Chapter 29

13 2 0
                                        

Chapter 29

The operation went smoothly. Ang ospital kung saan siya dinala ay isa sa pagmamay-ari ng Delcour. Nasa isang VIP room si Damien. Fourteen days siyang mananatili rito bago lumabas.

Sobra akong nag-aalala nang matapos ang operation. Hindi ko maiwasan mag-isip ng mga kung ano-ano. Paano kung iwan niya kami? Paano kung may mangyari sa operasyon? Paano kung mawala siya? Maraming pumasok sa utak ko na 'what if's' dahil sa nagyari sa kanya.

Ang mga bata ay umiyak nang malaman nila na nasa ospital ang ama nila. Bumisita rin ang mga magulang ni Damien at ang mga kapatid nito. Sila rin ay nag-alala pero may tiwala raw sila kay Damien na kaya niya raw iyon.

Kaya nang nagising na siya ay hindi ko na hinayaan na mawala pa siya sa panignin ko. Halos dito na ako dumideretso pagkatapos ng mga meetings na kailangan kong i-attend. Nagkaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan ang mga hukom dahil malaking parusa raw ang ihaharap ng pamilya ko pero malalaman na lang daw nila na binibitawan ko ang responsibilidad ko.

Hindi ko binitawan... ang kaligtasan ng mga magulang ko ang inaalala ko. Ang kaligtasan namin ni Damien at ng mga anak namin ang inaalala ko. Kaya lahat ay may kapalit.

Hindi ba pwedeng maging selfish sa buhay?

Maraming pumasok sa utak kung tama ba ang gagawin kong desisyon. Pero kahit saan ako lumingon, para ito sa magulang ko, sa pamilya ko. Sana patawarin ako ng lahat kung sa una pa lang ay hindi ko na ginawa ang responsibilidad ko. Na natakot ako. Tumakbo ako.

Tinignan ko ang pangalan ko sa birth certificate at hinaplos ang apeliyido na napalitan na. Aella Ria Cohen. Naramdaman ko na unti-unti ng nawawala sa'kin lahat. It's good to be Delcour... hahanap-hanapin ko man, alam kong magiging masaya ako.

Nag-angat ako ng tingin at pinanood ang mga anak na nagkukuwento sa ama nila.

"Daddy, when are you going to get well? I want to go home to the Philippines."

"I thought you want to roam here?"

Napanguso si Rine at tumingin sa daddy nito. "Eh, kase naaksidente ka dito kaya ayaw ko na dito."

"Dad, how did you get shot accidentally? I'm just confused... because you don't have enemies to fight."

"That's why it's called accidentally, Zeus," sagot naman ni Damien. Napakunot na lang ng noo si Zeus at hindi na nagtanong pa.

Hindi namin alam ni Damien kung paano namin sasabihin sa kanila pero wala naman kaming balak na hindi ito sabihin sa kanila. Baka sa paglaki na lang nila.

Lahat kami ay napatingin sa pinto nang may kumatok doon kaya ako na ang tumayo para pagbuksan iyon. Bumalik naman ang mga bata sa pakikipag-usap sa ama nila. Pinihit ko ang doorknob at natigilan nang makita ang mga kakilalang mukha.

"Grand—" nahinto ko ang pagtawag ko sa kanya dahil hindi ko alam kung pwede bang tawagin pa siya. "A-ah..."

"Tawagin mo na akong grandpa. This is the last time I will hear you call me grandpa."

"Grandpa."

"Yes. We're here to visit your husband and my great-grandchildren."

Nakita kong sumilip si Charleigh sa likod ni grandpa at kumaway. Kaya naman pinagbuksan ko sila. Nagulat ako nang kasama rin pala si Estrella at si Madeleine. Hinawakan ni Charleigh ang balikat ko at bumulong.

"They also want to see them," humagikgik ito at pumasok na ng tuluyan sa VIP room ni Damien. Nang sumunod ako ay tahimik ang lahat. Sila Rine at Zeus ay nakakapit na kay Damien, kulang na lang ay magtago.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon