! Magkakaapo na tayo! May nobyo na ang anak natin! Yehey!
EMIL: Huwag ka ngang masyadong maingay irog. Nakakahiya sa mga kapitbahay at gabi na.
PRANSES: Eh bakit parang hindi ka yata masaya?
(drama mode: lulungkot ang mukha ni Mang Emil, pagkatapos ay bagsak ang mga balikat.)
EMIL: Kung iisipin mo, pag nakapag-asawa na ang anak natin, titira na siya sa ibang bahay. Aalis na siya dito. Madalang na lang natin siyang makakasama. Nakalulungkot lang isipin iyon irog.PRANSES: Naku mahal, huwag mo na ngang isipin yun. Ang isipin mo, hindi na tatandang dalaga ang anak natin. Hindi na siya tila robot na trabaho at bahay lang ang paulit-tlit na ginagawa. Ngayon, natuto na siyang.. (nagpose na tila nagdarasal at tumingala pa sa langit.) MAG-MAHAL!
Sumingit naman ang kambal
YESHA: Kuya! Naku! Magkakapamangkin na tayo! Wahahaha!
YEX: Alam niyo, napaka O.A. niyo, masyadong mga advance ang utak niyong lahat at pwede bang manahimik na kayo dahil papasok na sila.
YESHA: Kahit kelan, kill joy.
Samantala sa labas ng bahay...
Lumabas na ng kotse ang dalawa. Naunang bumaba si Lyndon pagkatapos ay pinagbuksan ng kotse si Xairen. Hinubad nito ang coat na suot ang isinuot kay Xairen upang mabawasan ang panlalamig at panginginig nito.
XAIREN: (Habang pababa ng kotse.) Salamat Lyndon.
LYNDON: Teka, may kulang sa atin e.
XAIREN: Huh? (Pagtataka) Anung kulang?
LYNDON: Lahat ng couples, may call of endearment.
XAIREN: CALL OF ENDEAR..MENT????!
LYNDON: Oo. Example, BHE, HON, BHIE, MHINE, SWEETCAKES, MUNCHKIN, BABE, MHIE/DHIE, AKIN, MAHAL, THART. Ayun, ganun.
Naglalakad papasok sa gate.
XAIREN: Kelangan papala ng ganun. Hmmm.. Anu kayang maganda para sa atin, gusto ko yung kakaiba. Yung walang katulad. Milktea kaya?
LYNDON: Huwag yun. May nabalita sa news may namatay na dahil dun.
XAIREN: Haha! Ganun ba?! Hmmm.. Aha! Alam ko na!
LYNDON: Ano?
XAIREN: YABS. Parang loves na pina-jeje. Tahahaha! Anu, okay na ba yun? Wala na kong maisip eh?
LYNDON: Sige na nga Yabs, tara pasok na tayo, para makapagpalit kana.
Pagkapasok..
PRANSES: Naku! Basang-basa ka anak! Halika sa taas at magpatuyo.
Yesha, Yex, Irog, asikasuhin niyo si Lyndon. Painumin niyo ng Choco-baterol habang mainit-init pa ng matanggal ang panlalamig niya, ikuha niyo narin si Xairen.
YESHA: Sige po Ma.
Sa sala ng bahay...
YESHA: Eto kuya ang baterol mo.
YEX: Congrats kuya sa pagpili sayo ni ate.
LYNDON: Salamat. Akala ko nga si Andrei ang pipiliin ng ate niyo.
Nang biglang...
WINZY: Thank goodness your here. Kaninang tanghali pa kita hinahanap. We have a BIG problem bro, and you would not like what you would hear.
LYNDON: At ano naman yun?
OoooPsS! Bibitinin ko muna kayo!
↖(^▽^)↗(*^﹏^*)= ̄ω ̄=Akala ko, happy ending na ang RENDON LoveTeam natin!
Ano kayang masamang balita ang dala ni Winzy Allado the bestfriend of Lyndon?
Thanks much for supporting NAOWS!
MissUNDEFINED13
BINABASA MO ANG
Not an Ordinary Wattpad Story
RomanceShe likes everything to be perfect. He's a happy go lucky guy. Siya yung babaeng tipo ng pinapakasalan. At siya yung lalakeng hindi gusto ng commitment. Anu kayang mangyayari kung magkrus ang landas ng dalawa? (May typo errors po sa Chapter 1, I've...