Chapter 1

33 4 2
                                        

Chapter 1

"Anak... magising ka na. Walong taon ka ng nakahiga diyan, may balak ka pa bang gumising?" naramdaman ko ang init ng palad nito na nakahawak sa kanang kamay ko.

Dinama ko ang masarap na pakiramdam na ito dahil ang buo kong katawan ay malamig. Ayaw ko na dito sa lugar na ito. Masyadong madilim at nag-iisa lang ako. Gaya ng lagi kong ginagawa pinipilit kong buksan ang mga mata ko o kaya naman pagalawin ang mga daliri ko ngunit lagi akong bigo.

"Babalik kami bukas ha? Kaya magising kana. Hindi kami mapapagod na kausapin ka at hintayin ka. Nandito kami... naghihintay sa'yo," naramdaman ko ang mga patak ng luha nito bago ito binitawan.

Gusto ko siyang pigilan dahil nandito na naman ang pakiramdam ng mag-isa. Tahimik at malamig ang pakiramdam. Ayaw ko na nito, madilim!

Binuhos ko ang lakas ko para galawin ang daliri ko at sinubukang buksan ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang hindi gaanong madilim na paligid. At pinalibot ko ang mga mata ko.

Inangat ko ang kamay ko na parang wala ng buhay dahil buto buto na lang ito. Nakita ko sa side table na hinihigaan ko ang isang pitsel na may lamang tubig at tatlong baso. Naramdaman ko ang uhaw na simigid sa lalamunan ko kaya naman pinilit ko itong abutin kahit na naghihina ako.

Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng buong katawan ko. Ilang araw na ba akong nakahiga dito?

Dahil sa panghihina natabig ko ang mga baso kaya nag sanhi ito ng ingay sa paligid. Pumikit ako bilang pagsuko, napamulat din nang biglang bumukas ang pinto.

Nakita ko ang isang makisig na lalaki na tila ba natulos sa kanyang pwesto nang makita ako. "Aella..." napakunot ako ng noo sa binanggit nitong pangalan.

"W-water... p-p-please," paos kong sabi. Mukhang natauhan naman siya at tumingin sa mga basong nabasag sa sahig.

"Wait kukuha lang ako. 'Wag kang pipikit... wait for me, okay?" tinignan niya muna ako bago nagmamadaling tumalikod para kumuha siguro ng tubig.

Ilang minute lang ay dumating na siya na may dalang pitsel at bagong baso. May kasama rin siyang doctor base sa nakikita ko.

Lumapit ang lalaki at ang doctor para tulungan akong maupo bago ako painumin ng tubig. Tinignan ko ang lalaki na nagpainom sa'kin at ngumiti bilang pasasalamat ngunit seryoso lang itong nakatitig sa'kin para bang mawawala ako sa panigin niya.

"Ano ang pakiramdam mo, Aella?" tanong ng doctor kaya bumaling ang mata ko sa kanya.

"Aella? I guess that's my name..." mahina kong sabi.

"What do you mean? You don't know your name?" nagtatakang tanong nito

Tinignan ko siya sa mata at umiling bilang sagot. "What happened to me? Where I am? And... who are you?"

"You are Aella Ria Delcour—Rous—" hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin niya nang pinigilan siya ng doctor.

"Wala ka bang naaalala?" tanong ng doctor. Tinignan ko siya ng pagtataka at prinoseso ang tanong niya.

Sinubukan kong alalahanin... pero walang pumapasok sa utak ko kung ano ang nangyari.

"You've been comatose for eight years do you know that?"

"That long?"

"Yes."

Nabaling ang tingin ko sa pinto nang may biglang pumasok don na sa tingin ko ay mag-asawa. Gaya ng lalaki gulat din silang nakatingin sa'kin. Hindi na nakayanan ng ginang at tumakbo na palapit sa'kin.

"Anak! Salamat sa Diyos at gising ka na!" masaya nitong untag. Ang ginoo naman ay lumapit na rin at niyakap ako.

Nagtataka man ay hinayaan ko sila. Ilang segundo ng humiwalay sila ng yakap. Masuyong hinawakan ng ginang ang mukha ko at banayad na nakangiti.

"Ilang taon ka naming hinintay..." gumuhit ang lungkot sa mga mata nito. "Patawarin mo 'ko dahil hindi kita naprotektahan."

"Ano pong sinasabi niyo?"

"Anong... hindi mo maalala ang nangyari?" umiling ako sa tanong nito. Bumaling ang ginang sa doctor.

