Chapter 113

133 9 0
                                        

Aly's POV

Naglalakad na ako ngayon patungo sa trabaho, pilit inaalis ang mga alalahanin sa isip ko. Pinili ko na lang din kasing hindi magpahatid kay Mr. Richard. Gusto ko rin munang mapag-isa. Gusto ko kasing magkaroon ng pagkakataon para makapag-isip nang malalim. Minsan, kailangan ko talaga ng oras para sa sarili ko, para ayusin ang mga nararamdaman ko. Alam ko na dapat hindi ko pinapaapekto ang sarili ko sa mga bagay na bumabagabag sa akin, pero kahit ano'ng pilit kong pagtuon sa ibang bagay, bumabalik at bumabalik pa rin ang isip ko kay Mr. Richard. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya.

Grabe ang mga sakripisyong hinarap niya para sa akin. Ang dami niyang tiniis at ginawa, at ngayon, gusto kong ipakita na handa akong gawin ang lahat para suklian ang kabutihan at malasakit niya. Hindi ko mapigilang isipin ang mga nakaraan-'yung mga pagkakataong may mahalagang tao akong hindi nagawang protektahan. Napakasakit no'n, at ayokong maranasan muli ang gano'ng uri ng pagkakamali, lalo na ngayon na si Mr. Richard ang nakasalalay. Alam ko namang nariyan si Damian para bantayan kami, lalo na si Mr. Richard, pero hindi mapawi ng presensiya niya ang bigat ng nararamdaman ko. Lalo na kapag naiisip ko ang pagsasama namin ng buong Konseho sa mga susunod na araw, parang may kung anong bumabalot sa dibdib ko-parang isang mabigat na responsibilidad na hindi ko matanggal-tanggal.

Alam ko kung gaano kahalaga ang mga desisyon na gagawin namin, at alam kong may malaking epekto ito, hindi lang kay Mr. Richard kun'di sa buong sitwasyon namin. Hindi lang ito simpleng pagpupulong at pagdiriwang—sigurado akong may malalim na implikasyon ang bawat sasabihin at gagawin namin doon. Bawat galaw, bawat hakbang, bawat salita, paniguradong magdudulot ng kakaiba. Kaya hindi ko maiwasang kabahan sa sitwasyong ito. Ang dami kong iniisip. Sinabi naman ni Mr. Richard sa akin na hindi ko obligado ito at hindi ko siya responsable. Ngunit bilang anak niya, pagkukusa ang batayan ko rito. Ayokong biguin siya, lalo na't alam kong ginawa niya ang lahat para protektahan ako at alagaan. Ngayon, gusto kong maipakita na kaya ko rin siyang protektahan, na kaya kong panindigan ang mga bagay na ipinagkatiwala niya sa akin.

Habang naglalakad ako, pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Sinusubukan kong mag-isip ng positibo, pero tuwing naiisip ko ang mga posibleng mangyari mamayang gabi, parang lumalaki ang takot sa loob ko. Pero kailangan kong kayanin, kailangan ko maging matatag. Alam kong hindi ako nag-iisa, nandiyan si Damian at ang iba pang kasamahan namin, pero sa mga sandaling ito, pakiramdam ko ako lang ang may dalang napakalaking responsibilidad. Parang pasan-pasan ko ang mundo.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Iniisip ko kung tama ba ang mga gagawin ko, kung sapat ba ang paghahanda ko. Kasi sa totoo lang, hindi ako handa sa bagay na ito. Pero sa kabila ng lahat, pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na kakayanin ko. Kakayanin namin ito, alang-alang kay Mr. Richard at sa lahat ng pinagdaanan namin. Handa akong harapin ang kahit anong hamon, basta't para sa kaniya.

Nasa labas pa lang ako ng restawran, pansin ko na agad na puno ang paligid. Napansin ko rin ang dami ng nakaparadang motorsiklo at kotse sa labas-senyales na magiging abala kami ngayong gabi. Mukhang maganda ang kita mamaya. Pagpasok ko, halos magulo na ang loob ng restawran dahil sa dami ng tao. Parang lahat ng mesa ay okupado, at abala ang mga empleyado sa pag-asikaso ng mga kustomer.

Habang naglalakad ako papasok, nakita ko si Ma'am Faith na naglalakad din, tila sasalubungin ako, pero napahinto siya nang biglang hinawakan siya sa braso ng isang lalaki. Napansin ko agad na may kalakihan ang katawan nito-medyo mataba, mahaba ang balbas at bigote, at mukhang hindi palakibo. Kahit hindi ko naririnig nang buo ang kanilang usapan dahil sa ingay ng mga tao sa paligid, halata sa ekspresyon ni Ma'am Faith na may problema.

Bigla namang lumapit si Jerwin upang awatin ang lalaki. Nakita kong binitiwan nito si Ma'am Faith, pero imbes na umatras, kinuwelyuhan niya agad si Jerwin, na parang naghahanap ng gulo. Agad akong nag-isip ng paraan para matulungan si Jerwin.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Stories to obsess over. Discover now