"Dr. Ramos?"

"Yes, madame. Your daughter is experiencing amnesia. I think it's a partial amnesia. She totally lost her memories and awareness of her identity. But I assure you, madame, she will remember everything. Unang niyang maaalala ay ang pagkabata niya at unti-unti na iyong babalik. Kailangan lang ng oras," sabi ng doctor.

Nag-usap pa sila ng magulang ko bago ako chineck ng doctor. Lumabas muna sila para makapag-usap. Naiwan na lang ay kaming dalawa nung lalaki. Nagmamasid lang ito kanina kaya naiilang na rin ako dahil sa mga titig niya.

"Uhm... thank you nga pala kanina. Uhm, sino ka nga pala?" nakita kong may dumaan na pangungulila, sakit at lungkot? Hindi ko mawari.

"You don't really remember?" napabuntonghininga ito bago nagpakilala. "I'm Damien Luan Rousseau. I'm your... husband," magaan nitong sabi.

"Husband?" napatingin ako sa ring finger ko na may suot na simpleng gold ring.

"Yeah," bulong nitong sagot at iniwas ang mga mata sa'kin. "We got married after you graduated Bachelor of Business Administration. We got married in Hawaii, beach wedding."

Napatango ako sa sinabi nito. "Do we love each other?" wala sa sariling tanong ko. Napaangat ako ng tingin at nakitang nasaktan ko siya base sa tanong ko. Argg... I'm so selfish!

"I-I'm sorry..." napakagat ako ng labi. "Wala kase akong matandaan," paliwanag ko. Napatikom siya ng labi bago huminga ng malalim na para bang sa pamamagitan na iyon ay gagaan ang pakiramdam niya.

"Akala ko memorya mo lang ang nawala... sana sinabi mo para naihanda ko yung sakit."

Iyon ang huling sinabi niya bago siya umalis. Hindi na siya muli pang-bumisita dito. Unti-unti ko na rin na-aadjust ang katawan ko sa panahon ngayon. Marami akong dapat na habulin gaya na lang ng healthy life ko dahil sa loob ng walong taon gamot ang bumubuhay sa'kin.

Isa pala sa property ng magulang ko ang ospital na pinag-stay-in ko. Sa bawat araw na lumilipas ay parang may kulang... pero iniisip ko na lang dahil sa nawala kong memoryang iyon. Ginawa ko lahat para maging maayos na ako dahil alam kong sobrang nahirapan ang mga magulang ko. Bumawi rin ako sa kanila sa paraan na alam ko.

Nang makalabas na ako. Pinilit ako ng mga magulang ko na magpahinga, ibig sabihin mag bakasyon para ma-relax daw ang isip ko pero tinanggihan ko agad sila. Sa ilang buwan na nakalipas, nag hire ang mga magulang ko na mag tuturo sa'kin tungkol sa pinag-aralan kong course. Napadali naman ito sa'kin dahil siguro napag-aralan ko na ito noon. And they also hired an Etiquette Teacher for me.

Nasa hapag kainan kami ngayon at naghahapunan. "Uhh... mom, dad?" kuha ko sa atensiyon ng magulang ko. Parehas naman silang nag-angat ng tingin sa'kin. "What's the matter, anak?"

"Yung lalaki pong nandoon sa kuwarto ko noong nagising po ako..."

"Ahh si Damien ba? Bakit mo nabanggit?" mapanuring tanong ni Dad.

"Totoo bang asawa ko siya?" maingat kong tanong. Napataas naman ang mga kilay nito at tumikhim. "Sinabi ba niya sa'yo yan?" tanong nito.

"Yes po," sagot ko. "Then, it is true," sagot nito habang tumatango-tango pa.

"Bakit hindi man lang siya bumisita?" bulong kong tanong sa sarili. Isa pa naman siya sa inaasahan kong makakatulong sa'kin.

"Gabi na siya bumibisita. Galing lagi sa trabaho 'yon kaya late na siyang nakakapunta dito kaya rin hindi mo siya naaabutan," sagot ni Mommy habang patuloy pa rin sa pagkain. Bumibisita naman pala 'yon bakit hindi man lang ako gisingin? "Nakakapasok po siya dito?"

"Yes, anak. Dito rin siya nakatira sa village na 'to, kaya gabi-gabi ka niya binibisita. Kilala naman siya ng mga tao dito sa bahay kaya pinapapasok din siya," napatango na lang ako sa sinabi nito.


The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon